Chapter 36

47.3K 1.9K 551
                                    

= 36 =

*** CLYDE'S POV ***

"Kung sinuman ang makakita kay Scarlet Cress, now known as Alice, I am ordering you to immediately kill her."

Pinikit ko nang madiin ang mga mata ko pagkatapos mag-announce ni Queen Diamond. Sabay-sabay na silang umalis nila Mama. Maling mali sila. Hindi dapat ganito ang desisyon nila.

"Traydor si Scarlet?" rinig kong sabi ng dumaan sa harap ko.

"Hindi. Siya daw si Alice. Nagpanggap lang siya na ibang tao at niloko tayo," sabi ng kasama niya.

"Hoy--" May biglang humatak sa akin palayo sa kanila.

"Calm down, Clyde," sabi sa akin ni Theo.

"Bitawan niyo ako," utos ko.

"Baka nakakalimutan mong prinsipe ka. May pinanghahawakan kang posisyon dito," sabi ni Zayden.

"Iisipin nilang kakampi ka ni Scarlet since close kayo," dagdag ni Jude. Tinulak ko sila bigla.

"Baka nakakalimutan niyong naging kaibigan niyo rin si Scarlet," inis kong sabi. "Calm down? How the hell am I suppose to calm down?!"

Unti-unti nang nawawala ang mga estudyante dito sa Assembly Hall kaya nilalakasan ko na ang boses ko.

"Wala rin namang mangyayaring mabuti kung puro galit lang ang paiiralin mo," sabi ni Grayson.

"Why don't you tell me what to do? Mukhang alam na alam niyo eh," sabi ko sabay sipa sa upuan malapit sa akin.

"Nag-aaway kayo?" singit ni Rachelle. Kasama niya sina Patricia, Star at Andrea. Binalot ng katahimikan ang Assembly Hall. Kami nalang ang tao dito. Tuluyan nang nakalabas ang ibang mga estudyante.

"Saan tumakbo si Scarlet?" tanong ni Star. Sabay-sabay silang tumingin sa akin.

Yumuko lang ako at bumulong, "Hindi ko alam." Rinig na rinig ko ang mga buntong-hininga nila. Hindi ko alam. Basta ang alam ko ay wala na siya sa tabi ko. Sa tabi namin.

At ang kinakatukan ko ay baka nasa tabi na siya ng Dark Side.

Umalis ako at umakyat sa lugar kung saan kami pumupunta ni Scarlet tuwing malungkot kami. Sa Garden sa taas ng school. Pinikit ko na lamang ang mga mata ko habang nakatingala sa langit. Iniisip kung nasaan na ba si Scarlet. Pinapakiramdaman dahil baka sakaling maramdaman ko siya.

Napatingin ako sa biglang pagbukas ng pinto ng Garden. Napakuyom nanaman ang mga palad ko. Agad kong nilabas ang espada ko at tumakbo palapit sa kanya. Tinutok ko sa leeg niya ang espada ko.

Hinawakan bigla ni Sky yung kamay ko at mas tinutok pa ito sa leeg niya. "SIGE ITULOY MO! ITULOY MO!"

"KASALANAN MO KUNG BAKIT NAWAWALA SI SCARLET NGAYON!"

"HINDI MO PARIN BA NAIINTINDIHAN KUNG BAKIT KO GINAWA 'YON?!" sigaw niya sa akin. "PAPATAYIN NILA SI SCARLET! KAYA KO GINAWA 'YON PARA UMALIS NA SIYA DITO. PARA TUMAKAS SIYA. PARA LUMAYO SIYA!"

"My grandmother won't kill her. Nandito ako, hindi ko hahayaan 'yon. NANDITO PA SANA SI SCARLET PARA PATUNAYAN NA HINDI SIYA MASAMA GAYA NG DARK SIDE!"

"Sa tingin mo ba may kapangyarihan ka pa dito? Nandito na ang lola mo! Si Queen Diamond na ang masusunod. Hindi na ang mama mo. Kahit baligtarin mo pa ang sitwasyon, Dark Side pa rin ang tingin niya kay Scarlet!"

Nabitawan ko bigla ang espada ko. Tama siya. Isa LANG akong prinsipe. Si Queen Diamond siya.

"All this time... you did that to protect Scarlet?" tanong ni ko. Yumuko lang si Sky.

"Mahal mo parin siya?" tanong ko ulit. Napapikit nalang ako.

"I'll always love her," sabi niya. "Even if she loves someone else. Even if she changes to a different person. I will always love her."

Ngumisi ako, "Paano na si Lucy? Mas mahal mo rin siya? Ano yon, dalawa puso mo?"

"Matagal na 'yon, Clyde. Si Scarlet na ang mahal ko ngayon. Nakakatawa nga eh. Kasi lahat ng minamahal ko, ikaw ang pinipili."

Ilang minuto ang lumipas. Binalot ng katahimikan ang garden. Magsasalita sana ako nang bigla siyang lumuhod sa harap ko.

"Patawarin mo ako, Clyde. Dahil wala akong kwentang kaibigan. Dahil binalewala ko ang pagkakaibigan natin," bulong niya. "Just because of my selfish reasons."

Pinikit ko ang mga mata ko at bumwelo.

"ARAY PUCHA!" sigaw niya habang nakahawak sa kanyang pisngi. "BAKIT MO AKO SINAPAK? NAGSOSORRY NA NGA DIBA?"

"Para sulit yung pagbabati naten."

*** SCARLET'S POV ***

"Are you ready, Scarlet?" tanong sa akin ni Mommy. Tumango ako habang nakatingin sa salamin. Deep violet eyes at deep red lipstick. Hindi na bumabalik sa dating kulay ang mga mata ko. Ito na ako ngayon. So different sa Scarlet dati.

Ako na si Alice.

"Ate, pinapatawag ka na ni Daddy," sabi ni Graciela. Ngumiti ako at tumayo na. Nakatayo na sa labas ng castle si Daddy.

"I'm ready," sabi ko.

"You know what to do," sabi ni Daddy at may inabos na drinking glass. "Saktong gabi na."

"Ano 'to?" tanong ko.

"Dark Elixir," sagot niya. "Welcome to the family. Drink it."

Nagdalawang isip akong inumin 'yon ngunit nang matikman ko na ay diretso ko nang nilagok ang nasa baso. It tasted like apples. Ang refreshing.

"Go."

Tumakbo na ako nang mabilis. Pabalik doon. I felt the wind passing through my body as I run as fast as I can. Ngayon lang ako nakatakbo ng ganito kabilis at feeling ko ay hindi ako mapapagod. Ganito ba ang epekto ng Dark Elixir?

Ilang minuto ang lumipas hanggang sa nakarating na ako sa harap ng Middle Castle. Ngumiti ako nang makitang tulog silang lahat. Dahan-dahan kong nilagpasan ang mga kawal. Mga walang kwenta. Nakarating na ako sa harap ng kwarto niya. Dahan-dahan ko itong binuksan hanggang sa makapasok na ako. Ganito lang pala kabilis pumasok sa loob. Wala man lang kahirap-hirap.

Lumapit ako sa kanya. Napakapeaceful naman niyang matulog. Pero biglang lumaki ang galit ko sa kanya. Ewan ko kung bakit. Siguro dahil sa Dark Elixir. Nilabas ko na ang kutsilyong binigay sa akin ni Daddy.

Ang kutsilyong kaya daw pumatay sa kanya. A knife that can destroy a diamond.

Ang lakas bigla ng daloy ng dugo sa mga pulso ko. Inangat ko na ang kutsilyo. Inalala ko ang itsura niya nang malaman niyang Dark side ako. Ang galit niya. Ang pandidiri niya sa akin. Mas lalo akong nagagalit.

Sinaksak ko na siya. Sa mismong puso. Sakto sa pagbukas ng kanyang mga mata.

"Remember me?" nakangiti kong tanong. Hinugot ko ang kutsilyo at sinaksak siya nang paulit-ulit. Nakikita ko ang mga ginagawa ko. Alam kong mali pero bakit parang hindi ko mapigilan ang sarili ko?

Binitawan ko na ang kutsilyo. Napatingin ako sa malaking salamin sa gilid. Puro talsik na ng dugo ang mukha ko. At kasama nila ay ang mga luhang sunod-sunod na pumapatak.

Ito na ako ngayon. Ito na ako ngayon? Dark Side?

Nasilaw ako sa biglang liwanag sa labas. Teka... Hindi pwede... Totoo ba 'to?

Isang...

Blue Moon.

____________________________________________________________________



SCARLET (Emerald Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon