Chapter 41

42 3 0
                                    

Chapter 42

"Wala ka talagang balak kausapin ang mommy mo?"napatigil ako sa kinakain kong pancake na magsalita si Lola Jacky.

Tumingin ako sa kanya kaya nakita kong seryoso siyang nakatingin sa akin. Magdadalawang linggo na akong nandito sa bahay niya kaya masyadong matagal na ako nakakauwi sa bahay ni Mommy.

"Ayoko pa po umuwi."tipid na sagot ko sa kanya.

She sighed heavily ,"Galit ka pa rin ba sa mommy mo?"she asked then I did'nt answer ,"Palagi siyang tumatawag sa akin upang tanungin kung ayos ko lang ba and palagi kong sinasabi na maayos ka. Sinabi niya sa akin na namimiss ka na niyang kasama dahil magdadalawang linggo ka na nanatili sa akin hija."

May oras pa pala siya para alalahanin ako?

"Ayoko po muna makita siya Lola Jacky ,baka mauwi lang po kami sa sigawan kaya hangga't maaari ayoko muna makausap habang...may sama ng loob pa po ako."sabi ko saka ako yumuko.

Masakit pa rin sa akin na nagawa niya akong paglihiman sa bagay na yon. Di niya ako inaalala kung ayos lang ba sa akin kung makikipag-balikan ba siya kay Daddy. Di niya ako inaalala kung ayos lang sa akin na bumalik si Daddy sa buhay ko.

Wala siyang ginawa kundi itago lang ang lahat.

"Ako na ang humihingi ng tawad sa ginawa sayo ng Mommy mo ,"sabi ni Lola Jacky kaya bahagya akong napatingin sa kanya. Bakit siya nagsosorry sa akin?

"Alam ko na ang Daddy mo ang dahilan kung bakit nag away kayong dalawa ni Carmela. Alam ko na nakipag balikan na ang Mommy mo sa Daddy mo Gallianna ,nung una pinigilan ko si Carmela sa desisyon na gagawin niya tungkol sa pakikipag-balikan niya kay Gilbert dahil alam ko na ang magiging consequences kung ipagpapatuloy niya ang balak niya. Pero di siya nakinig sa akin bagkus tinuloy niya ang plano niya kaya wala na akong nagawa kundi hayaan siya ,humiling ako na sana sabihin niya ng maaga sayo yung  pagbabalikan nila pero...inabot na ng walong buwan di pa rin niya nasasabi ang totoo."

Napaawang ang labi ko sa nalaman ko kay Lola Jacky. So all this time alam ni Lola Jacky ang tungkol sa kanilang dalawa? So ganun nilang katagal itinago ang relasyon nilang dalawa tungkol sa akin?

"B-bakit di niyo sinabi sa akin yung t-totoo?"nauutal na sabi ko. Parang nawalan na ako ng gana kumain dahil sa nalalaman ko ngayon ,"B-bakit mas pinili n-niyong manahimik k-kaysa sabihin sa akin ang totoo?"

May karapatan akong malaman yon dahil ako ang anak. Karapatan kong alamin yon dahil tungkol sa kanilang dalawa yon! Pero bakit niya sa akin tinago?

"Wala ako sa posisyon para sabihin sayo ang totoo Gallianna. Dapat si Carmela ang nagsasabi sayo dahil labas na ako dito sa usaping 'to ,"sabi niya pa kaya halos matulala na lang ako sa mga sinasabi niya ,"Pero nalaman mo na ang tungkol dito—hindi kita masisisi kung magalit ka sa Mommy mo dahil di niya agad sinabi sayo ang totoo."

Bakit ang bigat bigat sa loob ko yung mga nalalaman ko. Sa tagal nilang itinago sa akin doon kong napagtantong walong buwan din ako naging tanga bago ko nalaman ang totoo.

"Kaya patawad kung nagawa man sayo ni Carmela na pagsinungalingan ka. Alam kong di mo tanggap ang katotohanan tungkol sa kanila ni Gilbert pero alam kong mahahanap mo ang kapatawaran sa puso mo Gallianna ,hindi man sa ngayon pero soon baka mahanap mo na."

Calming The Wild Heart  ✓Where stories live. Discover now