Prologue

339 18 0
                                    

Prologue

When I was a child ,hindi ko man naranasan kung paano magkaroon ng masayang pamilya.

Madalas nahuhuli ko ang mga parents ko na nag aaway sa baba ng aming bahay. Nakatulala lang ako habang naririnig ko ang mga sigawan at sumbatan nila. At parang wala silang anak na kasama dito sa loob ng bahay.

"Wala kang kwentang tao ,Gilbert!"rinig na sigaw na boses ni Mommy sa kwarto ko. kaya naisipan kong lumabas ng kwarto para alamin kung ano yun.

Paglabas ko ng aking kwarto ay nakita ko sina Mommy at Daddy na nagsisigawan at nagsasagutan.

"Ako pa ang walang kwenta ,Carmela?"sabi ni Daddy habang nakaturo ang hintuturo niya sa kanya ,"Ang kapal naman ng pagmumukha mo para sabihin akong walang kwenta!"dinuduro duro niya si Mommy habang sumisigaw siya.

Halos matakpan ko ang tainga ko sa sobrang pagsisigaw nila. Bakit na naman sila nag aaway? ano na naman ang dahilan?

"Oo! wala kang kwentang lalaki Gilbert!"sigaw ni Mommy na palaban ,"Paano mo nagawa sa a-akin ang ganitong bagay? You cheated on me!"kita ko sa mata ni Mommy na paluha na siya ,"At ang masama pa ,sa kaibigan ko na tinuring ko pang kapatid!"

Dahil doon ay halos di ako makapagsalita dahil sa narinig ko. Really? Daddy cheated to my Mommy? When?

"Ang sakit ,Gilbert!"nakita kong umiyak na si mommy kaya di ko rin napigilan maluha ,"Ano bang kulang at naghanap ka pa ng iba ,huh? minahal naman kita diba? Tell me ,ano ba ang kulang kung bakit mo nagawa sa akin ito?"napapaos na boses niya.

"Carmela........"

Napaupo na si Mommy at tuluyan ng umiyak sa harap ni Daddy ,"Gilbert ,may anak tayong dalawa."humihikbi siya habang nagsasalita ,"Si Gallianna.....masasaktan ang bata kapag nalaman niya ang tatay niya ay manloloko!"

"Shut up!"Daddy said.

"Wala ka na ngang oras para sa anak mo ,nagawa mo pang magloko!"dahil sa sinabi ni Mommy ay di nakapagtimpi ay akmang sasampalin na ni Daddy si Mommy nang bigla akong sumigaw.

"Tama na po Dad!"malakas na sigaw ko habang umiiyak ,"Tama na po please? wag na po kayo mag away..."
Sabay silang napatingin sa akin at kita ko sa mga mata ni Mommy ang pag alala na nakikita ko silang nagsasagutan at nagsisigawan.

"Anak......"Mommy whispered.

Napatingin ako kay Daddy na namumula at may pawis ang kanyang noo. Di ko mawari kung ano ang tingin niya sa akin nung inawat ko silang dalawa mag away.

Lumipas ang limang minuto ay nakita ko si Daddy na umakyat sa taas at nilagpasan man lang niya ako. Sinundan ko siya sa kwarto nila ni Mommy at laking gulat ko na nag iimpake na siya ng mga damit.

Ano gagawin niya?

"D-dad ,a-ano gagawin niyo? bakit po k-kayo nag iimpake?"nanginginig ang boses ko habang tinatanong ko siya at patuloy lang siya sa paglalagay ng nga damit niya sa maleta niya.

"Aalis na ako sa pesteng bahay na ito ,Gallianna!"seryosong tinig niya kaya lalo akong napaiyak.

Why Daddy?

"D-daddy ,wag...... wag kayong aalis please....."di ko na napigilan na humikbi ng malakas sa loob ng kwarto kaya napatigil siya sa pag iimpake ng nilingon niya ako..

"Gallianna......."

Umiling ako ,"Dad please ,don't leave me right now......"kinagat ko ang labi ko para di ako makagawa ng malakas na ingay ,"Don't leave my mommy...."

Gusto ko siyang manatili sa tabi namin ,ayokong iwan na lang kami basta basta ni mommy! Kaya pa naman maayos ang problema basta napag usapan na diba?

"I'm sorry anak......"tinuloy niya ang pag iimpake niya ng mga damit at gamit.

Pagkatapos nun ay lumabas na si Daddy sa kwarto nila at nakita ko ang napaawang ang labi ni Mommy nung nakita niya si Daddy ba may dala na ng mga maleta.

"Talagang iiwan mo kami ng anak mo para sa sarili mong kaligayahan huh?"tumaas ang boses ni Mommy at tinignan siya ng masama ni Daddy.

"Ayoko na makasama kita ,Carmela! sawang sawa na ako na palagi tayong nag aaway."madiin na sabi ni Daddy na kinalaglag ng panga ko.

No! hindi ako makakapayag na iwan lang kami basta't basta!

"Wala kang kwentang ama para kay Gallianna!"sigaw ni Mommy at di siya kinibo ni Daddy.

Kita ko sa mata ni Mommy ang galit na nararamdaman niya kay Daddy. Di rin niya gustong lumaki ako na walang ama sa tabi.

"Ano ,di ka talaga kikibo diyan?"malakas na sampal ang ginawad niya kay Daddy kaya nagulat ako ,"Sige ,iwan mo kami ng anak mo! tutal diyan ka naman magaling diba? Sige ,ipagpalit mo kami sa babae mo! Pinatunayan mo lang sa amin ng anak mo na wala kang kwenta!"namuo ang katahimikan sa pagitan ni Mommy at Daddy. Ilang minuto ang nakalipas ay nakita kong binibitbit na ni Daddy ang kanyang maleta.

Please ,No!

Kaya di na ako nagdalawang isip para tumakbo papunta sa hagdan para bumaba ako. Kaya ko pang pigilan si Daddy!

Tumalikod na si Daddy kay Mommy at tumuloy na siya papunta sa labas ng pinto pero bago muna ang lahat ,sumigaw ako ng malakas na kinatigil ni Daddy.

"Daddy!"I screamed then he stopped walking.

Niyakap ko siya ng mahigpit na patalikod. halos basang basa na ang mukha ko dahil sa pag iyak ko tungkol kay Daddy.

"Anak......"

"Daddy......"I sobbed ,"Please ,don't leave me. I need you right now......"ayokong lumaki na walang daddy sa tabi ko.

Naramdaman kong hinawakan ni Daddy ang mga braso ko dahil nakakapit ako sa katawan niya.

"Gallianna..."humarap sa akin si Daddy at lumuhod sa harapan ko ,"Sorry ,I need to leave you right now....... di na ako masaya sa buhay na mayroon tayo..."kumirot ang puso ko dahil doon at sobrang nasaktan ako ,"Ayoko na pahirapan kita sa sitwasyon na mayroon kami ng mommy mo."

Iiwan niya kami dahil nakahanap na siya ng ibang nagpapasaya sa kanya?

"I'll understand Daddy ,wag mo lang ako iwan please?"pagmamakaawa ko pero huli na ang lahat na bigla na siyang tumalikod sa akin.

"Daddy!"hahabulin ko na sana na biglang akong pigilan ng mommy.

"Gallianna......"pigil niya sa akin habang nakakulong ako sa mga bisig niya.

Nawala na sa paningin ko ang anino ni Daddy. Umiiyak pa rin ako habang yakap yakap ni Mommy. May namumuong galit na akong naramdaman habang unti unti na na nawawasak ang pamilya namin.

Simula noon ,namuhay ako na puro kalungkutan sa buhay na iwan kami ni Daddy. Doon din nagsimula ang galit ko sa mga taong nakakasalamuha ko.

I'm Gallianna Navarro at dito na magsisimula ang kwento ng buhay ko.

Calming The Wild Heart  ✓Where stories live. Discover now