Chapter 30

45 2 0
                                    

Chapter 30

Tumagal ang pananatili ko dito sa ospital dahil di pa gaano kagaling ang sugat na natamo ko. Kahit gusto ko na makaalis dito ay hindi ako pinapayagan dahil baka mas lalo lang ako manghina.

Tuwing uwian ,parating pumupunta si Kevin dito para ibigay sa akin ang mga notes na nasusulat niya. Excuse naman ako sa mga subject teacher ko dahil sa naging kalagayan ko. Kapag di ako dinadapuan ng antok dito sa ospital ay nag seself study ako para kahit di ako pumasok ng ilang araw sa school ay may alam ako sa mga pinag aaralan nila.

Ayokong i-take advantage ang naging kalagayan ko. Kailangan ko pa rin matuto kahit walang teacher na nasa harapan ko.

"I think you need to eat babe ,"lumapit sa akin si Bryle sa pwesto ko habang nilalabas niya yung pagkain na niluto sa akin ni Tito Fredrick ,"Masyado kang babad sa cellphone baka mabinat ka niyan."

Lumingon ako sa kanya saka ko siya tipid na nginitian. Nagkaayos rin naman agad kami ni Bryle nung isang araw dahil di daw siya makatulog nang di kami nagkakausap.

Sinabi niya pa na wala na siyang balak sabihin sa dean na si Isabelle ang tumulak sa akin. Natuwa naman ako sa naging balita dahil sinunod niya ang gusto kong gawin pero di na niya hahayaan na magkalapit pa kami muli ni Isabelle ng landas.

Di na lang ako kumibo dahil ayoko na ulit makipag talo sa kanya. Di ko maiiwasan na magkalapit kami ng landas ni Isabelle dahil unang una sa lahat isa ko siyang kaklase.

"Sorry."I apologized.

Umupo siya sa tabi ko at mariin niya akong pinagmasdan. Ngumiti siya ng mariin.

"It's okay."he smiled ,"Kumain ka na."

"Okay."

Kumain na ako ng tahimik sa tabi niya habang siya ay mariin niya akong pinagmamasdan kumain. Di na ako naiilang—dahil palagi naman niya 'to ginagawa kapag ako kumakain.

Masasabi kong masarap ang niluto ni Tito Fredrick na pagkain para sa akin. Di talaga ako nagsasawa na palagi siya purihin dahil sa sarap niyang magluto!

"Sabi nga pala ni Doc Villanueva ay anytime—pwede ka na madischarge sa ospital."sabi ni Bryle kaya nilingon ko siya.

Makakalabas na ako?

"Kailan?"I asked.

"Wala pa siyang sinasabi."he clicked his tongue ,"Hintayin ko na lang kung kailan niya sasabihin. But for now ,ipahinga mo muna sarili mo okay? bukas ka na lang magself study. Anyway,nandito na rin si Tita Helen para bantayan ka."

Pinagliligpit na niya ang pinagkainan ko na nilagay na niya ulit sa eco bag. Aalis na rin siya dito dahil may trabaho pa siyang pupuntahan. Kahit gusto kong si Bryle ang magbantay sa akin buong magdamag ay di naman pwede yon dahil may iba pa siyang responsibilidad.

"Aalis na ako ha?"he smiled sweetly at me then he kissed my forehead for a few seconds ,I felt him caressing my head as a sign that he was about to say goodbye to me ,"Take care always okay? babalik ako bukas para bisitahin ulit kita."

Tumango ako sa sinabi niya ,di pa siya nakuntento at hinalikan pa niya ang labi ko. Dahil sa sobrang gulat sa ginawa niya ,di man lang ako nakapag-respond sa halik niya!

He's addicted my lips!

I JUST woke up in 7 AM in the morning. Di ko nakita si Tita Helen sa kwarto ko—hmm siguro bumili ng breakfast yon kaya iniwan niya muna ako saglit dito. Kinuha ko ang cellphone ko sa side table at nakita ko ang message ni Patricia.

Calming The Wild Heart  ✓Where stories live. Discover now