Chapter 12

43 2 0
                                    

Chapter 12

Kahit bumalik na normal ang araw ay palagi ko pa rin naiisip yung paghalik sa akin ni Bryle sa noo. Ano ang ibig sabihin nun? Bakit sa tatlong araw na yun ay palagi ko pa rin iniisip yun.

Bakit...di ko nakakalimutan yun?

"Hoy!"natauhan na lang ako na bigla akong tapikin ni Isabelle sa balikat ko. Tumingin ako sa kanya ,"Okay ka lang ba? kanina pa ako nagsasalita dito parang wala ka sa sarili."

"Sorry ,may iniisip lang."maayos na sagot ko habang nakatingin sa kanya.

"What is it?"

Di ko na nasagot ang tanong n'ya dahil dumating na agad ang teacher namin kaya umayos na ng upo si Isabelle. Nagkaroon ng discussion bago mapagpasyahang ni Sir. Ramirez magpagawa ng reporting kaya binigyan kami ng oras ni Sir para pag usapan sa mga grupo-grupo namin ang gagawin namin regarding sa topic na binigay n'ya.

"Any suggestion?"tanong ko sa mga ka-grupo ko na nananatili nakikinig sa akin. Ako kasing ginawang leader nila dito sa PE kaya pinanindigan ko na lang 'to.

"Wala na Gallianna ,"mahinahong sabi ni Cyrus.

I sighed heavily. Ano pa ba aasahan ko sa mga ka-grupo ko? Lahat na ata pinasa na sa akin e.

"Okay ,"I bit my lower lip ,"Next week pa naman ang reporting natin bago tayo mag take ng exam. Kaya sa natitirang araw na yun kung ano ang binigay kong oras ay dapat pumunta na kayo para gawin na lahat ng suggest na binigay ko."

After that ,bumalik na kami sa aming upuan dahil tapos na rin naman ang binigay na oras ni Sir. Ramirez dahil malapit na rin s'ya mag time.

"Okay class ,aasahan ko kayo lahat next week. Sana leader ,makipag participate lahat ng mga ka-grupo n'yo dito sa subject ko na 'to. Madali lang naman ang reporting n'yo kaya di naman kayo mahihirapan okay. And beside ,next week is your prelim exam kaya hangga't maaga ay gawin n'yo na lahat ng mga pending n'yo sa ibang subject para review na lang gagawin n'yo."

Pagkatapos n'yang sabihin yun ay saktong tapos na rin ang klase n'ya kaya nagpaalam na s'ya sa amin bago tumalikod at umalis. Kahit sa pagtapos ng klase ay bumalik sa isip ko lahat ng nangyari sa amin ni Bryle nung gabing 'yon.

Di ko s'ya nakita kanina kaya di ko alam kung pumasok ba s'ya o hindi. Mas mabuting di ko muna s'ya nakita dahil kung sakaling makita ko s'ya baka iiwas lang ako sa kanya.

Unti unti na ako lumalambot ang puso pagdating kay Bryle kaya natatakot ako baka magtuloy tuloy na 'to. Natatakot ako na baka masabi ko sa kanya na harap-harapan ang totoo kong nararamdaman sa kanya. Natatakot akong... baka sa'ming dalawa ako lang nagkaroon ng feelings sa kanya. Natatakot akong na baka......pagtawanan n'ya ako kapag nalaman n'yang nagugustuhan ko na s'ya.

"Kumusta ka na?"napatigil ako sa pagbabasa ng notes ko na biglang may nagsalita sa harapan ko.

Nandito kasi ako ngayon sa library para sana ay magreview para sa papalapit na exam. Di muna ako sumama kay Isabelle dahil alam ko naman na naghahanap na naman sila na pwede nilang pagtripan dito sa MSU. Tumanggi muna ako dahil gusto ko mag aral muna para sa paparating na exam. Pinipilit pa nga nila ako sumama sa kanila para mas exciting-pero ayoko talaga kaya wala na silang nagawa kundi mauna na.

Wala akong panahon para sumama sa kanilang mambully. Unti unti na ako nagbabagong buhay kaya ako na mismo ang umiiwas sa kanila kapag napag uusapan nilang tatlo na mantrip na naman ng ibang estudyante dito. Madalas pagtripan nilang tatlo ay mga nerd dito sa MSU na walang kamalay-malay.

"Bryle..."mabagal kong saad.

Isinarado ko na notes ko para makipagtitigan sa kanya. Nakangiti s'ya sa akin habang ang mga kilay n'ya ay nakataas. Bumaba ang tingin ko na bigla akong naisip ang lahat ng mga nangyari sa amin nung araw na yun.

Calming The Wild Heart  ✓Where stories live. Discover now