Chapter 26

45 2 0
                                    

Chapter 26

Today is a christmas. Kaya sobrang bihis na bihis ako dahil maya maya ay dadating na rin si Bryle at Tito Fredrick. I was wearing a dark blue sleeve pleated chiffon dress that I paired black high heels. Naglagay na rin ako ng make up sa mukha ko-inabot pa ako ng isang oras kalahati bago ako natapos.

Gusto ko kasi presentable ako ngayong araw dahil pasko ngayon and for the first time ay makakasama ko ngayon si Bryle ngayong pasko kaya todo ayos ako para maging maganda at maayos ako sa paningin niya.

And speaking of mommy ,nandoon sila sa baba at abala sa pagluluto na dapat maging handa ngayong araw. Kasama niya rin si Tita Helen kaya di ko siya maasahan ngayon kung ano ba dapat ang magandang susuotin ko para dito-dating modelo nung kabataan si Tita Helen bago siya pumasok sa larangan na pagnenegosyo kaya nung sinabi niyang magiging abala siya ngayon ay di na lang ako nagpatulong kung ano ba dapat ang susuotin ko.

Confident naman ako na kahit ano naman ang susuotin ko ngayon ay magugustuhan na magugustuhan ni Bryle.

Umilaw ang cellphone ko kaya bahagya kong tinignan kung sino ang nagchat sa akin.

Cindy Hermosa:

Hello Gallianna ,merry christmas!🫶

Kinuha ko ang cellphone ko at bahagya akong napangiti.

Gallianna Navarro:

Thank you Cindy. Merry Christmas!

Nasa probinsya ngayon si Cindy kaya di ko siya makakasama ngayon sa pasko-di rin nakasama si Lucio dahil may sariling mundo yung taong yon at mas gugustuhin na lang niya na matulog na lang siya bahay niya kaysa magcelebrate ng pasko kaya si Bryle lang ang makakasama ko this christmas.

Tumingin muli ako sa salamin at napangisi na lang ako na mukhang maayos na ang pagmamake -up sa mukha ko.

"Gallianna ,nandiyan na sa baba si Bryle-"napatingin ako na makita si Tita Helen sa pintuan at bahagya pa siyang napanganga nang makita niya ako. Mula ulo hanggang paa ay tinignan niya ako ,"Wow.....you're looked gorgeous hija.."

Ngumiti ako sa sinabi ni Tita Helen bago muli ako tumingin sa harap ng salamin. After that ,tumingin muli ako sa kanya.

"Susunod na po ako."tipid na sabi ko.

Ilang minuto lang ay lumabas na rin ako ng kwarto ko. Pagkalabas ko pa lang ay rinig ko na ang boses ni Mommy at siguradong sigurado ako na si Tito Fredrick na yung kinakausap niya. Nagsabi kasi ako kay Mommy na sa pasko ay dadalhin ni Bryle si Tito Fredrick para dito magpasko at siyempre para makilala ni Mommy in person yung papa ni Bryle.

"Nandyan ka na pala anak ,"agad akong sinalubong ni Mommy na makarating ako nang makababa ako sa hagdanan.

Ngumiti lang ako kay Mommy saka bumaling ang tingin ko kay Tito Frederick na mukhang pinaghandaan niya ang araw na 'to dahil bihis na bihis siya. Lumapit ako kay Tito Frederick para magmano sa kanya.

"Carmela ,okay na ang handa sa dining area! Kailangan muna natin kumain nang marami pa kayo pagkwentuhan ng papa ni Bryle!"anunsyo ni Tita Helena kaya agad tumango ang dalawa. Nagbilin pa sa akin si Mommy na sumunod na rin kaming dalawa ni Bryle para sabay sabay na kami kumain sa hapag.

Nang tumalikod na ang dalawa ay lumingon na ako kay Bryle at nakita ko na nakatingin siya sa mukha ko. Medyo nailang pa ako sa paraan ng pagtitig niya dahil iba siya kung tumingin sa akin ngayon.

O kaya ganun lang talaga siya tumingin sa akin.

"Baka matunaw ka niyan sa kakatitig mo sa akin."sabi ko kaya napakurap ang kanyang mata at maya maya ay natawa na lang siya sa inakto niya.

Calming The Wild Heart  ✓Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin