Chapter 23

38 2 0
                                    

Chapter 23

Lumipas ang tatlong linggo ay naging abala si Bryle bilang isang SSG vice president kaya di ko muna siya inistorbo dahil alam kong marami siya ngayong ginagawa lalo na't sa mga paparating na event next year kaya di ko talaga siya muna inabala.

Sinamahan ako ni Cindy na sumapit ang breaktime. Simula nang makilala ko si Cindy ay siya na ang palagi kong kasabay kumain ng lunch at meryenda at nakakatuwa din siya kasama dahil madaldal at hindi ka maboboringan sa kanya dahil sa dami ng topic na naiisip niya para may mapag usapan lang.

"Sayang ,di natin kasama sina Lucio at Bryle ,"she sighed heavily ,"Sobra talagang busy nilang dalawa kaya kahit sa breaktime di sila sumasabay sa atin."

"Yes ,"I simply said ,"May mga katungkulan sila kaya sobrang abala talaga nila ngayon. But I'll understand ,di naman sa akin big deal kung di natin sila makakasabay sa ngayon."

"But anyway ,ano balak mo sa christmas Gallianna?"she asked then I stopped eating a while ,"Ilang linggo na lang ay christmas na kaya gusto kita tanungin kung ano balak mo."

I bit my lower lip. Wala pa akong naiisip kung anong balak ko sa christmas.

"Well ,I don't have any plans as of now ,"I chuckled softly ,"How about you ,may plano ka ba sa christmas?"

"Oo ,pupunta muna kami ni Mama sa Batangas para doon magcelebrate ng christmas at bagong taon. Kada sumasapit kasi ay doon kami nagcecelebrate and of course ,dinadalaw din namin yung mga ibang kamag anak namin."mahabang saad niya.

"That's good ,balitaan na lang kita kapag may balak na ako sa pasko para aware ka."I said then she laughed.

Maybe ,tanungin ko rin si Bryle kung ano ang balak niya sa christmas para yun na lang din ang gawin ko.

After breaktime ay bumalik na ako sa room at namataan ko na lang si Isabelle na nakatingin ng masama sa akin. Tinaasan ko din siya ng kilay dahil di ko alam kung ano ang problema niya sa akin. Lalapitan ko sana siya pero may dumating na ang subject teacher kaya wala na akong nagawa kundi umupo sa pwesto ko na kung saan katabi ko si Kevin.

Buong klase ay nakinig ako sa mga tinuro ng mga teacher. Minsan ay dinadaldal ako ni Kevin pero di ko siya pinapansin dahil focus ako nakikinig sa mga pinagsasabi ng mga teacher ko dito sa harap. Di ko naman masaway si Kevin dahil may pagkatigas ang ulo ni Kevin at parang walang siyang kasawaan sa pagiging daldalero niya.

Nagtext sa akin si Bryle na malabo kami magsabay umuwi kaya tinext niya yung driver ko na sunduin na ako dito sa school. Di na ako nagtanong kung ano ang dahilan dahil alam kong abala siya. Sinabi ko na lang sa kanya na magchat siya sa akin kapag tapos na ang ginagawa niya.

Buong biyahe ay nag-scroll lang ako sa facebook para di ako masyadong mabored sa loob ng sasakyan. Nang magsawa ako ay inistalk ko ang timeline ni Bryle. Di na ako nagulat na makita ko ang pagmumukha ko sa featured photo niya.

'My girl ,Gallianna'

I bit my lower lip to stop whatever I was feeling right now. I just saw this now because I don't visit Bryle's facebook account that much—but it makes my heart happy because he is really proud that I am his girlfriend.

Well ,I'm also proud that he became my boyfriend.

"Ano ba nangyayari sayo Gallianna ,ngumingiti ka diyan habang kumakain?"natauhan na lang ako na marinig ko ang boses ni Tita Helen.

Nakatingin siya sa akin at naramdaman kong mariin din akong tinitignan ni Mommy.

"Am I smiling tita?"patay malisya na tanong ko at tumango siya.

Calming The Wild Heart  ✓Where stories live. Discover now