Chapter 16

43 2 0
                                    

Chapter 16

Di ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at kailangan ko pa magset ng dinner para kay Bryle para sa importanteng sasabihin ko. I know na galing s'ya sa trabaho pero pinapunta ko pa rin s'ya para sabihin ang dapat kong sasabihin sa kanya.

"Magtitigan na lang ba tayo dito Gallianna?"natauhan na lang ako na biglang magsalita si Bryle sa harapan ko. Katatapos lang namin kumain dito sa kakabukas na restaurant banda dito sa Makati City ,"Hey."

Simple lang ang suot ni Bryle ngayon na bumagay sa kanya. Puting t-shirt na may tatak na brand ng 'Nike' at isang khaki pants na puti. Nang pumasok nga s'ya dito sa restaurant na 'to ay napansin kong napatingin ang iba sa kanya dahil sa aura n'ya. At s'yempre sa ayos n'yang pananamit na akala mo'y di galing sa trabaho dahil pormang porma s'ya ngayon.

"Are you sure that you like me?"diretsong tanong ko kay Bryle habang seryosong nakatingin sa kanya.

Nakita kong kumunot ang noo n'ya pero kalaunan ay sumilay ang ngiti sa mga labi n'ya.

"S'yempre! Aamin ba ako kung hindi ako sigurado?"he chuckled ,"Six years kitang gusto kaya siguradong sigurado ako sa nararamdaman ko sayo."

Dahil sa sinabi n'ya ay lumawag kahit papaano ang nararamdaman ko. Ngayon ko rin kasi sasabihin sa kanya na pumapayag na ako magpaligaw sa kanya.

Ilang araw ko 'to pinag isipan at ngayon lang ako nakapagdesisyon ng maayos. Wala namang masama kung magpapaligaw ako sa kanya diba? Susubukan ko lang kung yung pagmamahal n'ya sa akin ay maibibigay n'ya sa akin.

Ni minsan sa buhay ko wala pa akong karanasan sa pag ibig. Kahit fling ,wala akong karanasan. Pina-try sa akin ni Isabelle yun pero di ako naging interesado dahil ayokong pumasok sa isang ganun sitwasyon. Gusto ko kung magcocommit man ako sa isang relasyon yung alam kong parehas kami ng nararamdaman.

Ayoko kasi maranasan na magsisi bandang huli. Ayokong maranasan ang pinagdaanan ng magulang ko na dumating sa sitwasyon na napili nilang maghiwalay dahil wala na silang pagmamahal.

"Ganon?"tanong ko pa ulit at tumango s'ya ,"Okay."

"Why? Bakit mo naitanong ang bagay na yun?"his eyebrow furrowed.

"I will to allow you to court me from now on."I calmly said then his eyes widened that's he didn't speak for a second ,"Pinag isipan ko na 'to ng ilang araw at siguro tama naman ang maging desisyon ko na pumapayag na ako ng magpaligaw sayo."

Gusto ko siya ,gusto n'ya rin ako. Bat ko pa di s'ya papayagan gayong parehas din naman kami ng nararamdaman diba?Gusto ko rin s'ya makilala ng maayos dahil di ko pa s'yang kilala ng lubusan. Ang alam ko lang isa s'yang member ng isang SSG council ,working student ,achiever since grade school until now. At hanggang doon lang ang alam ko.

Gusto ko pa makilala ang isang Bryle Zendrano.

"Really? are you sure about this Gallianna?"he asked carefully ,"Di naman kita minamadali sa desisyon mo. Maghihintay naman ako-"

"Buo na ang desisyon ko Bryle ,"sabi ko sa kanya na nagpatigil sa kanya ,"Ayaw mo ba? Kung ayaw mo ,okay lang din naman sa akin. Di naman ako maghihinayang."

Tatayo na sana ako para umalis pero bigla n'yang hinawakan ang pulso ko kaya napatingin ako sa kanya. Nakita ko na napakagat pa s'ya sa labi habang ang mga mata n'ya ay di nakadiretso sa akin.

"Fine ,fine I get it..."frustrated na sabi n'ya kaya ngumisi ako. Tumingin na s'ya sa akin at nakita ko ang pagningning ng kanyang mata ,"Sure ka na talaga ha? pinapayagan mo na ako manligaw?"

"Oo ,pumapayag na ako.."tumango ako ,"Basta ba maghintay ka.."

"Of course ,maghihintay ako Gallianna kahit matagal pa. Five years nga nasurvived ko. Ngayon pang pinapayagan mo ako manligaw."sumilay ang ngiti sa mga labi n'ya. "Kahit ganon pa katagal Gallianna ,nandito ako para hintayin ang marinig ang matamis na 'oo mo."

Calming The Wild Heart  ✓Where stories live. Discover now