Chapter 11

59.5K 2.3K 638
                                    

= 11 =

*** SCARLET'S POV ***

"Una sa lahat," sabi ni Clyde. Pigil na pigil yung galit niya. "BAKIT KA NANDITO?"

"Why are you shouting ba? Is it wrong to follow you guys? Tsaka I'm nagtatampo nga kasi nagsinungaling si Scar saken eh," sagot ni Rachelle. Napatingin ako sa babaeng may mahabang buhok. Nakaupo lang siya at pinapanood kami. Nakakahiya naman sa kanya. Pumunta kami dito tapos hindi pa namin tinatanong kung sino siya.

"Hello," bati ko ulit sa kanya. "Ako nga pala si Scarlet."

Thankfully, hindi muna nag-away si Rachelle at si Clyde.

"Hi," sabi niya. "A-Ako po si... Rapunzel."

Rapunzel?

"Ah, hello Rapunzel!" sabi ni Grayson. "Grayson nga pala. Gray nalang itawag mo saken."

Kumindat pa siya tapos kung ano ano sinasabi kay Rapunzel. Malandi pala 'tong si Grayson?

"Mag-isa ka lang dito?" tanong ni Patricia.

"Opo," sagot niya.

"Hindi ka nalulungkot? Paano ka nakakababa?" tanong ni Rachelle. Nakakapag-tagalog naman pala siya ng maayos.

"Hindi naman," nakangiting sabi ni Rapunzel. "Hindi ako nababa. Pinupuntahan ako ng lola ko para dalhan ng pagkain at mababasang libro."

Kahit na. Malungkot parin magstay dito. Malungkot mag-isa.

"Hindi ka nalulungkot mag-isa?" tanong ko. "Hindi ka ba nalulungkot kasi wala kang kasama?"

"Mag-isa na ako noon pa," sabi niya. "Mas hindi ako sanay kapag madami akong kasama."

"Nasaan mga magulang mo?" tanong ni Star.

"Hindi ko alam eh," sagot niya. Parehas pala kami. Mag-isa nalang.

Pero... bakit kami pinapunta dito ni Prof. Ox? Anong maitutulong ni Rapunzel sa amin?

"Aw," sambit bigla ni Theo. May pinapakialaman kasi siyang kutsilyo sa lamesa.

"Okay ka lang?" tanong ko.

"Nasugatan lang," sabi niya. Tumayo bigla si Rapunzel at lumapit kay Theo. Binalot niya ng buhok niya yung kamay ni Theo. May binubulong siya tapos maya-maya ay wala na yung sugat ni Theo.

"Woah."

"Ang galing."

"Paano nangyari 'yon?" tanong ko.

"Hindi ko din alam kung bakit eh. Last year ko lang nalaman 'to," sabi niya.

"Rapunzel," sabi bigla ni Andrea. "Bakit dito ka nakatira?"

Finally. Tinanong na ni Andrea ang matagal ko nang tinatanong sa isip ko. Bakit dito siya nakatira? Bakit walang pinto?

Parang... tinatago siya.

"Dito ako dinala ng lola ko eh," sabi niya. "Sabi niya mas ligtas daw ako dito. Hindi daw kasi mababait ang ibang mga tao. "

Weird naman ng lola niya.

"Gusto niyo bang dito na matulog?"

At dahil wala naman kaming ibang choice, dito nalang kami nagpalipas ng gabi. Ang sikip nga eh. Pero atleast may matutulugan. Tapos nakakairita pa katabi matulog si Rachelle kasi maarte. Ayaw daw niyang may dumidikit sa kanya. Muntik na nga siyang pababain ni Clyde ng tower eh.

SCARLET (Emerald Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon