Chapter 20

60.1K 2.3K 1K
                                    

A/N

Bakit walang nakakaalala kay Lucy? Kaloka. Siya po yung kababata ni Clyde na kasayaw niya sa party.

-Onneechan

_________________________________________________________


= 20 =


"Scarlet? Oy, Scarlet! Gising na!" Naiinis akong bumangon sa kama ko. Nakita ko sina Patricia at Star na nakapamewang sa harap ko.

"Anong oras ka ba natulog kagabi at hanggang ngayon ay tulog ka parin?" tanong ni Star. May ibinato siya sa aking damit.

Naalala ko nanaman yung kagabi. Tawa na nga ako nang tawa dahil sintunado kumanta si Clyde kaso dumating yung Lucy. Mukhang nag-alala bigla si Clyde at umalis silang dalawa. Iniwan ako mag-isa sa garden. Nakakaloka.

Dalawang na akong iniwan ni Clyde. Tsk.

"Dalian na natin!"

"Bakit ba kayo nagmamadali?" tanong ko.

"Babalik na tayo sa School of Light kasama si Queen Emerald. May iaannounce daw siya," sabi ni Patricia.

"Ano daw?"

Nagkibit-balikat lang sila. "Baka tungkol sa nangyaring sunog."


Nagbihis na ako agad. Ang bilis ng mga pangyayayi. Sinakay nila ako agad sa Chariot kaya nakarating na kami agad sa School of Light. Habang nasa chariot nga kami ay may mga kasabay kami malalaking agila. Kakaiba ang laki nila. Parang kasinglaki ng tao.


"Bakit ba sila nagmamadali?" sabi ko habang naglalakad na kami paakyat sa Assembly Hall. Kasabay namin ang iba pang mga estudyante na tinitignan kami.

"Bakit ba nakatingin sa atin ang mga 'yan?" inis na tanong ni Andrea.

"Bakit ba ang sungit mo palagi?" natatawang tanong ni Grayson. Akala ko mag-aaway sila pero dinedma lang siya ni Andrea.


Pagpasok namin ay umupo kami agad. Buti nga ay madami pang bakanteng upuan kaya magkakatabi-tabi na kami. Hindi namin kasama si Clyde. Kahit kaninang umaga ay hindi ko siya nakita.

"Pati pala yung ibang Queens ay nandito," turo ni Patricia.

"I feel like may iaannounce sila na hindi maganda," sabi ni Rachelle.

"Meron nga," matipid na sabi ni Zayden. Pumunta na sa harapan si Queen Emerald kasama si King Matt at si Clyde. Kaya pala hindi namin siya kasama.

"Shh. Magsisimula na yata," suway ko. Nagulat ako na nandoon din pala si Lucy. Katabi ni Clyde.

Binalita ni Queen Emerald ang nangyari sa Middle Village. Nag-ingay bigla yung ibang estudyante nang mabanggit ni Queen Emerald na Dragon ang may kagagawan nito.

"We've tried everything to save everyone. Unfortunately, hindi namin naligtas ang mismong village. Nasunog ang lahat. As of now, 100 na ang natagpuang bangkay at 50 ang sugatan."

May nagtaas bigla ng kamay at tumayo. "Patay na po ba yung Dragon?"

"Fortunately, yes. Napatay na siya," nakangiting sagot ni Queen Emerald.

"Paano po?"

Yumuko ako at itinago ang mukha ko. Naramdaman kong tumingin sa akin sina Star.

SCARLET (Emerald Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon