Chapter 5

75.4K 2.8K 879
                                    

A/N:

Si Andrea Dell Winter po yung nasa multimedia.

-Onneechan
______________________________________________________________________________

= 5 =

*** SCARLET'S POV ***

Potions and Poisons.......... 7AM
Light Creatures................. 8:30AM
History of Modars............ 10AM
Lunch Break..................... 12AM
Literature......................... 1:30PM
P.E. ................................... 3PM

Matagal kong tinitigan ang hawak kong schedule at pulang uniform. How the hell did that happened?! Modar ako?

Wait, ano nga pala yung mga Modars?

"Scarlet!" tawag sa akin nina Star. Lumapit silang dalawa sa akin.

"Okay ka lang?" nag-aalalang tanong nila. Sino ba naman ang hindi mashoshock sa ginawa sa akin ni Prof. Ox?! Ikaw kaya ang saksakin sa leeg!

"Bakit nawala agad yung hiwa? Bakit gumaling agad?" tanong sa akin ni Patricia.

Oo nga... bakit nawala yung saksak niya sa birthmark ko? At bakit ganoon nalang yung pakiramdam ko kanina? Bakit parang may kakaiba akong naramdaman?

"Nakakatakot ka kanina Scarlet. Iba ang kulay ng mga mata mo kanina," sambit ni Star. "Violet."

VIOLET?! Seryoso? Shit edi ang ganda ko???

"Pareho nga kayo..." Napalingon kami sa likod namin. Naglalakad na kasi kami papunta sa kanya-kanya naming mga klase.

"Oh Andrea, hello!" bati ni Star.

"Parehas nga kayo ni Clyde. Parehong pareho. Ikaw nga yung tinutukot sa Chant..." mahinang sabi ni Andrea. Inunahan niya na kaming maglakad.

"Oy Andrea sabay na kayo ni Scarlet!" sigaw ni Patricia. Tinulak na nila ako at sinabing habulin si Andrea. Dumikit lang daw ako kay Andrea para hindi daw ako loner.

Sinunod ko yung room na nakalagay sa schedule ko. Sa may laboratory daw dahil Potions and Poisons ang subject. Medyo nakakahiyang maglakad. Nagtitinginan sila sa akin. Minsan pa nga ay hindi ko mawari kung galit ba sila sa akin o ewan.

Napalingon ako sa likod ko nang may marinig akong ingay. Sila Clyde at yung apat pang 'prinsipe'. Nagtatawanan. Feeling ba nila sa kanila 'tong corridor?!

Pumasok na ako sa loob ng lab. Tig-iisang lamesa at upuan daw. Tig-iisa ding mga kagamitan lang cauldron, tubes, flasks, burners, etc. Buti nalang wala pang umuupo sa right side ni Andrea kaya doon ako umupo. Pero... bakit ba kasi sa harapan siya umupo?!

Napatingin ako sa pinto nang pumasok na si Clyde. Tahimik na siya at hindi nakangiti. Di kagaya kanina na malakas ang tawa at masaya. Ganito ba siya kapag di nya na kasama mga kaibigan niya?

Napaiwas ako ng tingin nang magkatinginan kami. Woah. Bakit tumingin yon?! Pagtingin ko ulit sa kanya nakangiti na siya bigla.

"I swear, ang dami niyong similarities," bulong ni Andrea. Wala talaga siyang reaksyon. Para bang bored na bored siya.

Napatingin ako sa likod ko nang doon umupo si Clyde. Nginitian niya pa ako. Argh. Akala niya ba nakalimutan ko yung pang-aasar niya sa akin nung una kaming nagkita?!

Dumating na yung Prof. Si Prof. Luxien daw. Siya pala yung nag-iikot tuwing gabi after curfew para tignan kung tulog na ba kaming lahat. Binigyan niya kami tig-iisa ng dalawang libro. Yung isa white. Yung isa black.

'Potions and How to Use Them.'
'Poisons and How to Treat Them.'

Bubuklatin ko sana kaso bigla akong sinuway ni Prof. Luxien na wala pa daw siyang sinasabi na buksan na ang libro. Napahiya tuloy ako -_-

SCARLET (Emerald Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon