Chapter 8

67.2K 2.6K 662
                                    

= 8 =

*** EMERALD'S POV ***

'Scarlet!' Clyde? Nasaan ako?

'Scarlet takbo!' sigaw ulit ni Clyde.

'Anak, anong nangyayari?' tanong ko sa kanya. Pero parang di niya ako naririnig. Nasaan ba kami?

Inikot ko yung paningin ko. Sa school of light? Sa Assembly Hall 'to diba? Bakit ako nandito?!

'Emerald?'

Nakita ko yung tinatakbuhan nila Scarlet at Clyde. Nakita ko kung bakit nagtatakbuhan silang lahat.

Oh my God.

"Em, okay ka lang?" Napabangon na ako bigla. "Uy, Em. Okay ka lang?"

Napatingin ako kay Matt na nakahiga pa at mukhang inaantok pa. Hinatak niya ako pahiga at niyakap.

"Nanaginip ako," bulong ko. This time, nagising na talaga siya.

"Ano?" tanong niya. "Tungkol kanino?"

Alam kasi namin na once nanaginip kami ni Matt, magkakatotoo.

"May parang party sa School of Light. Nandoon sina Clyde. Tsaka si Scarlet. Tapos..." Napayakap ako nang mahigpit kay Matt. "May tinatakbuhan sila. Nakita ko, Matt. Nag-aalala ako kay Clyde at Scarlet."

*** SCARLET'S POV ***

"Ayaw mo ba talaga sumama, Scarlet?" tanong ni Star.

"Masaya 'yon. Maiinggit ka bukas kapag nagkwento kami," sabi naman ni Star. Eh hindi kasi ako mahilig sa mga ganong party. Tsaka wala akong susuotin. Wala akong dress.

"Ayoko talaga eh," sabi ko. "Hihintayin ko nalang kayo dito."

"Boring kaya," sabi ni Star.

"Edi matutulog nalang ako agad," sabi ko at humiga na. Matagal nila akong tinignan. Worried yata na baka malungkot ako dito.

Maya-maya'y nagpaalam na rin sila at lumabas na. Finally, alone na ako. Nilabas ko yung Light Creatures book ko at nagbasa nalang. Nasa Nephilims ako ngayon. Mga half-angel, half-human hybrids daw. Never pa daw nakikita yung mismong lugar kung nasaan sila.

Eh kung ganon, paano nila nasabing may Nephilims talaga kung di pa nila nakikita? Kalokohan naman 'to.

*knock knock*

Napatingin ako sa pinto. Sino naman 'yon? Eh halos 30 minutes na ang nakalipas simula nang umalis sila Star. Malamang lahat na ng estudyante ay nasa courtyard maliban sa akin.

Tumayo na ako at dahan-dahang binuksan yung pinto. Huh? Walang tao.

Isasara ko na sana yung pinto nang may makita ako sa lapag. Isang... dress. Tapos may kasama pang note.

'You can't miss the party tonight.
-D.P.'

"D.P.?" sambit ko. D.P. naman ngayon? Diba E.P. yung nagpapadala sa akin ng mga damit? Sino naman 'tong D.P.?

Pumasok na ako ulit sa kwarto at tinignan yung dress. Maganda siya. At mukhang fit na fit sa akin. Mahabang black dress ito at napaka-elegant.

Sayang naman kung hindi ko 'to susuotin.

"Woah." Ako ba talaga 'to? Bagay na bagay sa akin yung dress. Fit na fit. Hindi naman sa pinupuri ko ang sarili ko pero... ang ganda ko. Isang oras palang naman ang nakakalipas simula nung umalis sina Star diba? Baka makakahabol pa ako sa party.

SCARLET (Emerald Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon