Chapter 9

56 3 0
                                    

Chapter 9

Nandito kaming dalawa ni Mommy sa hapag kainan. Mariin akong napatitig kay Mommy na tahimik na kumakain sa harapan ko.

Ilang minuto na ako nakatitig sa kanya at di ko magawang igalaw ang pagkain ko dahil sa inisip ko kanina.

Bakit tatawag naman ng ganitong oras ang peste kong tatay? For almost 14 years hindi s'ya nagparamdam tapos ngayon malalaman kong tumatawag siya sa landline?

"Hey ,bakit ganyan ka makatitig sa akin nak?"natauhan na lang ako na bigla ko narinig ko boses ni Mommy ,"Tsaka di pa nababawasan pagkain mo. May iniisip ka ba?"

Tinignan ko sya at nagdadalawang isip ako kung sasabihin kong tumawag ngayon ang Gilbert na yun sa akin?

Nang marinig ko ang boses ng tatay ko bigla ko din pinatay ang tawag na yun. Nakaramdam ako ng iritasyon na tumatawag tawag pa siya sa akin pagkatapos niya akong iwan ng bata pa ako?

"My cheater father called me earlier mom ,"I suddenly said with no emotion. Bahagyang napatigil sa pag-nguya si Mommy saka tumingin sa akin.

Kita ko sa mga mata niya ang pagkagulat na banggitin ko si Daddy. Nakatitig lang siya sa akin na parang may idudugtong pa ako.

"T-tumawag sayo ang D-daddy mo?"tanong niya sa akin at mariin akong tumango.

"Yes ,"I sighed heavily ,"I don't know kung bakit ang kapal niya pang tumawag dito at tawagin niya akong anak pagkatapos niya tayong iwan dito!"

Hindi ko napigilan na tumaas ang boses ko kaya mas lalong nagulat si Mommy sa inasal ko. Nang napansin ko ang reaction ni Mommy ay pinilit ko kalmahin ang sarili ko.

"I hate him so much ,"I calmly said ,"Kaya naiinis ako na tumawag pa siya dito para ano ,malaman niyang okay lang ako kahit iniwan niya ako dito?"

Until now ,hinding hindi ko pa rin nakakalimutan ang pag iwan niya sa amin ni Mommy na halos magmakaawa na ako wag lang kaming iwan. Pero ginawa niya pa rin kaming iwan para sa sarili niyang kaligayahan!

Hanggang sa paglaki ko dala dala ko pa rin ang hinanakit ko sa kanya na sa tingin ko hinding hindi ko siya mapapatawad kahit anong gawin niyang pangangamusta sa akin.

"Simula nung iwan tayo mom ,nakalimutan ko na rin na may tatay ako..."I bit my lower lip ,"Kinakahiya ko ang apelyido ko na nagdadala sa akin. Naaalala ko lang tatay ko...."

I forgive other people easily ,but when it comes to my father ,I don't know why it's so hard for me to forgive him. I tried before ,but I couldn't because I hated him more than forgiving him.

"Nawalan na po ako ng gana kumain ,"tumayo na ako sa pagkakaupo ko at tumingala naman si Mommy ,"Aakyat na po ako sa taas ,pagod na po ako. Kailangan ko na po magpahinga."

Hindi ko na hinintay ang sagot ni Mommy na bigla na lang ako tumalikod sa kanya at nagpatuloy na ako sa paglalakad.

Kinabukasan ay inaya ko sina Isabelle ,Madeline at Athena na mag coffee para makalimutan ko pansamantala ang nagpapagulo sa isipan ko.

"Himala ,ngayon ka lang nag aya na magcoffee tayong tatlo. As far as I can remember-last year ang huli mo kaming inaya."Isabelle said.

I sighed heavily. Well ,nakakaboring naman kung ako lang mag isa pumunta ng coffee shop ,parang walang thrill.

"Ngayon lang mauulit 'to ,"I calmly said ,"Treat ko naman 'to kaya wala kayong dapat ikabahala. Samahan n'yo lang ako ngayong araw."

Nagkatinginan pa silang tatlo bago sila pumayag sa gusto kong mangyari. After that ,pumasok na kami sa 'The Coffee House na favorite kong tambayan kapag gusto ko magkape.

Calming The Wild Heart  ✓Where stories live. Discover now