Chapter 45

71 2 0
                                    

Chapter 45

"Sabihin mo na kasi na anak ka ni Gilbert Navarro."

Di ako kumibo sa pinagsasabi sa akin ng mga kidnapper. Nang magkamalay na ako ay di na ako makagalaw dahil nakatali ang paa at ang kamay ko sa mga upuan. Tatlo ang nakikita kong kidnapper ang nakatingin sa akin na parang may aasahan sila na magpapakilala ako sa kanila!

"Hindi ko nga tatay yon ,"naiiritang sabi ko ,"Bakit ba ang kulet niyo? Wala kayong maasahan sa akin! Mamumuti lang ang mga buhok niyo kakahintay!"

Pinipilit ko pa rin makawala dito pero sadyang matigas at parang ang higpit ng pagkakatali nila sa akin. Mahigit dalawang araw na ako nandito sa lumang warehouse ata at hanggang ngayon kinukulit nila ako na tatay ko yong hinahanap nila.

Tatay ko yon pero wala akong balak aminin sa kanila yon! Sino ba sila sa inaakala nila?!

"Wag ka ngang magsinungaling babae! Kamukhang kamukha mo ang magaling mong tatay kaya di kami nagkakamaling sa nadampot namin!"pasigaw na sabi ng isa pang kidnapper kaya napapikit ako.

Di ko nga kamukha yon!

Dumilat ulit ako at isa isa ko silang tinignan ng masama ,"Wag na kayong umasa na dadating pa yong hinihintay niyo. Nagsasayang lang kayo ng oras sa akin kaya kung ako sayo pakawalan niyo na ako dahil lagkit lagkit na ako sa sarili ko!"

Naiinis ako dahil dalawang araw na at di pa rin ako nagpapalit ng damit! Nandidiri na ako sa sarili ko dahil mabaho na ako!

"Magtiis ka diyan!"tumayo sa pagkakaupo niya at nagsindi siya ng sigarilyo niya ,"Hinihintay lang namin na tumawag ang tatay mo samin parang mahingian namin siya ng malaking pera para mailigtas ka dito!"

Di na ako sumagot sa kanila. Lumalayo na nga ako sa sarili kong tatay ako pa yung napapahamak!

Isang sikat na architecture ang tatay ko at siguro sa sobrang inggit ng boss nila kuno ay nagawa nila akong kunin na hindi sila nahihirapan! Ang pangit pangit naman mga gumanap!

Palibhasa wala sigurong achievement natatanggap yung inggiterong nilang boss kaya kinidnap na lang niya ako para magka easy money siya!

Iniwan na ako ng mga kidnapper dito kaya ako na naman ang mag isa dito. Kahit anong pilit ko ay malabong makakatakas ako dito dahil seguridad na seguridad ang lugar na 'to dahil ang daming tauhan na nagbabantay sa labas.

O diba ,masyado ba silang takot kapag nakatakas ako at magsumbong ako sa pulis?

Nang sumunod na araw ay nandito na naman ang mga kidnapper para dalhan nila ako ng pagkain. Di ko ginagalaw yung pagkain na hinahatid nila dito dahil ayoko pang mamatay sa mga kamay nila. Malay ko malason ako sayang naman ang lahi ko kung mamamatay na lang ako bigla.

"Lintek ka! Kumain ka nga sabi!"pikon na sabi na naman ng kidnapper sa akin ,"Inutusan pa ako ni Boss na ipagluto ka dahil para magkaroon ka naman ng lakas!"

Ay wow ,so utang na loob ko pa pala na nilutuan niya ako?

"Di ko kailangan ,"I replied ,"Tsaka di ko gusto yang niluluto mo. Really? sardinas talaga ipapakain mo sa akin? Sa gandang kong to ipapakain mo lang ako ng sardinas. Engks salamat na lang pero di ako kumakain niyan."

Calming The Wild Heart  ✓Where stories live. Discover now