23

11 3 0
                                    

Chenle's Pov

"Nakabalik na pala s'ya?" Tanong ni Jeno hyung kaya tumango ako. Kasalukuyan kong kinekwento sakanila yung nangyari kahapon sa company. Kilala din kase nila si Hallie since nag aral din s'ya dito noon, bumalik lang ng China.

"Hangout tayo after school with Hallie, wala naman sigurong masama." Sabi ni Jaemin hyung kaya nag okay sign nalang ako pati yung iba.

"Uy, dun na kayo sa table natin." Pagsingit ni Kun hyung na kasama si Taeyong hyung. Agad naman kaming nagsitayuan dahil mas masaya ang mas marami. Tsaka, para masher ang chika. Ayaw n'yo? Di wag. Charot

"Nagsosolo kayo dun sa kabilang table." Sumbat ni Ten hyung saming dream.

"Pito kami, hyung." Sabi sakanya ni Haechan hyung kaya napafacepalm nalang si Ten hyung. Tama naman si Haechan hyung.

"Anyare? Bat parang namatayan ng kuko tong si Lele?" Tanong ni Johnny hyung. Kung hindi ka lang talaga malaking tao eh.

"Ah ano kase hy--"

"Let Chenle explain, Haechan. Ni hindi mo nga naintindihan yung pinapaliwanag n'ya kanina." Pagpuputol ni Mark hyung sa sinasabi ni Haechan hyung. Baka naman dito pa kayo mag away? Lubog.

"What happened?" Tanong ni Jaehyun hyung.

"Naarrange ulit ako." Maikli kong sabi. Hindi naman sa galit ako pero nakikinig din kase sila Rina. Well, ano bang mararamdaman n'ya? Di naman s'ya masasaktan kase wala naman s'yang gusto sakin. Aray ko po bwakanangshet.

"Pangalawa na yan ah." Sabi ni Youngmin noona at tumingin sakin. Napabuntong hininga nalang ako at kinain nalang tong pagkain ko. Bat ba kase kailangang iarrange? Di naman Wattpad yung buhay ko.

Rina's Pov

"Naarrange ulit ako." Sabi ni Chenle kaya napatingin ako sakanya, maging sila kuya Taeyong ay napatingin din. Ulit? Arrange? Arrange ano? Marriage?

"Pangalawa na yan ah." Rinig naming pagsasalita ni ate Youngmin. Pangalawa? Shet, yayamanin pala talaga to? Kase diba mayayaman lang naman yung mga naaarrange? My life can never....char

"Kanino?" Tanong ni kuya Kun sakanya.

"Hallie." Maikling sagot ni Chenle, nagulat yung iba na ikina confuse ko. Wala naman akong alam kaya nakikinig lang ako.

"That's nice tho." Sabi ni kuya Johnny. Nice? Pano naging nice? Eh naarrange nga s'ya eh. Teka, bat galit ako?

"Chenle likes someone else, hyung. It's half nice, half not." Pag eenglish ni kuya Mark. Galing naman akong Chicago ah...bat diko maintindihan? Char

"Talaga? Laki na ng anak ko." Sabi ni kuya Kun na proud.

"The problem is, how are we gonna solve that arrange thingy?" Tanong ni kuya Jaehyun. Napakibit balikat nalang lahat.

Nagulat naman ako ng bigla silang nagtinginan sakin kaya nanlaki yung mga mata ko. Cute naman mata ko, okay lang.

"Rina, payag ka bang maging jowa ni Hallie?" Tanong ni Jeno kaya naconfuse ako sabay tawa ng mahina. Ayun ata yung babae.

"Tangina mo talaga, ayusin mo." Agad s'yang binatukan ni Renjun na ikinatawa din nung iba.

"Gago, ganda ng ship name nila." Sabi ni Haechan at pumalakpak pa. Ship name??? Yawa, ishiship nalang ako sa kauri ko pa. Dapat dun sa isa, ano ba kayo. Charot

"HARINA!!" Sigaw n'ya kaya nagulat kaming lahat pati yung ibang students.

"Hoy, tumigil ka nga." Awat sakanya ni kuya Yuta.

"Haechan, ayusin mo buhay mo." Napailing nalang si ate Youngmin dahil dun sa keneme ng jowa n'ya. Yan, jowa pa.

"Tsaka, anong harina? Gagawa ka ba ng pancake? Cake? Ano?" Sunod sunod na tanong ni kuya Doyoung sakanya kaya natawa kami.

"Bat si Rina at Hallie? Kung pwede namang si Chenle at Rina diba?" Tanong ni kuya Mark na ikinashookt ko ulit. Kailangan ko na po bang umuwi ng Chicago?

"Uuwi na ng Chicago si Rina kasama namin." Sabi ni Rhia. Mind reader?

"Talaga? Kakatransfer mo lang ah?" Confused na tanong ni kuya Jungwoo.

"Tanga, joke lang yon." Sabi ni kuya Lucas sakanya. Diko alam kung sila yung ship dito pero ang sweet naman nila, parang asukal...tas asin pala yung napagkamalang asukal. Char

"Rina, mala Wattpad buhay mo pag nasali ka sa mga pangyayaring nangyayari." Natawang sabi ni kuya Ten. Ano daw?

"Hyung, nakakabobo ka naman." Sabi ni Yangyang sakanya.

"Matagal ka nang bobo, anak." Pang iinis ni kuya Kun. Grabe s'ya magmahal, nakakatouch.

"Grabeng pagmamahal ang ibinibigay ni Kun kay Yangyang. Let's give them a round of applause." Sabi ni kuya Taeyong kaya nagpalakpakan kami. Eto namang si Yangyang at kuya Kun, nagbow ng parang ewan. Yung bow ng mga prinsipe na ewan keneme, sila ata yung beast sa beauty and the beast.

Band Aid •Zhong Chenle•Where stories live. Discover now