Chapter 37

42 2 0
                                    

Chapter 37

"Hey ,are you okay?"

Bumalik ako sa reyalidad na biglang hawakan ni Bryle ang pisngi ko. Nandito kaming pareho sa cafeteria-nagbebreaktime. Kinakausap niya ata ako pero ako lang yung di nakikinig.

"Oo naman. Why won't I be okay?"tanong ko sa kanya.

"Nothing. Kanina ko pa pansin na parang ang lalim ng iniisip mo? May problema ba?"

Umiling ako ,"Wala akong problema."

Tumango na lang siya sa sinabi ko. Pinilit ko na lang kumain para di na siya magtanong ulit kung may problema ako. It's been a 3 days simula na malaman ko ang tungkol sa magulang ko-at sa tatlong araw na yon parang biglang nawalan ako ng mood para sumaya ulit kahit araw araw kasama ko si Bryle.

"Kumain ka na."he said then I nodded.

Nang matapos ang breaktime ay hinatid na rin ako ni Bryle sa room ko. Pagpasok ko ay umupo na ako at dinaldal na naman ako ni Kevin kaya kahit papaano nawala problema ko tungkol kina Mommy. Nang pumasok na ang next period namin ay tumahimik ang buong klase.

Habang nagdidiscuss siya ay nakikinig lang ako dahil mas gusto ko i-focus ang sarili ko sa acads kaysa sa problema ko. Bago magpaalam si Sr. Castillo ay nag announce siya sa amin na next week na daw ang final defense namin kaya karamihan sa mga kaklase ko ay nagulat-at ang iba pa nagreklamo.

I shrugged. Mabuti at next week na ang defense ,para di na ako naiistress agad sa research.

Nang matapos na ang klase ay kasabay ko si Bryle pauwi. Nag aya pa nga siya na kumain kami sa paresan pero tumanggi muna ako dahil sobrang sakit na ng ulo ko at gusto ko na ipagpahinga ang sarili ko. Kaya ang ending ,hinatid na ako pauwi.

Nagpaalam na ako sa kanya bago ako pumasok sa bahay. Pagkapasok ko ng bahay ay bumungad sa akin sa dining area sina Tita Helen at Mommy na kumakain at rinig ko pang parang may pinag uusapan sila.

Nang mapansin nila nasa dining area ako ay malaki ang ngiti binigay sa akin ni Tita Helen.

"Nandyan ka na pala Gallianna ,tara kumain ka muna bago ka dumiretso sa kwarto mo."sabi ni Tita Helen sa akin habang nakatingin sa akin.

Ilang segundo ako nakatitig kay Tita Helen bago ako napatingin kay Mommy na nakatingin din siya sa akin. I sighed heavily ,tatlong araw na ang nakakalipas pero kung umakto siya dito parang wala siyang tinatago sa akin!

Wala ba talaga siyang balak sabihin ang sikreto niya?

"Busog pa po ako. Maya na lang po ako kakain ,"sabi ko sa kanila at nakita ko ang pagkunot nila ng noo dahil sa sinabi ko.

Di na kasi ako sumasabay sa kanila kapag kakain ako. Ayokong makasabay si Mommy dahil baka di ko mapigilan kumprontahin ko na siya sa nalaman ko-ayokong magalit sa kanya kaya mas pipiliin ko na lang na umiwas sa kanya pag nandito siya kaysa na magalit ako dahil sa ginawa niyang pagsisinungaling sa akin.

Di ako nagtitiwala sa sarili ko kaya hangga't maaga iiwas ako para di kami mag away.

May sama ng loob ako pero hangga't kaya kong pigilan ay gagawin ko para di ako sumabog.

"Ah...ganon ba?"Tita Helen asked then I nodded meanwhile ,Mommy is staring at me silently ,"S-sige ,ipapabilin ko na lang kay Manang yung pagkain mo mamaya."

Tipid akong tumango saka ako tumalikod at umakyat na ako sa hagdanan. Di ko na ulit tinignan si Mommy dahil gusto ko muna siya iwasan sa ngayon. Di ko pa siya kayang kausapin sa ngayon yung normal na pag uusap namin.

Na magkulong na ako sa kwarto ay inabala ko ang sarili ko sa pag aayos ng PPT sa research. Nasa kalagitnaan pa lang ako sa ginagawa ko na biglang may kumatok sa pinto kaya nagsabi ako na bukas yan dahil tinatamad ako tumayo. Si Manang lang pala ang kumatok at may dala siyang tray na alam ko pagkain yon-sinabihan siya ni Mommy na dalhan ako ng pagkain dahil di pa daw ako kumakain simula nung umuwi ako.

Calming The Wild Heart  ✓Where stories live. Discover now