35

11 3 0
                                    

Rina's Pov

"Rinrin, tangina gumising ka dan. Bubuhusan kita ng bagong kulong tubig tamo." Panggigising ng kung sino sakin kaya napamulat ako ng mata.

"Kailangan mo? Kitang natutulog yung tao oh." Inis kong sabi kay Sunwoo. Bat ba pinapasok ni Railey to???

"Gala tayo." Agad n'yang pag aaya.

"Gala? Matulog ka nalang." Sabi ko at nagtaklob ng kumot.

"Libre k--"

"Oh sige, tara." Pagtanggal ko ng mabilis nung kumot. Madali akong kausap, ano ba.

"Maligo ka muna, ambantot mo." Pang aasar n'ya kaya agad ko s'yang binato nung unan.

"Ah talaga ba, Kim Sunwoo??? Sa susunod, hindi lang unan ang ibabato ko sayo." Banta ko kaya agad s'yang nagdrama.

"Wag na tayo gumala." Bigla kong pagpopout. Diko alam pero kadiri magpout. Syempre kailangan kong maging cute kaya magpopout ako.

"Joke lang kase, dalian mo na." Sabi n'ya sakin.

"Si Railey?" Tanong ko sakanya.

"Wala na, nakaalis na." Tugon n'ya. Ah baka naggala. Always naman may gala, di nang aaya.

"Dali na para naman may kasama ka din, lagi ka nalang lonely." Pang aasar n'yang muli kaya hinambahan ko na ng suntok.

"Wag ganan mhie, masama yan." Sabi n'ya at hinawakan yung kamay ko sabay baba ng dahan dahan.

"Ayusin mo buhay mo, Kim Sunwoo." Banta ko. Bagong gising ako, wag n'yo akong minamaliit.

🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻

"HALA, NAKUHA KO MHIE!! NAKUHA KO!!" Sigaw ni Sunwoo nang makuha yung stuff toy dun sa claw machine.

"Ingay mo." Sabi ko sakanya habang nakacross arms. Para akong nanay, ayos lang naman. Mukha s'yang patatas na masaya.

Agad naman s'yang lumuhod at kinuha sa butas yung stuff toy. Cute n'ya pa rin...pero sorry kase naka move on na ako.

"Sayo nalang, mhie." Sabay abot n'ya sakin nung stuff toy kaya napatingin ako.

"Bat? Pinaghirapan mo yan." Sabi ko sakanya. Pwede namang ibigay n'ya nalang sa iba.

"Dali naaaa" pagmamaktol n'ya. Kinuha ko nalang dahil wala naman akong magagawa.

"Salamat." Napasayaw naman s'ya na ewan dun sa harap ng machine. Diko alam kung dahil sa music o dahil sa nauulol lang s'ya.

Chenle's Pov

"Sabi senyo eh. Totoo yung pinagtagpo pero hindi tinadhana." Pang aasar ni Haechan hyung.

Nandito kaming muli sa mall, pinagmamasdan ang magcouple. Buti nalang si Jisung ay aking kacall.

Laging timing...siguro nga kami talaga yung para sa isa't isa. Loh

"Le, wala ka talagang pag asa." Pang aasar ni Jisung. Hindi namin s'ya kasama dahil may bebe time sila ni Iya. Oh edi kayo na.

"End ko nalang tong call, salamat sa lahat." Sabi ko at akmang pipintudin yung pang end nung call.

"Wag beh, patingin kila Rina." Agad ko namang itinapat yung camera kay Rina with the boi na ewan.

"Shocks, ang sweet. May pa bigay ng stuff toy. Ganan din sana kami ni Jisung, malas lang talaga s'ya pag naglalaro ng ganan." Mahabang sabi ni Iya. Ayan, nagstart na silang magbangayan.

"Iba iba yung kasama ni Rina? Sana ol." Singit ni Kun hyung kaya napatingin ako sakanya.

"Oh? Titingin tingin mo dan? Gusto mo maging pangatlo? Lakad dun." Napairap nalang ako at napatingin sa gawi nila Rina.

Akala ko boyfriend n'ya yung kasama n'ya kumain? Sino yung kasama n'ya ngayon? Familiar eh. Ayun ata yung nasa detention room?? Hindi naman ako nadedetention ahh...ayaw n'ya ba sa goodboi??

Band Aid •Zhong Chenle•Where stories live. Discover now