Chapter 29

33 2 0
                                    

Chapter 29

Nandito ako ngayon sa faculty room dahil inutusan ako ni Sir Canlas na ibalik ang laptop niya pansamantala doon. Breaktime kasi ngayon kaya lang saktong nakita ako ni Sir Canlas kaya nakiusap siya sa akin na dalhin ang laptop niya sa faculty room. Di na rin ako tumanggi dahil ayoko namang di siya sundin.

Nasa 3rd floor ang faculty room na katapat ng library kaya nung dumating doon ay kumatok ako sa pintuan dahil ayoko namang pumasok agad agad.

"Ano po ang atin?"bumungad sa akin ang isang middle age na teacher na nakasalamin pa.

"Pinapalagay po ni Sir Canlas yung laptop po sa faculty room."tipid na sagot ko habang nakatingin ako.

"Sige pasok ka hija ,"she smiled sweetly then I nodded my head. Pumasok na nga ako sa faculty room at hinanap ko ang desk ni Sir Canlas. Di naman mahirap hanapin ang desk niya dahil may pangalan ang bawat table.

Nang mailagay ko na ang laptop sa table niya ay napansin ko madami-daming gamit pala si Sir Canlas dito. Puro mga folder na sa tingin ko ay mga folder ng mga estudyante niya. Naaalala ko na nagpapasa pala si Sir Canlas ng mga concept note nung nakaraan. Naibalik na samin yung mga folder namin kaya siguro yung mga nakita ko dito ay yung di pa niya nachechekan.

Napagdesisyonan ko na maglakad palayo sa table ni sir para tumungo sa teacher na ngayon ay may sinusulat.

"Alis na po ako ma'am."magalang na sabi ko.

"Sige lang hija. Salamat."lumingon siya na nakangiti saka niya ibinaling ang tingin sa sinusulat niya.

Nang makalabas na ako ng faculty room ay tahimik akong naglalakad at naisipan kong dumiretso sana sa restroom nang may marinig ako na nag uusap na kinatigil ko sa paglalakad.

"Diba kaibigan ni Gallianna yung Isabelle? bakit naman ganun? tinotolerate ni ate girl ang pagiging mang aagaw ni Isabelle!"halos maestatwa na lang ako sa kinakatayuan ko na marinig ang pinag uusapan nila.

Ano ang ibig sabihin nila?

"I wonder baka mang aagaw din si Gallianna kaya naging sila ni Bryle! shet mhie ,buti na lang may nagkalat ng video yung tungkol sa pakikipagcheat ni Chevy kay Kersley at ang malala pa nahagip pa si Gallianna doon!"pagpapatuloy nila.

Di ko alam ang gagawin ko sa oras na yon. Kumalat na sa balita ang pakikipag cheat ni Chevy? Nalaman na si Isabelle ang puno't dulo?

"Magbestfriend sila syempre ,sila sila din naman ang magkakasunduan niya e ,"napahalakhak sila hanggang sa nalagpasan nila ako.

Di nila siguro napansin na nandito ako at nakikinig ako sa mga sinasabi nila.

Nang di ko na makita ang dalawang babaeng estudyante ay dali dali kong kinuha ang cellphone ko sa bulsa ng coat ko. Pagbungad pa lang sa screen ko ay mga message ni Cindy sa akin na dahilan na paglaki ng mata ko.

Cindy Hermosa:

Gallianna ,may nagaganap na gulo dito sa cafeteria at involve si Isabelle!

May kumakalat na video na nakipag cheat si Chevy kay Kersley at ang malala pa nakasama ka doon sa video!

Fuck! No way....

Calming The Wild Heart  ✓Where stories live. Discover now