Chapter 13

49 2 0
                                    

Chapter 13

Sa buhay na nararanasan ko ay di ko mawari kung naging masaya ba talaga ako o hindi. Parang habang tumatanda ang edad ko ay pa unti unti di na ako natutuwa sa buhay ko. Hindi na ako pabata-bata at kaonti na lang ay sasabak na naman ako sa panibagong buhay na tatahakin ko.

"What's planning on your birthday?"bahagya ako napatigil sa pag nguya ng pagkain na tinanong ako ni Tita Helen.

Nandito kasi kaming dalawa ni Tita Helen sa restaurant sa Makati. Naisipan na lang namin kumain dito ni Tita Helen dahil tinatamad s'ya magluto ng lutong ulam sa bahay. Di pa rin umuuwi si Mommy sa bahay kaya si Tita Helen lang ang nakakasama ko sa bahay.

Napilitan akong ibaba ang kutsara't tinidor ma hawak ko. Tumingin ako sa kanya ng diretso ay nakita kong nakangiti s'ya. Next week is my 19th birthday—at hanggang ngayon ay di ko pa alam kung ano gagawin ko sa birthday ko. Birthday ko bago mag exam sa MSU kaya di ko sure kung may karapatan pa ba ako magcelebrate ng birthday ko gayong kinabukasan ay exam ko na.

"Di ko pa po alam Tita ,"I bit my lower lip ,"Wala pa ako naiisip sa birthday ko."

Honestly ,di ko feel magcelebrate ng birthday ko this year. Ewan ko ba...habang dumadagdag na ang edad ko di ko na feel magcelebrate sa birthday ko. Habang tumatanda na ako nararamdaman kong di ko na kailangan magcelebrate.

"Wala ka pang naiisip?"she asked me.

I nodded ,"Yes tita. And I don't think so na kaya ko magcelebrate ng birthday ko lalo na't kinabukasan non ay araw na ng exam ko."

"Well ,kung ganon....sayang naman kung di ka makakapagcelebrate sa mismong birthday hija ,"she smiled bitterly ,"Hindi ko kasi nasaksihan yung debut mo last year. Kaya akala ko magpaparty ka ulit this year."

Tipid lang ako ngumiti sa kanya. Pinilit lang naman ako ni Mommy na magpaparty sa debut ko kaya wala akong choice para icelebrate yun. Simula nung bata ako di ko na feel magcelebrate—dahil alam ko may kulang.

"Well kahit ganon...maghahanda pa rin ako ng mga masasarap na pagkain sa birthday mo. Simple celebration lang para sayo!"maligayang sabi ni Tita Helen kaya tumango na lang ako.

Pagbigyan ko na lang since sa bahay naman s'ya maghahanda at puro kakain naman siguro nun kami at mga kasama namin sa bahay.

Nang sumapit ang miyerkules ay binati na agad ako ni Tita Helen para sa kaarawan ko. Natuwa ako dahil s'ya pa ang unang babati sa akin. Nagulat din ako na pinagluto n'ya ako ng agahan kaya agaran ako nagpasalamat sa kanya. Pati mga kasambahay ,hardinero at si Mang Jose ay binati din ako.

Di ako masyadong pala-ngiti pero this time ,ngumiti ako sa mga taong nakasalamuha ko.

Today is August 30—my birthday.  At sa araw na 'to ay nagpasalamat ako sa taas na nakaabot pa ako ng ganitong edad.

Habang nasa biyahe ako ay di ko maiwasan ngumiti sa cellphone ko. Nagtext kasi si Mommy para batiin lang ako sa birthday ko. Sabi pa nga n'ya na babawi s'ya sa susunod na birthday ko dahil sa sabado pa daw s'ya makakauwi dahil may inaasikaso pa s'ya doon na di n'ya maiwan-iwan. Nagsabi naman ako na okay lang —masaya naman ako na binati n'ya ako.

"Happy Birthday Gallianna!"nagulat ako na bigla akong binati ni Isabelle. Nakangiti s'ya sa akin na binati n'ya ako. Ngumisi ako sa kanya at natawa s'ya doon.

"Happy Birthday.."si Madeline.

"Happy birthday..."si Athena.

Napalingon ako sa kanila at tipid ko silang nginitian.

"Thank you sa inyo.."I smiled softly.

Di ko mawari kung bakit sobrang sumasaya ang puso ko na may tao pa ring nakakaalala ng birthday ko. Atleast ,naaalala nila kahit papano.

Calming The Wild Heart  ✓Where stories live. Discover now