Chapter 3

97.3K 2.9K 568
                                    

= 3 =

OX'S SCHOOL OF LIGHT

*** SCARLET'S POV ***

"Maganda siya 'no?"

"Siya ba talaga?"

"Oo daw eh."

Napadilat ako at napaupo. Bumungad sa akin ang mukha ng dalawang babaeng di ko naman kilala. Anong nangyari kagabi?

"Hi!" bati nung isa babae.

"Hello?"

"Ako nga pala si Star," nakangiting sabi nung babaeng dark ang buhok at medyo kulot.

"Patricia Adelaide," nakangiting sabi naman nung isang babae na blonde din ang buhok gaya ng sa akin. Nginitian ko rin sila.

Napatingin ako sa paligid. May dalawa pang kama sa tapat ko. Sino nagdala sa akin dito?

"Dinala ka dito ni Clyde. Nagising nga kami eh. Magkakilala na pala kayo?" sabi ni Star. Si Clyde? Dinala ako dito?

"Kagabi lang kami nagkakilala. Di ba niya sinabi sa inyo kung ano nangyari?" tanong ko.

"Nahimatay ka daw," sabi ni Patricia. "Umalis din siya agad eh. Snobbers kasi yun. Hindi namamansin basta basta."

Tumango nalang ako at tumayo.

"May damit ka pala," sabi ni Star at tinuro yung nakatuping dress sa katabing table ng kama ko.

"Hindi saken 'to," sabi ko. May note na nakalagay.

'For Scarlet Cress
-E.P.'

E.P.? Sino yun?

"Suotin mo na. Itotour ka namin," sabi ni Patricia at lumabas na sila ng kwarto namin.

Itotour saan? Haynako Scarlet. Bakit ka ba nandito. Ang tanga mo kasi! Matapos na sana ang lahat ng 'to para makabalik na ako samen.

Sinuot ko na yung dress at surprisingly ay fit na fit yung dress. Lumabas na ako ng kwarto at nakita ko sila Star at Patricia na may kausap na babae.

"Scarlet!" tawag sa akin ni Star kaya lumapit ako sa kanila.

"This is Andrea," pakilala ni Patricia.

"Hi," bati ko pero tinignan lang ako ni Andrea at pumasok na sa kwarto niya.

"Don't worry. Masungit talaga 'yon," sabi ni Star. "Tara na."

"Saan tayo magsisimula?" tanong ni Patricia.

"Magsimula tayo sa pinakatuktok!" Excited siguro talaga si Star.

"Sa baba muna kasi mas malapit tayo sa baba," sabi ni Patricia. Nag-pout nalang si Star at tumango.

Bumaba muna kami sa pinakababa at lumabas ng school. Woah. School ba 'to? Eh mukhang castle to eh!

May malaking arc bago sa entrance ng school at may nakasulat.

'Ox's School of Light.'

"Si Professor Ox ang nagpatayo nito?" tanong ko.

"Nagkakilala na pala kayo?" sabi ni Patricia. "Itinayo ito 17 years ago. After ipanganak si Clyde. Este, after kayong ipanganak ni Clyde."

Ang dami ko nang hindi alam tungkol sa sarili ko. Ang dami ko nang tanong kung sino ba talaga ang mga magulang ko. Kaya siguro pumayag ako na magstay muna dito. Kasi gusto kong malaman ang totoo.

SCARLET (Emerald Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon