Chapter 16

61.9K 2.3K 689
                                    

= 16 =

"Bakit daw tayo pinapabalik?" tanong ko. Nagkibit-balikat lang si Clyde.

"Paano sila?" tanong ni Rachelle sabay turo kanila Doc. "Dadalhin ba natin sila sa Middle Castle?"

"Hahatid ko nalang sila sa Middle Castle," sabi ni Zayden at tumayo na.

"Ikaw lang mag-isa?" tanong ko.

"Oo. Bakit? May sasama ba?" tanong niya.

"Delikado kasi," sabi ko.

"Let's just split up. Theo, samahan mo si Zayden. Kayo nila Rachelle at Patricia," utos ni Clyde.

"What?! Ba't kasama ako sa kanila? Ayoko!" sabi ni Rachelle. Di siya pinansin ni Clyde dahil ginising na nito sila Star. Galit na galit pa sila Jude kasi ginising daw sila.

"Seryoso talaga kayo?" angal pa ni Rachelle. "Ayoko! Hindi ka ba aangal Patricia?"

"Bakit ba ayaw mo?" tanong bigla ni Theo. Surprisingly, nanahimik ang paligid. Ultimong si Jude na nagrereklamo kasi ginising siya ay nanahimik. May awkward atmosphere bigla sa pagitan ni Theo at Rachelle.

"Bakit ayaw ko? Tinatanong mo ba talaga 'yan sa akin, Theo?"

"Oo."

"Well, because it means I'll spend every second with you. And according to what I know, being with you sucks like hell."

"So?" Lumapit sa kanya si Theo. "Hanggang ngayon parin ba hindi mo parin ako napapatawad?"

"Mapapatay kita." Nagwalk-out bigla si Rachelle. Awkward silence. Walang nagsasalita. Nganga.

"Dude, habulin mo kaya?" sabi ni Grayson kay Theo.

"It's too late. I'm too late."

Bakit ba sila magkaaway? Kaloka naman. Naiintriga na talaga ako.

"Si Star nalang ang sasama sa inyo, Theo. Sa amin na sasama si Rachelle," utos ni Clyde. "Tara na."

Nagpaalam na kami kay Doc at sa iba pang Dwarfs. Niyakap nga ako nang mahigpit ni Bashful eh. Hiwalay na kami ng tinahak na daan nina Theo kasama ang dwarfs at sina Star, Patricia at Zayden. Ang kasama ko naman ay sina Clyde, Jude, Grayson, Andrea at Rachelle.

Ilang oras din yata kami naglakad. Magtatanghali na ng makalabas na kami sa Dark Forest at matanaw ang School of Light.

"Ginutom ako kakalakad," sambit ni Jude. "Kaso wala si Star. Wala akong kasabay. Tsk."

"Tss." react ni Clyde. Puro ganyan lang reaction niya kanina pa. Kaasar.

"Patay-gutom," sabi ni Grayson. "Ikaw Drea? Hindi ka ba nagugutom?"

Drea? Si Andrea ba tinutukoy niya?

"Pinayagan ba kitang tawagin akong Drea?" walang emosyon na sabi ni Andrea. Tinawanan tuloy ni Jude si Grayson. Napansin ko si Rachelle na tahimik parin hanggang ngayon.

Nakaabot na kami sa School of Light. Malayo palang ay nakikita na namin si Prof. Ox. Kasama si Prof. Thelessa. Alam kaya nila na may isa pang Engkantada?

"Buti at ligtas kayo!" sabi ni Prof. Thelessa.

"Teka, bakit kulang kayo? Nasaan yung iba?" tanong ni Prof. Ox. Pinaliwanag ni Clyde kung nasaan sina Theo.

"Well, umakyat na muna kayo sa mga kwarto ninyo at magpahinga," sabi ni Prof. Ox.

"Bakit niyo po kami pinabalik dito?" tanong ko.

SCARLET (Emerald Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon