Chapter 28

54.7K 2K 790
                                    

= 28 =

*** SCARLET's POV ***

"No, scratch that. I don't like you. I want you. I need you. I'm falling in love with you."

Bakas sa mukha ko ang pagkagulat. What the hell? Ano ba ang nangyayari? Una, si Sky. Tapos ngayon naman si Clyde. Feeling ko ang landi landi ko na huhu.

"Clyde..." sambit ko. "Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin."

"Hindi naman ako nag-eexpect na may sasabihin ka eh," sabi niya. "Pinapaalam ko lang sayo para alam mo."

Tignan niyo 'to, ang sungit parin saken sa kabila ng mga sinabi niya kanina.

"Para ipaalam sa akin?"

"Oo. Para alam mo na may magseselos kapag hinayaan mong lapitan ka ng ibang lalaki."

Namula ako bigla. Nakakainis naman. Naguguluhan na ako sa sarili ko.

Naglakad na kami pabalik sa school. Kakadaan palang namin sa waterfalls. Parang may nakakalimutan ako. May dapat ba akong gawin ngayon? May dapat ba akong puntahan?

"Sky..." sambit ko pagdaan namin sa lake. Nakaupo siya sa isang bato at nakayuko. Sht. Ba't ko ba nakalimutan na nagyaya pala siyang magpicnic. Naghintay siya. Ang tanga ko.

Dahan-dahan niyang inangat ang ulo niya hanggang sa nakita niya kaming dalawa ni Clyde. "Scarlet..."

"Sorry, Sky! May ano... may.... may pinakita sa akin si Clyde. Nakalimutan-"

Sumingit bigla si Clyde. "May ginawa kami."

Lumapit sa akin bigla si Sky at hinatak ako. Pero hinatak din ako ni Clyde. Kaya mukha tuloy kaming naglalaro ng tug-of-war.

"Lahat nalang ba aagawin mo?" galit na tanong ni Sky.

"Wala naman akong inagaw sayo noon pa," seryosong sabi naman ni Clyde.

"Akin siya," matigas na sabi ni Sky. "Sayo na nga si Lucy diba?"

Naiirita nako. Badtrip. Mukha bang gamit ang mga babae na pwedeng angkinin at palitan? Sinampal ko bigla si Sky.

"Hindi ako second choice. Ayoko rin maging first choice dahil ibig sabihin ay may iba pang choices!" inis kong sabi. Hinatak ko ang mga kamay ko para mabitawan nila ako. "Gusto ko ako lang! Nakakadismaya kayo."

Tumalikod na ako sa kanila. Aksaya lang talaga sa buhay ang mga lalaki. I can't believe na hinayaan kong halikan ako ni Sky noon. Wasted first kiss kung ganon siya.

"Bakit nadamay ako?" naguguluhang bulong ni Clyde.

Biglang humangin nang malakas. Natahimik tuloy kaming tatlo. May narinig kaming mga gumagalaw sa paligid. Hinatak ako bigla nina Clyde at Sky sa pagitan nilang dalawa.

"Anong nangyayari?" bulong ko. May gumalaw nanaman. Sino ba 'yon? Mabilis ba siyang gumalaw o... madami sila?

"Pamilyar sa akin ang amoy na 'to," bulong ni Sky.

"Ang weird talaga ng senses mo," sabi sa kanya ni Clyde.

"Di ka na nasanay. Dati pa 'to diba," sabi naman sa kanya ni Sky. Humangin nanaman nang malakas. May narinig kaming nga yapak sa paligid hanggang sa unti-unti silang lumabas.

"Manticores," mahinang sabi ni Clyde. May katawan sila ng lion, ulo ng isang tao, may pakpak ng isang paniki at may parang buntot ng isang scorpion. Nakita ko 'to sa libro na nabasa ko sa library.

"Lima sila," sabi ni Sky. Tumingin ako sa paligid. Oo nga, ang dami nila.

"Tatlo lang tayo," sabi ko.

"Pagbilang ko ng tatlo, tumakbo ka na Scarlet. Hanapin mo sina Prof. Ox at Prof. Thelessa. Sabihin mo na nay manticores dito," utos sa akin ni Clyde. Ano? Iiwan ko sila dito?

"Ayoko! Di ko kayo pwedeng iwan," pagmamatigas ko. Sabay-sabay kaming sinunggaban ng limang manticores. Si Sky ay nakalmot sa likod kaya lumabas ang wings niya habang si Clyde naman ay dalawa ang kinakalaban.

Napaatras ako nang unti-unting lumapit ang dalawang manticores sa akin. Kahit ulo ng tao ang ulo nila ay may malalaki naman silang pangil ng lion.

"Scarlet tumakbo ka na!" sigaw ni Clyde habang pilit siyang nilalapitan ng manticores. Lumipad bigla si Sky habang hawak hawak ang ulo ng manticore na kalaban niya.

"Hindi ko kayo iiwan!" sigaw ko. Saktong tinulak ako ng isang manticore kaya tumalsik ako sa isang puno. I felt a sting sa likod ko dahil sa pagkakatama sa puno. Feeling ko something took over me. Napuno ako bigla ng galit.

Inangat ko ang mga kamay ko at tinapat sa dalawang manticores sa harap ko. Lumakas bigla ang hangin. Yung mga manticores na kalaban ni Clyde ay binaling ang tingin sa akin. Biglang kinagat ng isang manticore ang katabi niya. Nagpatayan silang apat. Puro dugo na ang nakikita ko. Tumakbo si Clyde papunta sa tabi ko.

"Scarlet... paano mo nagagawa 'yan?" tanong niya. Nababa ko bigla ang kamay ko. What the hell did I do?

"H-Hindi ko alam..." mahina kong sabi. May biglang bumagsak mula sa taas na manticore. Maya-maya ay bumaba si Sky mula sa taas.

"Nacontrol mo sila..." di makapaniwalang sabi ni Clyde.

"Habang tumatagal mas nagiging kakaiba 'yang mga nagagawa mo Scarlet," dugtong ni Sky. "Nakita ko ang mga nangyari mula sa taas."

Napalingon kami sa harap namin nang may mga manticores pang dumating. Shit. Mas madami 'to kaysa kanina. Isa o dalawag dosena yata. Saan ba sila nanggagaling?

"Hindi natin sila kaya," sabi ko.

"Hindi mo ba magagawa ulit ang ginawa mo kanina?" tanong sa akin ni Sky.

"Hindi ko naman alam kung paano ko nagawa eh."

Napapalibutan na kami ng mga manticores. Inangat ko ulit ang mga kamay ko pero ang tanging nagagawa ko lang ay mahangin sila paatras.

"Sobrang dami nila!" sigaw ni Clyde.

"Anong gagawin natin?" tanong ko.

Tumingin si Clyde kay Sky. "Umalis na kayo ni Scarlet dito."

Napasimangot ako sa kanya. "Paano ka?"

"Ako na ang bahala dito."

"Ano?!" Hinawakan na ako ni Sky sa braso. "Teka! Naloloka ka na ba Clyde? Di mo sila kakayanin!"

"Pumayag ka nalang Scarlet! Mas mahalagang ligtas ka!"

"Ang tigas naman ng ulo mo Clyde eh!"

Napatingin kami bigla sa ilang Manticores na bigla natumba. May dumating na babae. Nakaangat ang mga kamay niya habang nakatutok sa mga Manticores. Nagsimulang umusok ang mga ito na waring kumukulo ang kanilang mga dugo hanggang sa matumba na silang lahat. In an instant, ubos ang mga ito.

"Okay lang ba kayo?" nag-aalalang tanong ng babae.

"Sino ka?"

"Ako si Graciela."

__________________________________________________________

Tuwing wednesday at saturdays lang po ako makakapag-update huhu. Doon lang po kasi ako walang pasok :( Sorry :(

-Onneechan
P.S. mahal ko kayo <3

SCARLET (Emerald Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon