Chapter 30

51.6K 2.1K 1K
                                    

= 30 =

Tumakbo kami nang mabilis papunta sa kwarto nila Clyde. Hingal na hingal kaming kumatok. Agad itong bumukas.

"Scarlet?" tumingin si Theo sa likod ko. "Star? Patricia? Anong nangyari?"

Agad niya kaming pinapasok sa kwarto nila. Nakita naming nakahiga na pala silang lahat at patulog na. Tumayo si Clyde at lumapit sa akin.

"Anong nangyari?" tanong niya. Kinuwento namin ang nangyari.

"Hindi kasi kayo dapat nagtitiwala," sabi ni Zayden after naming magkwento.

"Sorry ha. Kasalanan ba ni Scarlet na magaling umarte yung Gracielang 'yon?" sarkastikong sabi ni Patricia.

"Tama si Zayden. Umpisa palang ay weird na ang dating nung Graciela eh," sabi naman ni Grayson.

"Oo nga," sang-ayon ni Jude kahit mukhang hindi naman siya nakikinig dahil may kinakain nanaman yata sila ni Star na Chocolate.

"Pero bakit ka niya tinawag na Ate?" nagtatakang tanong ni Theo. "Magkapatid kayo?"

"Wala akong kapatid," sambit ko.

"Eh diba hindi mo naman nakilala mga magulang mo?" sabi ni Patricia. "Baka kapatid mo nga siya."

"Ibig sabihin ba nito ay nandito din ang mga magulang ko?"

Hinawi ni Clyde yung ilang hibla ng buhok na humarang yata sa mukha ko dahil sa kakatakbo. "Bukas na bukas ay sasabihin ko na agad kay Prof. Ox ang nangyari. Magpahinga ka na."

"O-Okay," nauutal kong sabi. Namula pa nga yata ako. Hindi ako sanay sa ganitong Clyde. Paglabas na paglabas namin ng kwarto nila Clyde ay agad akong tinanong nila Patricia.

"Bakit ganoon sayo si Clyde bigla? May hindi ka ba sinasabi sa amin?" tanong ni Star.

"Kaibigan mo kami. Magkwento ka naman," sabi naman ni Patricia. Nakayuko lang ako. Pilit na akong ginugulo ng mga sinabi ni Graciela. Kapatid ko siya? Bakit... bakit gusto niya akong saktan? Bakit kalaban siya? Nasaan ang mga magulang namin?

Papasok na sana kami sa kwarto namin nang biglang may lumabas out of nowhere na pixie. Hindi pamilyar sa amin ang pixie na 'to. Parang ngayon lang namin nakita.

"Profeizzor Theleizza eind Profeizzor Ox iz zummoning Scarleit Creiss eind Clyde Pearson to zi Azzembly Hall." Nawala na rin agad yung pixie. Papunta na yata sa kwarto nila Clyde para sabihin din yung sinabi sa amin.

"Bakit ganon magsalita yon?" tanong ni Star.

"Pixie yata ni Prof. Ox yun eh," sabi naman ni Patricia.

"Bakit nila ako pinapapunta sa Assembly Hall?" nagtataka kong tanong.

"Gusto mo bang samahan ka namin?" nag-aalalang utas ni Patricia.

"Wag na," sambit ko. "Mauna na kayong matulog. Kaya ko na 'to."

Pumasok na sila sa kwarto samantalang ako naman ay bumaba na.

"Scarlet!" Paglingon ko ay si Clyde pala. Sabay na kaming bumaba at umakyat ulit sa kanang hagdan kung nasaan ang Assembly Hall.

"Bakit ba tayo pinapatawag?" tanong ko.

Nagkibit-balikat lang siya. "Kung ano man 'yon, malamang ay mahalaga."

"Kinakabahan tuloy ako."

Hinawakan niya nang mahigpit ang kamay ko. "Nandito lang ako."

Binuksan na niya ang malaking pinto ng Assembly Hall. Nakita namin sina Prof. Ox at Prof. Thelessa na nakatayo sa harap. Lumapit kami sa kanila at doon ko nakita na may dalawang pixie pala silang kasama. Yung isa ay yung pixie kanina. At yung isa naman ay pamilyar sa akin. Mataba siya at may pagkain na hawak. Nakalimutan ko lang kung sino at kaninong pixie siya.

SCARLET (Emerald Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon