Chapter 18

52.9K 2.5K 533
                                    

= 18 =


"Sunog!"


Tumigil bigla ang kantahan ng mga pixie. Sandaling natigilan ang lahat ng nasa Great Hall. S-Sunog? Napahawak ako sa puso ko. Bigla akong kinabahan.

"Saan?!" malakas na sabi ni Queen Emerald. "Clyde, tawagin mo ang Papa mo."

Tumakbo si Clyde papasok sa isang pinto sa likod ni Queen Emerald.

"Sa Middle Village po! Nasusunog po ang buong village!" sigaw ng kawal. What?! BUONG VILLAGE?

"Wag kang lalabas ha," sabi sa akin ni Sky at tumakbo na palabas ng Great Hall. Ano ba. Dalawang beses na akong naiwan ngayon ah.


"Scarlet!" Lumingon ako at nakitang palapit sa akin sina Star. Hinatak nila ako bigla palabas din ng Great Hall. Ano ba! Bakit ba kanina pa ako hinahatak-hatak?

"Saan tayo pupunta? At bakit ba natakbo tayo?" tanong ko. Tumatakbo na kami palabas ng castle ngayon. Tumigil kami at hinarap ako nila Star at Patricia.

"Sina Doc... sina Happy... yung dwarves... lahat sila ay nasa Middle Village," hinihingal na sabi ni Star.

"What?! Bakit sila nandoon? Diba dapat they're here?" sabi ni Rachelle.

"Ayaw kasi nila magstay sa castle. Kaya binigyan sila ng bahay sa Middle Village," sabi ni Patricia.

"Mag-chichikahan pa ba kayo diyan o tatakbo na tayo papunta sa Village?" singit ni Andrea. Nagkatinginan kaming lahat at nagsimula na ulit tumakbo.


Ramdam na ramdam ko ang lamig ng hangin dahil gabi na. Ngayon lang ako tumakbo ng ganito kabilis. Ngayon lang ako kinabahan ng ganito. Ilang beses na ngang tumama sa mukha ko ang matatangkad na damong nadadaanan namin. Bakit nasusunog ang buong Middle Village? Sino ang gumawa nito? Dark Side?


"Scarlet! Violet nanaman ang mga mata mo!" sigaw ni Star habang natakbo. Hindi ko nalang siya pinansin.

"What... the... hell..." sambit ni Rachelle. Malayo palang ay kitang kita na namin ang sunog. Nasusunog nga ang buong village. As in yung BUONG village. Impossible.


Mas binilisan pa namin ang pagtakbo namin. Wala na akong pakialam kung nakapaa nalang ako dahil nahubad yung sapatos ko sa kakatakbo. Kapag may nangyaring masama sa dwarfs, ako ang may kasalanan. Dahil ako ang naghikayat sa kanila na sumama sa amin. Ako ang dahilan kung sila nandito. Ako ang may kasalanan.


Napatigil na kami sa harap mismo ng village. Nagtatakbuhan ang mga tao. May mga batang naiyak. May mga sugatan. May mga bangkay. Pero walang mga dwarfs.


"Sa loob na loob pa ang bahay nila..." mahinang sabi ni Star.

"Impossible na tayong makapasok sa loob. Baka hindi na tayo makalabas," sambit ni Andrea. Hindi pwede. Maliligtas pa namin sila.

"Nandito na sila Clyde!" Turo ni Rachelle. Sa di kalayuan ay may chariot na naglanding. Lumabas dito sina Clyde, Theo, Jude, Grayson at Zayden. May sumunod pang chariot na dumating at lumabas naman mula dito sina Queen Emerald at King Matt kasama sina Queen Amethyst.


Ayokong tumayo lang dito at manood.


SCARLET (Emerald Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon