Chapter 39

40 2 0
                                    

Chapter 39

"A-ano?"di makapaniwalang sabi ni Mommy.

Talagang nagtatanga-tangahan pa rin ba siya hanggang ngayon?

"Pwede ba Ma ,wag ka ngang magtanga tangahan diyan! Alam mo ang sinasabi ko!"sigaw na sabi ko. Pagod na pagod na ako sa mga pagpapanggap niya! Di na ako natutuwa at gusto ko ngayon na niya aminin sa akin parang matapos na 'tong pagdudusa ko!

Pagod na pagod na ako magpanggap na walang alam! Pagod na pagod na ako niloloko!

"Di ko alam ang sinasabi mo Gallianna! Ipaintindi mo sa akin para alam ko!"lalapitan na sana ako ni Mommy pero agad akong lumayo.

"Wag na wag mong akong lalapitan! You're a liar!"napatigil siya na lapitan ako dahil umalingawngaw na ang sigaw ko dito sa loob ng bahay ,"Pagod na ako Ma ,pagod na akong ginagawa mo akong tanga na parang.....wala ako naiinitindihan sa lahat.."

Ang sakit lang na sobrang kumpyansa ko sa sarili ko na kahit kailan di ako magiging tanga. Na wala sa katangian ko ang pagiging tanga dahil matalino akong tao ,pero dahil kay Mommy-ginawa niya akong tanga para sa kapakanan niya.

"You betrayed me ,Mom! Wala akong ka-alam alam na niloloko mo na pala ako! Wala akong alam na nagkabalikan na pala kayo ni Dady!"I cried loudly then her eyes widened ,"Ano ,masyado ka bang takot na malaman ko ang tungkol sa inyo kaya mas pinili mo na lang ilihim ang lahat kaysa sabihin mo sa akin ha!"

"Gallianna..."

"Ang sakit mom ,bakit nagawa mong ilihim sa akin kaysa sabihin sa akin ang lahat? Nagmukha akong tanga! Kung di ko pa kayo nakita sa mall baka di ko pa alam! Bakit? Ilang linggo ako naghintay baka sabihin mo na ....pero lumipas na ang dalawang linggo-wala akong natanggap mula sayo!"hinayaan ko ang luhang lumalandas sa mga pisngi ko ,"Ako pa mag aadjust para sabihin sayo ha?"

"Gallianna ,di sa ganon. S-sasabihin ko naman talaga sayo pero napapangunahan ako ng takot na baka-"

"Na baka ano?"

"N-na baka magalit ka lang! Dahil alam kong di mo matatanggap kapag n-nalaman mo tungkol sa Daddy mo. I know galit ka pa rin sa kanya."

"Pero kahit na! Dapat sinabi mo pa rin kaysa ilihim mo! Ang sakit lang dahil ako pa mismo nakaalam-hindi ikaw mismo."sobrang laki ng sama ng loob ko sa kanya dahil ayoko sa lahat yung pinaglilihiman ako ,"Sa tingin mo ba mom ,dahil lang sa nilihim mo sa aking ang bagay na yon ay mawawala ang galit ko kay Daddy?"

Then she didn't respond to my question.

"I can't forgive him Mommy. Kahit nagkabalikan kayong dalawa ,hinding hindi ko siya mapapatawad dahil sa trauma na binigay sa akin."saad ko ,"Hinding hindi ko pa rin makakalimutan na iniwan niya tayo noon! Di ko lang alam kung bakit sobrang martyr mong tao! Iniwan niya tayo noon ,pero nakipagbalikan ka pa rin doon."

Kahit siguro mamatay ako ay hinding hindi ko siya mapapatawad.

"He can e-explain his side Gallianna. Hindi nagcheat ang Daddy mo."she explained.

Pagak akong natawa ,"And do you think I believe him? No way... wala akong papaniwalaan sa taong sumira ng tiwala ko. Kung ikaw nagagawa ka niyang paniwalaan ,pwes ako hindi."

Galit ako sa Daddy ko pero mas dumagdag lang.

"I'm not mad if you fall in love again, I'm more secure mom if you fall in love with another man. I will accept willingly if you are happy there. I just don't want you to experience being hurt again like Dad did to you."at doon ako nagkamali si Daddy pa rin ang gusto niyang mahalin.

Calming The Wild Heart  ✓Where stories live. Discover now