Chapter 22

54.7K 2.6K 1.2K
                                    

= 22 =

"Okay ka lang?" Tumango ako. Naglalakad na kami ngayon sa Open Hall. Pinaalis kasi kami agad nina Prof. Ox pagkatapos nila ako kausapin. Parang may mahalaga silang pag-uusapan ni Prof. Thelessa.

"Clyde, may malapit bang lake dito? O ilog?" tanong ko.

"Meron," sagot niya. "Bakit?"

"Kumakalma kasi ako kapag doon ako nagpapahangin. Samahan mo naman ako," sabi ko. "Ikaw lang ang makakaintindi sa akin ngayon eh."

"Okay," nakangiti niyang sabi. Pero may bigla tumawag sa kanya mula sa Clinic Wing.

"Clyde! Nagising na si Lucy! Hinahanap ka niya," sabi ni Rapunzel. Napatingin siya sa akin. "Hello, Scarlet!"

Naalala kong dito pala namin sila pinapunta ni Carlo. Natulong na pala siya sa Clinic Wing. Tumingin sa akin si Clyde.

"Mauna ka na sa lake. Nandoon lang 'yon sa bandang likod ng School. Dumiretso ka lang at kapag nalagpasan mo na yung field, nandoon na yung lake," sabi niya. Ngumiti ako at tumango. Nginitian niya rin ako at tumakbo na papunta sa Clinic Wing.

"Kamusta si Lucy?" rinig kong tanong niya. Lumabas na ako ng School. Ano bang sakit ni Lucy? Akala ko lagnat lang or something. Bakit ngayon lang siya nagising?

Naglakad na ako papunta sa likod ng School. Nakita ko yung tower ni Prof. Ox. Sa taas ay may bintana kung saan nakita kong nag-uusap si Prof. Thelessa at Prof. Ox. Parang may pinagtatalunan sila. Itinuon ko nalang ang sarili ko sa paglalakad.

Sa likod ng tower ni Prof. Ox ay may malawak na field. Malawak na taniman pala 'to ng sunflowers. Ang tatangkad nila. Kasingtangkad ko. Ang ganda.

Naglakad na ako. Siguro inabot ako ng limang minuto bago nalagpasan ang field ng sunflowers. May mga matataas na puno akong nadaanan bago ko nadatnan ang malawak na lake. Ang ganda. Parang kumikinang ang tubig dahil nasisinagan siya ng araw. Sa kabilang side ay may mga white swans at pink flamingos.

"Woah." Biglang nangitlog ng ginto yung isang swan. Yayaman ako kapag kinuha ko yung itlog niya! Kaso kawawa naman siya. At nakakatamad tumawid sa kabilang side.

Umupo na ako sa isang malaking bato. Maghahapon na yata. Magbebell na at baka hanapin na ako nina Star. Nasaan na ba si Clyde?

Teka nga, kakarating ko lang diba? Ang tamad ko talaga maghintay -_-

Naalala ko yung sinabi nina Prof. Ox kanina. Buhay pa kaya si Alice? Bata lang siya diba? Sa mga panaginip ko tungkol sa kanya ay bata lang siya. Kahit bata siya ay kaya niya kaming patayin lahat? Nakakatakot.

At bakit napapanaginipan ko siya? Anong connection ko sa kanya? Bakit ba kasi ang dami kong hindi alam sa sarili ko? Sino ba ang mga magulang ko? Sino ba talaga ako? Bakit ko kayang gawin ang mga nagawa ko sa Dragon at sa lola ni Rapunzel?

Bakit ang dami kong tanong? Argh. Sumasakit na ang ulo ko kakaisip.

"Ang tagal." Napatingin ako sa langit. Maggagabi na. Isang oras na akong naghihintay dito. Nakakaloka. Ang tagal naman niyang kausapin si Lucy?

Scarlet, maghintay ka pa. Baka malala ang sakit ni Lucy. Baka inutusan pa siya ng Prof. o baka napa-CR pa siya. Maghintay ka pa ng 5 minutes.

Tumayo na ako nang nadilim na talaga. Isang oras nanaman ang nakalipas. Naiimbyerna ako kay Clyde. Sabi niya susunod siya.

"PINAASA MO AKO BADTRIP KA!" sigaw ko. Nagtakbuhan tuloy yung mga swans at flamingos. Napalingon ako bigla sa likod ko. Parang may bumagsak sa di kalayuan.

SCARLET (Emerald Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon