Chapter 40

52.6K 1.9K 297
                                    

= 40 =

*** SCARLET's POV ***

"Scarlet..."

"Scarlet?"

"Scarlet wake up."

Mabilis akong napabangon. Una kong nakita si Clyde with this worried look on his face.

"Scarlet," sabi niya. "Okay ka lang?"

Tinignan ko ang bangkay na nasa harap namin. Nag-unahang tumulo ang mga luha ko. The only family I have used me for their own selfish reasons.

Bullshit.

Naramdaman ko ang kamay ni Clyde sa likod ko. "You still have us."

Agad kong pinunasan ang mga luha ko. Tama siya. Sometimes, blood is not always thicker than water.

Woah, paenglish english nako ha.

"Tara na, umalis na tayo dito. Tapos na ang war," sabi niya. Tumango ako. Pero may gumugulo sa isip ko.

Ganoon lang? Tapos na agad ang war? War na matagal pinagplanuhan? Parang may mali. Parang hindi pa tapos.

Palabas na sana kami ng Throne Room nang may tumakbo palapit sa amin. Malayo palang ay kilala ko na kung sino.

Kulay palang niya ay alam ko na. Yellow bear. Cute little yellow bear.

"Pooh!!!" sambit ko pagkayakap na pagkayakap niya sa akin.

"Teka, bakit ka nandito?" tanong ni Clyde.

"Hm? Bago magstart yung war kinuha kami nung engkantada!" sabi niya. Hindi parin talaga kumukupas ang pagiging cute ni Pooh. "Pinagtrabaho niya kami dito nila Piglet."

"Si Althea..." Mahina kong sabi.

"Patay na sila, Pooh. Malaya ka na," sabi sa kanya ni Clyde.

"Hmm?" Napakamot sa ulo si Pooh. "Eh paano na po yung Black Hole?"

"Black Hole?" naguguluhan kong tanong. "Anong Black Hole?"

Sabi ko na nga ba... Meron pa.

"Hm? Diba po sabi ko noong nasa bahay ko tayo may ginagawa sila Engkantada Althea na bawal ko sabihin sayo?" sabi niya. "Yung Black Hole po 'yon!"

Lumuhod si Clyde sa harap ni Pooh at hinawakan ito sa balikat. "Saan nakalagay ang Black Hole?"

"Teka, Clyde baka masaktan si Pooh," sabi ko.

"Sa ilalim po ng Castle," sagot ni Pooh.

SCARLET (Emerald Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon