Chapter 7

60 4 0
                                    

Chapter 7

"Bakit ayaw mo akong pansinin?"Bryle suddenly asked me.

Ilang araw na kasi siya lapit ng lapit sa' kin at naiinis ako sa paraan ng paglapit niya dahil parang obligasyon ko pa na pansinin ko siya. Humarap ako sa kanya at tinaasan ko siya ng kilay.

"Ano bang klaseng tanong yan ,Bryle?"I sarcastically said , "Ano naman kung ayaw kitang pansinin?"

Nakatingin lang siya sa' kin at bakas sa mukha niya ang pagkadismaya sa sinabi ko.

"W-we're okay , right?"paninigurado niya.

"No."pagtanggi ko. Until now ,naiinis pa rin ako sa kanya. Hindi ko alam , kung bakit sobrang inis na inis ako sa kanya na parang sinusumpa ko na siya.

"W-why? may ginawa ba akong kasalanan sa' yo? Last time na nagsama tayo , okay naman tayo di' ba?"diretsong tanong niya.

Napapikit na lang ako dahil yung itsura niya parang nalulungkot. Ni minsan , hindi ko pa nakikita si Bryle na malungkot dahil madalas masaya ang pinapakita niya sa mga taong nakakasalamuha niya.

"It's none of your business , Bryle!"sagot ko sa kanya ,"Okay tayo noon. Pero ngayon , hindi tayo okay. Kaya sana itigil mo na ang pagpapansin sa' kin dahil hindi na nakakatuwa. Hindi kita kaibigan , hindi mo rin ako kaibigan kaya wala kang obligasyon para pansinin mo ako ng pansinin."

Well ,ramdam ko sa mga mata niya na nasaktan siya sa sinabi ko. But kailangan ko yun gawin dahil ayokong tuluyang mahulog sa kanya ,gusto ko siya na mismo ang lalayo sa' kin katulad ng paglayo niya nung nireject ko na siya ang makakadate ko sa JS Prom.

Inaamin ko sa sarili ko na paunti unti ay nahuhulog na ako sa kanya , dahil kung hindi ako nahuhulog e'di sana hindi ako nagseselos  kapag kasama niya si Patricia. Maybe , tama nga sabi ng iba sa akin , isa akong walang pusong nilalang dahil kaya kong makapanakit ng ibang tao kung gugustuhin ko.

"Gallianna.."

"From now on Bryle ,"I sighed heavily ,"Stay away from me. Mas pagtuunan mo na lang ng pansin pagiging SSG officer mo kaysa ako yung inaatupag mo."pagkatapos kong sabihin yung ay tumalikod na ako at umalis sa harapan niya.

Masasaktan lang ako dahil hulog na hulog na ako sa kanya. Kaya habang maaga pa ay kailangan kong lumayo sa kanya para iligtas ang puso ko.

I don't belived love. At ayokong maramdaman 'to.

Pumasok na ako sa classroom at napili ko na lang muna manahimik dahil ayokong makipagdaldal kina Isabelle. Hindi naman nila ako sinasali sa usapan nila kaya tahimik akong nagbabasa ng libro.

Nang pumasok na ang teacher namin ay lahat ng kaklase ko ay nagsi upo na ng maayos. Samantalang ako ay nakatitig lang sa teacher na nasa harapan ko.

Dumating ang oras ng breaktime ay umalis na kami sa classroom para pumunta ng cafeteria para kumain. Pero habang naglalakad ako ay napatigil ako dahil may isang tao ang humarang sa harapan ko.

Dahan dahan umangat ang tingin ko at nakita kong isang lalaki ang nasa harapan ko ngayon. Biglang napataas ang kilay ko , bakit ba siya humaharang sa dinadaanan ko?

"Hello Gallianna ,"masiglang bati niya ,"I'm Neithan from Stem -B1."

Nananatili lang ako nakatitig sa kanya dahil sa sinabi niya. Bakit siya nagpapakilala sa' kin? Tsk! wala akong interest sa lalaki!

"Excuse me Neithan , kailangan kong dumaan diyan. At hindi ako interested sa'yo."matalim ko siyang tinititigan.

Wala akong panahon para magpakilala sa mga lalaki dito. Di sila top priority!

Calming The Wild Heart  ✓Where stories live. Discover now