Chapter 10

53 3 0
                                    

Chapter 10

Sumunod na nga ako kay Bryle at habang naglalakad kaming dalawa ay di ko maiwasan na mailang sa kanya dahil napapansin ko napapatingin ang mga ibang estudyante sa amin. Dumagdag pa yung kamay n'ya na nakahawak sa kamay ko.

"Don't worry Gallianna ,ma-eenjoy mo 'tong foundation day."sabi n'ya kaya napatingin ako sa kanya.

Tahimik akong tumango sa sinabi n'ya. Di ko kaya maibuka ang bibig ko di ko alam kung bakit nakakahiyang magsalita pagdating kay Bryle!

May itinuro sa akin si Bryle kaya napatingin ako at nakita ko may isang photographer na nagpipicture sa mga estudyante 'don na may mga iba pa silang suot sa mga ulo nila.

"Try natin yun!"sabi niya kaya tumingin na naman ako sa kanya.

"What? susubukan natin yan?"tanong ko sa kanya habang nakakunot ang aking noo.

"Yes ,"he smiled to me ,"Photo Booth tawag d'yan. Pwede ka magpapicture 'don sa mga naka-assigned na photographer ngayon. Since ikaw naman ang kasama ko ,subukan na natin yun."

Magpapapicture kami d'yan?

Pero bago pa ako makapagsalita ay kinuha na n'ya ang kamay ko kaya napahila ako. Wala na akong nagawa kundi sumunod sa kanya.

May choice pa ba ako?

Nang tumungo na nga kami ni Bryle sa photo booth ay nakita kong may inabot s'ya sa photographer na di ko alam kung ano yun. After that ,nilingon niya ako at nginitian n'ya ako.

"Halika na ,pipicturan na tayo."saad n'ya kaya tumaas ang kilay ko.

"Agad agad?"tanong ko sa kanya kaya tumango s'ya. Una kami agad?

"Oo naman. Tara ,pumwesto na tayo."sabi n'ya kaya tumango ako.

Parehas na nga kaming pumwesto ni Bryle sa harap ng photographer—sa camera.  Nagulat pa nga ako na may isinuot s'ya sa ulo ko at parang headband pa yun.

"Ang ganda mo ,"he commented while smiling me ,"Bagay sayo."

Pilit kong kinakalma ang sarili ko dahil bigla na lang kumabog ang puso ko dahil sa mga sinasabi n'ya. Alam kong maganda na ako Bryle ,pero wag mo naman ulitin ,mahihimatay ako dahil sayo.

"Ready na ba?"rinig na sabi ng isang photographer kaya tumingin doon si Bryle.

"Yes po ,"nakangiting saad n'ya bago bumaling ulit sa akin ,"Ngiti ka lang ha?"

"Di ako ngumingiti."tipid na sagot ko kaya napatigil s'ya sandali na parang nag iisip.

Well ,totoo naman. Simula nung iwan an ako ng tatay ko ,kinalimutan ko na ngumiti ng sincere.

"Kahit tipid lang ,"he whispered ,"I know na di ka madalas ngumiti. Pero kahit dito lang ngumiti ka man lang."

Di na ako sumagot sa mga sinabi n'ya bagkus ay humarap na lang ako sa harap ng camera dahil sisimulan na kami kuhanan ng camera. Kahit labag sa loob ko ,ngumiti ako ng pilit para magmukha naman akong masaya.

Mahigit sampu ang napicturan ng photographer sa aming dalawa. Iba't ibang pose rin ang ginawa namin kaya nung matapos na yon ay nakita ko si Bryle na ngiting ngiti habang nakatingin sa picture naming dalawa.

"Ang ganda mo pala ngumiti ,"he said then I secretly rolled his eyes. Tsk! tuwang tuwa naman na nakita n'ya akong nakangiti.

Nagulat ako na kinuha n'ya ang kamay ko at may inilagay s'ya dun. Kumunot ang noo ko na napansing picture naming dalawa na nakalagay sa isang maliit na sobre. Tumingin ako sa kanya na nalilito dahil di ko alam kung bakit n'ya sa akin 'to binibigay.

Calming The Wild Heart  ✓Where stories live. Discover now