64

10 3 0
                                    

Rina's Pov

"Kim Sunwoo, ayusin mo nga sarili mo." Sabi ni kuya Sangyeon kay Sunwoo na kulang nalang, magtwerk sa gitna ng daan.

"Di na nahiya to eh." Nailing na sabi ni kuya Juyeon. Nasobrahan sa kalandian si Sunwoo kaya ganan

"Sunwoo, pwedeng umuwi ka muna?" Birong tanong ni Hope sakanya kaya napairap si Sunwoo.

Kasama ko sila at kasalukuyang naglalakad. Celebrate daw kami kahit matagal pa naman yung birthday ko.

"Rina, libre ka naman oh." Singit na sabi ni kuya Haknyeon sakin.

"Dapat kayo, kuya. Kayo kaya nag aya." Nakita ko namang tumango si Hope dun sa sabi ko.

Bigla naman akong inakbayan ni kuya Kevin. Medj nakakapanibago kase hindi si kuya Jacob yung kaakbay n'ya.

"Tara na, treat ko na." Aya ni kuya Sangyeon kaya napangiti tong mga biot na nandito. Mga kuripot nga naman

Chenle's Pov

"Tangina, ang ganda." Sabi ni Jeno hyung kaya napatingin ako sakanya. Mukha po s'yang adik sa totoo lang...

"Jeno, nagmumukha kang stalker." Napailing nalang kaming lahat at tumingin kila Rina at dun sa mga kasama n'ya. Kasama n'ya kase yung Hope ata tas mga lalaki. Familiar sila kase nasa school din sila.

"Ay shet, may panalo na, Lele." Biglang tapik sakin ni Mark hyung. Baka naman ayun yung boyfriend n'ya? Nakaakbay pero ibang lalaki. Sakit ha

"Gagi, ayun yung magaling sa music class ah?" Patanong na sabi ni Haechan hyung.

"Yung pianist? Maganda din boses nun." Singit ni Jaemin hyung.

"Okay lang yan, Le. Kaya mo din namang magpiano at kumanta, hindi lang talaga kayo para sa isa--" hindi ko na pinatapos si Jisung at binatukan na s'ya with all of my strength. Char, di naman kalakasan

"Ay nako mga anak, masama yan." Awat ni Jaemin hyung. Minsan ang weird n'ya. Wala naman kase s'yang matres eh.

"Tara na nga." Aya ko sakanila. Kakain dapat kami sa labas tas dito kami napadpad. Mukha kaming mga chismoso.

Band Aid •Zhong Chenle•Where stories live. Discover now