Chapter 23

57.3K 2.3K 877
                                    

= 23 =

*** CLYDE's POV ***

Gabi na. Nandoon pa kaya si Scarlet?

Sinilip ko kung tulog na ba si Lucy. Dahan-Dahan akong tumayo pero bigla niyang hinatak ang kamay ko.

"Wag mo akong iwan, Clyde. Please," sabi niya.

"May pupuntahan pa ako, Lucy. Babalikan kita," sabi ko.

"Yung babaeng 'yon ba ang pupuntahan mo?"

"Ha?"

"Si Scarlet. Siya yung pupuntahan mo diba?"

"Oo."

Mas hinigpitan niya pa ang hawak sa kamay ko. "Iiwan mo ako para lang diyan sa babaeng 'yan? Akala ko ba kaibigan mo lang 'yon?"

Napasimangot ako sa kanya. "Magkaibigan lang din naman tayo diba?"

Hinatak ko na ang kamay ko at tumakbo na palabas ng School. Sana naman nandoon pa si Scarlet. Sana naghintay siya.

Mas binilisan ko pa ang pagtakbo ko pagdating sa Sunflower Field. Malayo palang ay nakikita ko nang may tao sa lake. Pero bakit parang dalawa sila?

Paglapit ko ay napaatras ako. Si Scarlet... at si Sky? Tumalikod ako agad. Di pala ako kailangan ni Scarlet eh. Nandiyan naman pala si Sky para icomfort siya.

Badtrip. Tumakbo pa ako. Nasayang lang pagod ko. Kung di lang ako nalate... kung dumating lang ako agad kanina...

Tsk. Ano naman kung si Sky ang kasama niya ngayon? Ano naman kung nagkikiss sila? Wala akong pake.

Inis akong tumakbo pabalik sa School. Dapat pala hindi ko nalang iniwan si Lucy. Pagdating ko sa Clinic Wing ay nakita ko siyang naiyak sa kama niya. Agad siyang napatayo nang makita niya akong dumating.

"Bumalik ka!" sigaw niya sabay yakap sa akin. "Sabi ko na nga ba hindi mo ako kayang iwan eh!"

*** SCARLET's POV ***

Hinatid ako ni Sky sa tapat ng kwarto namin nila Patricia. Ang awkward bigla after ng kiss. First time ko 'yon! Nakakaloka! Parang nabura bigla lahat ng problema ko dahil sa kiss.

"Goodnight, Scarlet," nakangiti niyang sabi.

"Sky," tawag ko sa kanya bago siya umalis. "Why did you do that?"

"Kasi I can't stop myself," casual niyang sabi. "Nabigla ba kita?"

"Medyo," amin ko. "Ano ba ako sayo Sky?"

Lumapit nanaman siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. "You're my angel."

Tumalikod na siya at umakyat papunta sa dorm ng boys. Pumasok ako agad sa kwarto ko at hinampas hampas ang kama ko habang tumitili pero walang tunog. Pero natigilan din ako. Kasi may mga dapat pa pala akong problemahin. Kailangan kong magtraining agad bukas. Kailangan kong tanungin si Clyde kung ano ba ang plano sa war.

Pero dahil hindi ako sinipot ni Clyde kanina, di kami bati.

***

Focus.

Inangat ko ang mga kamay ko at itinapat sa sunflower. Biglang nalagas ang mga petals nito. Napangiti ako. Ang galing.

"Kawawa naman yung flower," nakapout na sabi ni Star.

"Oo nga," sang-ayon ni Patricia. "Lunch na tayo. Nagugutom na ako."

Tumayo na kami at pumasok na sa School sabay diretso sa dining hall. Naabutan namin sina Rachelle at Andrea na kasama sina Clyde. Pero parang may nangyayari kasi sumisigaw si Rachelle.

SCARLET (Emerald Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon