2

26 5 0
                                    

Rina's Pov

Wala pa akong 1 month sa school na to, malas agad.

Sino ba naman kaseng matutuwa don, nasugatan kana tas yung ibibigay sayo is pera? Wow ha, very impressive.

Tinetesting talaga ako ng mundo araw araw.

"A-ah ate, sorry po" Biglang pagsasalita ng ewan ko kung sino kaya iniangat ko yung ulo ko para tingnan.

"H-hindi po pera 'to." Sabi nung nakasugat sakin na mukhang ninenerbyos iabot sakin yung envelope. So ano 'to?

Band aid? This is a lot...

"Sorry po ulit." Pagb-bow n'ya.

"Andami..." Salitang lumabas sa bibig ko habang pinagmamasdan yung mga band aid na nasa loob nung envelope.

Tumingin naman ako sakanya na nakayuko ngayon sa harapan ko.

"Upo ka." Aya ko kaya napatingin s'ya sakin.

"P-po?" Nauutal n'yang sabi. Gago, pogi pala.

"Upo ka. Di ako nangangagat." Sabi ko kaya agad naman s'yang umupo sa tabi ko.

"Ayos ka lang po?" Tanong n'ya sakin. Cute n'ya naman, para s'yang baby.

"Oo. Drop the po nalang." Sabi ko at ngumiti sakanya. Di naman ako mukhang manang eh.

"Sorry pala. Nasigawan pa kita kanina." Paghingi ko ng tawad. Mabait naman ako kahit papaano, wag nga kayo.

Chenle's Pov

"Sorry pala. Nasigawan pa kita kanina." Sabi n'ya sakin. Mabait pala s'ya, mukha kase s'yang dragon kanina. Char lang

"Okay lang, kasalanan ko naman." Tugon ko. Antanga kase nung cutter.

"Bat pala hindi ka pumunta sa clinic ng school kanina?" Tanong ko sakanya. Nakakapagtaka lang kase bukas pa naman yung clinic ngayon.

"Merong clinic dito?" Confused n'yang tanong sakin kaya tumango ako.

"Teka, bago ka ba?" Tanong ko sakanya. Madami kaseng mga bagong students ngayon eh.

"Ah oo. Galing akong ibang University." Sabi n'ya sakin kaya napa 'ahhhh' nalang ako.

"May nagguguide sayo dito?" Tanong ko sakanya at agad naman s'yang umiling.

"Di ko nga alam kung pano ako napadpad dito eh. Mag 1 month na ako dito, wala pa din akong alam. " Sabi n'ya kaya natawa ako ng mahina.

Nasa garden kami, malawak 'to kaya pwede talaga maligaw.

"Anong section ka?" Tanong ko sakanya cuz why not, curious ako eh.

"A-2." Sabi n'ya sakin. Sumabog naman yung utak ko kase madaming A-2 sa school na 'to...

"Hindi ata detailed. A-2 na nasa first floor." Sabi n'ya sakin kaya medj nashookt ako. So kaklase n'ya sila Jisung? First floor sila Jisung, second floor and so on kami at yung iba.

"Ikaw?" Tanong n'ya sakin.

"A-3, second floor." Sabi ko sakanya.

"Ay weh? So mas matanda ka sakin?" Tanong n'ya.

"I guess so." Sabi ko. 2002 s'ya panigurado.

"It's getting late..." Sabi n'ya kaya napatingin ako sa orasan. 4:30 na pala. Kanina pang 3:30 yung awas namin.

"Gotta go." Mukhang nagmamadali n'yang sabi at kinuha yung bag n'ya tsaka tumayo.

"Ay wait. Ano pala name mo?" Tanong ko sakanya bago umalis. Tumayo na din ako kase aalis din naman ako.

"Rina...Shin Rina Gem." Pagpapakilala n'ya sakin at inilahad yung palad n'ya sa harap ko. Ang fancy ng name n'ya.

"Zhong Chenle." Sabi ko at nakipagshake hands sakanya.

"It's nice meeting you, Chenle." Sabi n'ya at ngumiti sakin. Luh kinikilig naman ako. Char

"It's nice meeting you too." Ngumiti naman ako pabalik. Luh pereng tenge

"I'll go now. Bye!" Pagpapaalam n'ya at kumaway sakin kaya kinawayan ko naman s'ya pabalik.

Ang ganda nung name n'ya tas ang ganda n'ya din. Ano ba, kinikilig ako.

Band Aid •Zhong Chenle•Where stories live. Discover now