Chapter 18

49 2 0
                                    

Chapter 18

"You're sleeping?"napadilat ang mata ko nang marinig ko ang boses ni Bryle sa tabi ko.

"A little bit."walang ganang sabi ko.

Nandito si Bryle sa bahay namin para mag agahan. Nalaman din kasi nina Mommy at Tita Helen na nililigawan ako ni Bryle kaya pinakilala ko na rin sa kanila and luckily ,mukhang ayos naman sa kanila si Bryle.

"Ano ba ginawa mo kagabi at parang puyat na puyat ka?"hinawakan ni Bryle ang ulo ko at nilagay n'ya yun sa balikat n'ya.

"Ginawa ko kasi yung part ng research ko kaya napuyat ako..."humihikab na sabi ko.

Chinat ko na rin mga ka-grupo ko na ibigay na nila sa akin yung part nila sa research para maaga ko din maipasa kay Sir Gallego yung paper namin. Chinat ko si Isabelle about sa research na pinapasend ko pero hanggang ngayon di pa rin n'ya sineseen ang message ko sa kanya.

Magsasalita pa sana si Bryle na biglang dumating sina Mommy at Tita Helen kaya kahit gusto ko pa ihilig ang ulo ko sa balikat ni Bryle ay umayos na ako ng pagkakaupo.

"Kumusta tulog mo Gallianna?"bungad na tanong sa akin ni Tita Helen habang nagsasandok na s'ya ng kanin sa plato n'ya.

Mukhang may pupuntahan silang dalawa ni Mommy base sa kanilang mga suot.

"Hindi okay tita. Ginawa ko kasi yung research kaya parang antok na antok ako."sagot ko habang nakikita ko si Bryle na nagsasandok ng kanin sa plato ko.

"O s'ya ,kumain ka na para mawala kahit papa'no antok mo."she sweetly said then I nodded softly.

Kumain na ako pagtapos ako sandukan ni Bryle ng kanin at mga nakahandang pagkain sa hapag. Habang kumakain ako ay naririnig ko pa rin ang boses ni Mommy at Tita Helen na abala sa pagtatanong kay Bryle na sinasagot naman ng katabi ko.

"Hijo ,di naman siguro sakit sa ulo ang anak ko noh?"napatigil ako sa pag nguya ng pagkain na tinanong ni Mommy si Bryle ,"May pagka brat kasi yang anak ko—alam mo naman na suki s'ya ng guidance office."

Halos umuwang ang labi ko sa sinabi ni Mommy. What the fuck? ako brat really?

Napalingon ako kay Bryle at nagtama ang mata namin. Tinaasan ko s'ya ng kilay halos mapakurap ang mata ko na nginisian n'ya lang ako.

Ano yun?

"Nako ,tita di na po pasaway si Gallianna sa school po ,"he chuckled ,"Sa katunayan nga ,natutuwa na nga po si Mrs. Zamora dahil di na sumasakit ang ulo n'ya dahil sa anak n'yo."

Nagulat ako sa sinabi ni Bryle pero nananatili pa ring seryoso ang mukha ko. Well ,ayoko na ring pumasok sa gulo. Hangga't maaari ay gusto ko na maging mabuting estudyante bago ako umalis ng MSU.

"Mabuti naman kung ganon. Akala ko nakikipagbasag ulo na naman si Gallianna sa huling lalaking nakaaway n'ya."sambit ni Mommy.

"Mommy! wag mo na nga ipaalala yun!"sabi ko at natawa s'ya ng marahan.

It's disgusting! kinalimutan ko na nga si Chevy ,pinapaalala pa sa akin yung taong yon!

"Magkasing ugali pala tayo Gallianna ,ganyan din ako ng kabataan ako..."natatawang sabi ni Tita Helen kaya napahawak na lang ako ng sentido.

"Proud ka pa huh?"ngising sabi ni Mommy kaya di ko napigilan na irapan sila.

"Di na po masyadong ginugulo ni Chevy si Gallianna ,tita ,"Bryle formally said ,"Binabantayan ko po yung lalaking yon dahil s'ya ang madalas bully ng MSU. And of course ,kung sakaling may gagawin naman hong masama si Chevy sa anak n'yo poproktektahan ko ho s'ya."

Calming The Wild Heart  ✓Where stories live. Discover now