Chapter 29

53.1K 2.1K 378
                                    

= 29 =

*** SCARLET'S POV ***

"Ako si Graciela."

Graciela? Parang... pamilyar sa akin ang pangalang Graciela.

"Saan ka galing?" tanong ni Clyde.

"Sa malayo," sagot ni Graciela.

"Paano mo nagawa 'yon?" tanong ni Sky sabay turo sa mga Manticores na umuusok parin. Mukha silang mga nasunog pero sa loob ng katawan.

"Dahil parehas kami," sabay turo sa akin at kay Clyde.

*** THELESSA'S POV ***

'May isa pang babae...'

Pawis na pawis akong nagising.

'Thelessa, makinig ka sa sasabihin ko.'

Napayuko ako at pumikit. Kinakausap niya ako. Siya na nagsasabi palagi sa akin ng mga mangyayari at ng mga dapat kong malaman at paghandaan.

'May isa pang babae na katulad ni Scarlet. Hahadlang sa nakatakda. Hahadlang sa kapayapaan. Hahadlang sa mga gusto niyong mangyari.'

"Sino po ang inyong tinutukoy?"

'Hindi ko na kailangan pang sabihin at ituro sa iyo. Makikilala mo na siya. Magbihis ka at ihanda ang sarili.'

Tumayo na ako at nagpalit ng damit. Naramdaman kong wala na siya. Sino kaya ang itinutukoy niya? Kaparehas ni Scarlet? Hahadlang sa nakatakda at sa kapayapaan?

Nagmadali akong bumaba hanggang sa makarating na ako sa Entrance Hall. Doon ko nakita sina Scarlet na kakapasok palang.

"Saan kayo galing?" tanong ko.

"May mga Manticore po kaming nakalaban sa forest. Hindi po namin alam kung saan nanggaling. Malamang ay galing sila sa Dark Side," sabi ni Clyde.

"Okay lang ba kayo? Dumiretso na kayo agad sa Clinic Wing. Ako na ang magsasabi kay Prof. Ox," nag-aalala kong sabi. "Paano kayo nakaligtas? Malalakas ang mgaanticores."

"May tumulong po sa amin," hinihingal na sabi ni Sky.

"Sino?" tanong ko.

May tinawag si Scarlet mula sa labas. "Siya po si Graciela."

Kinabahan ako bigla. Pamilyar ang mukha niya. Nakita ko na. Pero hindi ko alam kung saan. Ito na ba? Ito na ba ang sinasabi niya? Ang sinasabi ng chant?

"Hello po." Inabot ni Graciela ang kanang kamay niya. Pagtama palang ng mga kamay namin ay alam ko na ang kakaiba sa kanya.

Pareho nga sila ni Scarlet.

*** SCARLET'S POV ***

"Thank you ha." Panglimang beses ko na 'tong sinabi. Naramdaman ko ang mahinang dampi ng hangin sa akin.

"You're welcome." Panglimang beses niya na ding sabi. Nandito kami ngayon sa likod ng school. Sina Clyde at Sky ay nasa Clinic Wing parin dahil mas madaming sugat silang natamo kaysa sa akin. Tinitigan ko siya. Pamilyar ang mukha niya pero baka niloloko lang ako ng mga mata ko.

"Saan ka nga pala galing, Graciela?" tanong ko. Nakakapagtaka lang kasi na bigla siyang sumulpot at prinotektahan kami. At ang lakas niya. Ngayon lang ako nakakita ng taong kayang pumatay nang ganon.

"Sa malayong lugar," sagot niya. "Ayoko na ngang tandaan."

Mukhang iiyak na siya kaya hindi na ako nagtanong pa ulit. Baka ayaw niyang pag-usapan. Baka ayaw niyang balikan ang nakaraan kasi masakit.

SCARLET (Emerald Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon