Chapter 37

47.5K 1.8K 363
                                    

= 37 =

*** CLYDE's POV ***

Nanginginig kong hinaplos ang mukha ni Mama.

"S-Sigurado kayo?" mahina kong tanong. May inabot na papel sa akin si Theo.

"Nakita ng mga kawal sa gilid ni Queen Diamond," sabi niya. "Patay na daw siya pagkapasok palang nila ng kwarto."

Tinitigan ko nang mabuti ang sulat na hawak ko.

'It starts tonight.'

- Alice

Nilukot ko ito at itinapon sa basurahan. Umabot sa akin ang balitang patay na si Queen Diamond kaninang umaga. Pati na rin ang balitang hindi daw magising sila mama at ang iba pang Kings & Queens. Pati ang mga Profs sa school. It's like they're under a sleeping spell.

Impossibleng si Scarlet lang ang may gawa nito.

Hindi pwede.

Hindi niya magagawa 'yon.

"Nagblue moon na kagabi, Clyde. Ano na ang balak mo?" tanong ni Grayson. "Makakapatay ako dahil sa ginawa nila kay Mama."

"Ipatawag lahat sa Assembly Hall," utos ko.

Lalabas na sana ako nang magtanong si Zayden. "Paano na si Scarlet?"

Nilingon ko siya, "Bakit?"

"Handa ka bang kalabanin siya?" tanong niya.

---

Matagal kong tinitigan ang daan-daang estudyante sa harap ko. Halos lahat ay nagkakagulo at kinakabahan.

"LISTEN!" malakas na sigaw ni Jude. Lahat na ng mata ay nakatitig sa amin.

"This is what we've been training for. It's now or never. All we have to do is win. Kaya naman natin 'yon diba?" sigaw ni Theo.

"How?! Wala sila Queen Emerald. Sila Prof. Ox, Prof. Thelessa at yung iba pang Prof." sabi ni Rachelle.

"But it doesn't mean that we need to surrender na," sabi ni Theo.

"Gusto niyo bang matalo tayo sa Dark Side?" tanong ni Grayson. "Mananalo tayo kung maniniwala kayong kaya natin."

"True," mahinang sabi ni Star.

"Paano si Scarlet?" tanong bigla ni Andrea.

"Traydor 'yon diba? Patayin naten!" sigaw ng isa mula sa likod.

"NO," sigaw ko.

"Why? She betrayed us. She lied to us. She KILLED Queen Diamond. She put our parents under a spell. Ano pa ba ang dapat niyang gawin para matauhan ka na masama siyang tao?" galit na sabi ni Zayden.

"Teka nga," singit ni Patricia. "Scarlet is our friend. Kung sino man ang mas nakakakilala sa kanya, tayo 'yon. Alam nating mabuting tao si Scarlet."

"She WAS our friend until she became one of them," sabi ni Zayden.

"SHE BECAME ONE OF THEM BECAUSE SHE HAD NO CHOICE!" biglang sabi ni Sky. "Tinaboy natin siya as soon as malaman nating Dark Side siya. She had no one to turn to."

"She became one of them dahil sayo," sabi naman ni Rachelle. "Inaway mo siya sa dungeons."

"I did that to protect her from Queen Diamond!" depensa naman ni Sky. "Papatayin dapat siya ni Queen Diamond kasi siya si Alice."

SCARLET (Emerald Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon