Chapter 43

50 3 0
                                    

Chapter 43

"Sobrang saya mo naman ngayon Gallianna na halos di na maalis yang ngiti mo."sabi ni Cindy habang nakakunot ang noo niya.

Di na kasi maalis ang ngiti sa mga labi ko dahil ilang araw na lang ay birthday na ni Bryle. Iniisip ko pa lang bigla agad akong na-excite bigla!

"Masama bang ngumiti?"I asked ,still I smiled.

She shooked her head ,"Hindi naman masama. Naweweirduhan lang ako sayo. Tahimik akong nanonood dito ng TV tapos napatingin ako na talagang ngiting ngiti ka."

Tumawa ako ng mariin. Ewan ko ba ,di ko na nga siya pinapansin dahil abala siya nanonood ng perfect stranger sa netflix pero napansin niya pa ako dito sa tabi!

"Ilang araw na lang kasi birthday ni Bryle kaya sobrang masaya lang ako ngayon."I said ,smiling again.

First time ko lang magiging masaya sa birthday ng iba tapos sa mismong boyfriend ko pa!

"Talaga?"she asked then I nodded ,"Diba dapat yung mismong birthday celebrant ang dapat masaya ,bakit parang ikaw pa ang mukhang masaya?"

Napawi ang ngiti ko ,"Bakit masama bang maging masaya sa ibang birthday ng ibang tao?"tanong ko at di siya nakasagot ,"May inihanda akong dinner date kay Bryle sa mismong birthday niya. Kaya ganito ako ka-excite dahil first time ko lang din gawin 'to na ako ang unang magset ng dinner date."

Although ,alam na ni Bryle ang plano ko sa mismong birthday niya kaya hinayaan na lang niya ako sa gusto kong mangyari. Hindi naman ako papayag maging epic 'tong paghahanda ko sa dinner date naming dalawa.

"Kaya need kita sa mismong birthday ni Bryle! Kaya wala kang pwedeng i-dahilan na di ka free dahil wala ka naman na ginagawa sa bahay mo!"sabi ko sa kanya at kumunot na naman ang noo niya.

Sabi ng mama ni Cindy ,wala siyang ginagawa sa bakasyon kundi matulog lang doon. Di nga daw mautusan sa bahay dahil panay tulog na akala mo puyat na puyat.

"Bakit ako? anong maitutulong ko?"tinuro niya ang sarili niya na parang nalilito pa siya.

"Tulungan mo lang ako magset ng dinner date namin ,"I mumbled ,"Gusto ko maging memorable ang araw na yon para sa amin kaya wala kang magagawa kundi pumayag sa gusto ko."

She sighed ,"Fine. Pero kailangan may sahod ako diyan ah!"

Napataas ang kilay ko. Ibang klase babaeng 'to nagawa pa niya isingit ang bagay na yon!

"Talagang kapag humihingi ako sayo ng pabor ,talagang kailangan may bayad?"mahinang sabi ko at nginisian niya ako ,"Fine ,babayaran kita ,basta tulungan mo lang ako magset."

Di ko naman masisisi si Cindy kung talagang hihingi siya ng kapalit para lang tulungan ako. Alam ko ang sitwasyon niya kaya kahit dito man lang makatulong ako.

"Sige. Sayang yung pera kaya papatusin ko na. Dagdag rin yan sa tuition fee ko next school year."ngumiti siya at inirapan ko siya.

Mukhang magagastos ko ang savings ko para lang maipang-bayad kay Cindy!

TINULUNGAN nga ako ni Cindy sa pagsasa ayos ng ihahanda kong dinner celebration para kay Bryle. Lumuwas kami patungo sa Pampanga dahil dito napili kong lugar para ayusin ang hinanda ko para kay Bryle. May resthouse si Mommy dito kaya dito ko pinili para sa magiging birthday celebration niya.

Calming The Wild Heart  ✓Where stories live. Discover now