Chapter 31

49.2K 2K 313
                                    

= 31 =

"Belle."

"Bakit delikado dito?" tanong ko.

"Makikita niya kayo!" mahina niyang bulong. Hinatak niya kami papunta sa likod ng mansyon.

"Sino ba siya?" tanong namin ni Clyde.

"Si..." tumingin-tingin siya sa mga bintana ng mansyon. Parang tinitignan niya kung may nakasilip ba o nakikinig sa usapan namin. "Si Adam."

"Adam? Sino 'yon? Siya ba may-ari ng mansyong ito?" tanong ko.

"Opo," sagot ni Belle.

"Kung ganoon, kailangan namin siya makausap," sabi ni Clyde at nagsimula nang maglakad.

"Teka teka!" sigaw ni Belle pero mahina lang. Pwede pala 'yon? Sisigaw nang mahina lang?

"Ano bang meron sa Adam na 'yon at takot na takot ka?" iritang tanong ni Clyde.

"Kumalma ka nga," bulong ko kay Clyde. Hinatak kami ni Belle papasok sa isang pinto sa likod ng mansyon. Dumaan kami sa isang masikip na hagdan kung saan dinala kami nito sa isang malaking kwarto. May kama sa gitna at malinis naman ang paligid kahit medyo may pagkaluma na ang mga gamit. Para bang matagal nang hindi natatamaan ng araw yung kwarto.

Di siya mapakali. Palakad-lakad siya at para bang may iniisip. Pero kahid ganoon ay ang ganda niya parin. Napatingin ako kay Clyde. Nakatingin din siya kay Belle.

Mas lalong nataranta si Belle nang may biglang kumatok sa pinto. Mahina lang na katok ito. Baka bata yung kumatok. Naiinip na ako. Akala ko mabilis lang kami dito ni Clyde.

"Belle?" Agad na napawi yung pagpapanic ni Belle nang marinig niya yung boses ng kumatok. Binuksan niya agad yung pinto.

"Buti dumating na kayo! May mga kasama ako, hinahanap nila si Adam," bulong ni Belle sa kumatok kanina. Kaso hindi namin makita kung sino ba kausap niya.

"Pinapasok mo sila dito? Bakit?!" nagpapanic na sabi ng isang lalaki. Hindi lang pala isa ang kumatok kanina?

"Hinahanap nila si Beast? Bakit daw?" tanong naman ng isa.

"Gusto ko silang makita!" masayang sabi naman ng isa pa. Ilan ba talaga sila? Tumingin sa amin si Belle. Kami naman ni Clyde ay mukhang ewan na nag-aabang.

"Ang tagal naman," mahinang bulong sa akin ni Clyde. Gumilid na nang bahagya si Belle. Papapasukin na niya yata yung mga kausap niya.

Teka, wala namang tao ah? Sino yung mga kausap niya?

Sht. Napahawak ako bigla kay Clyde. "Multo kausap niya?!"

Natawa nang mahina si Clyde at may itinuro sa baba. "Hindi."

Mas lalo akong nagulat sa nakita ko. May candelabra, pendulum clock, teapot, teacup at feather duster. At lahat sila ay may... may buhay? Gumagalaw sila. Ang... gara.

"Hi!" sabi sa akin ng teacup. "I'm Chip! Chip Potts!"

"Hello!" sabi naman ng teapot. "Ako si Mrs. Potts, nanay ni Chip."

Tinaas naman ng candelabra yung isang kandila niya at nagsalita, "Ako naman si Lumiere, at ito naman ang aking magandang girlfriend na si Babette." Tinuro niya yung feather duster na nagsway. Nag-hello yata.

"At ako naman si Cogsworth. Ang majordomo ng mansyon na ito," mayabang na sabi ng pendulum clock. Nagkatinginan kami ni Clyde at sabay na tumingin kay Belle. Pinanlakihan kami ng mata ni Belle kaya nagpakilala na rin kami ni Clyde.

SCARLET (Emerald Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon