9

16 5 0
                                    

The next day
Rina's Pov

"Ay hi!" Bati sakin nung lalaking ewan ko kung sino. Mukhang jowa ni Klein.

Nasa cafeteria na kase kami.

"Liu Yangyang, Klein's love from the above." Pagpapakilala n'ya sakin kaya natawa ako. Ngayon ko lang s'ya nakita, wala ata s'ya kahapon.

"Anong love from the above? You mean, love from the outerspace?" Tanong ni Klein. Required ba na sa harap ko po mag ganyan?

"Outerspace? Tara." Sabi bigla ni kuya Johnny.

"Lah, kuya John. Literal na alien ka ba talaga?" Tanong ni Klein sakanya kaya napatango ito.

"Dude, tell your mom I said happy birthday." Sabi ni kuya Mark. Ha? Ano daw? Happy birthday?

"I'll think about it." Sagot ni kuya Johnny kaya natawa ako ng medj malakas. Diko mapigilan. Mukha kase silang tangahin eh...sorry po

"Lah malayo pa birthday ni mama." Singit ni Rhia kaya tuluyan na akong natawa. Ambabaw ko masyado pero ang ganda kase nila panoodin.

"Ang cute talaga tumawa pag taga Chicago." Sabi ni kuya Johnny at nakipag apir sakin.

"Ang hahangin ohhhh." Sulpot ni Sungchan. Kahit kelan talaga, ang epal n'ya.

"Pakyu, Chan." Inis kong sabi kaya natawa sila.

"How dare you?!" Madrama n'yang sigaw.

"Wag ako, Jung Sungchan." Sabi ko sakanya.

"Close na kayo?" Tanong ni kuya Doyoung samin kaya tumango ako pati si Sungchan.

"Only friend ko po s'ya nung elem po." Tugon ko kaya napa 'ahhhh' sila.

"Only friend?" Takang tanong ni Chenle sa harapan ko.

"Wala ako masyadong kaibigan. Meron lang akong isa then si Sungchan nung elem." Pagpapaliwanag ko sakanila.

"Kaibigan mo ba yung Hope?" Tanong ni Jeno sakin kaya tumango ako. Sabi nila kahit informal nalang daw pag sa dream daw pero may kuya pa din kay Mark cuz why not.

"Si Jeno may gus--"

"Ah wala wala hehe." Pagpuputol ni Jeno at tinakpan yung bibig ni Haechan.

"May gusto ka?" Tanong ko. Naks naman, hindi pa nakakalipat dito, mukhang nakareserve na.

"Oo daw teh." Sabi ni Chenle kaya natawa ako ng mahina.

"Okay lang naman yon. Di kailangang itago." Sabi ko kay Jeno. Ako lang naman to, walang sikretong mabubunyag sakin.

"Kagabi lang n'ya nakita, nafall agad." Sabi ni Renjun kaya natawa kaming lahat.

"Sheno mhaluphok thu phoint shiro." Sabi ni kuya Lucas na puno yung bibig ng pagkain.

"Xuxi, nguyain mo muna yan." Awat sakanya ni kuya Kun. Ang cute naman nung tawag.

"Hindi kaya!" Ay oh, defensive. Okay lang yan, tanggap naman nating lahat na may pagkaChanhee yung mukha ni Hope kaya maganda. Pinagkait lang talaga ako ng langit

"Gagu, kagabi mo lang nakita sa epbidatcom yung Hope." Sabi ni Jaemin sakanya.

"Childhood friend ko yonnnn" Nagulat naman ako sa sinabi ni Jeno.

"Pano mo nalaman?" Tanong ko.

"Parehas kami ng bracelet." Bigla n'ya namang pinakita yung wrist n'ya kaya napatingin ako don.

"Ah. Parehas ba kayong umiinom ng gatas tas sabay punas ng bibig, ganon?" Pang aasar ni Haechan with actions.

"Pottanginamopo." Natawa ulit ako sa sinabi ni Jeno. Maganda din pala pag madaming kaibigan.

"Imagine, Hope pangalan n'ya tas wala ka palang pag asa sakanya." Pang aasar ni kuya Doyoung sakanya kaya natawa kami.

"Hyung, patayin kita?" Tanong ni Jeno kaya natahimik si kuya Doyoung.

"Pano mo nalamang si Hope talaga childhood friend mo?" Tanong ni Renjun sakanya.

"Ewan ko. Basta nakita ko sa profile n'ya. Tsaka, didikit lang tong sakin dun sa kaparehas na bracelet." Sabi n'ya at hinawakan yung parang magnet na ewan. May ganon din si Hope, baka nga ayun.

"Eh pano kung hindi dumikit?" Tanong ni Haechan sakanya.

"Edi pipilitin ko." Sabi n'ya. Very impressive ha.

Ganon na ba talaga kaganda yung kaibigan ko? Lord, bat hindi ako pinagpala? Unfair ha

Pasensya na kayo kase ganto lang ako. Isang girl in a village doing alright and I became a princess overnight~ Char

"Hoy Jeno Lee, walang Lee na marupok." Biglang sabi ni kuya Taeyong.

"Kuya, fake news ka. Marupok si Haechan." Singit ni ate Youngmin.

"Lah di kaya ako marupok!" Pagmamaktol ni Haechan kaya natatawa nalang si ate Youngmin.

"Ah talaga ba, Donghyuck?" Pang aasar n'ya.

"Babyyyy!!" Pagmamaktol ni Haechan with matching parang pambatang tono.

"Haechannn!!" Pang gagaya ni ate Youngmin sakanya. Haha, okay lang yan...sige, pagpatuloy n'yo po.

"Rina, pasensya ka na ha. Malandi talaga sila." Sabi ni kuya Jungwoo sakin kaya natawa ako.

"Ang lande. Kain na!" Sabi ni kuya Taeyong kaya lahat sila nagsunudan. Ay magiccccc...sarap.

Oh it's just like magic~~~
Feeling your touch, oh it's a rush~~
No one else has it~~
Char lang. Para namang nasa musical na ewan ako...

Band Aid •Zhong Chenle•Where stories live. Discover now