11

21 3 0
                                    

Rina's Pov

Kasalukuyan akong nasa park kasama sila Chenle and others. Ang ingay nila, opo. Di ako sanay pero okay lang yan.

"Ingay n'yo. Alam n'yo bang nakakadamage yan sa ert?" Tanong ni kuya Ten.

"Pinagsasabi mo, Ten?" Tanong din sakanya ni kuya Kun.

"Imagine, mapupuno ng ingay n'yo yung ert tas masisira s'ya tas mamamatai tayong lah---"

"Tama na. Ang nonsense mo, hyung. Mas maingay ka pa nga samin." Sabi ni kuya Hendery. I believe na lahat po kayo ay maingay.

"Pasensya na ha? Okay ka lang?" Tanong sakin ni kuya Taeyong kaya tumango ako.

"Uncomfy ba?" Tanong n'yang muli.

"Hindi po." Sabi ko at tumawa ng mahina. Ansaya nga nila tingnan eh.

Ang babait nila, sa totoo lang. Imagine, tatanungin ka pa kung comfy ba. Pwede ko ba kayong jowain isa isa? Char

"Pag naiingayan ka na mhie, isipin mo nalang na maganda ako." Sulpot ni Haechan sa harapan ko at kumindat.

"Alam mo ikaw, nakakaperwisyo ka na sa mga tao." Sabi ni ate Youngmin at binatukan si Haechan.

"Sorry na." Pagpopout ni Haechan sabay yakap sakanya. Bat po sa harapan ko?

"Hoy! Bat dito pa? Shoooooo" Pagtataboy sakanila ni kuya Mark. Life saver ba to? Akala ko kase mangingisay ako ng wala sa oras, kabitter-an yung cause.

"Beh, sorry ha?" Patanong n'yang sabi kaya natawa ulit ako.

"Okay lang." Sabi ko.

"Wanna go grab some food? Or drinks?" Tanong n'ya.

"That would be great." Agad ko naman s'yang nginitian. Enebe... chaur
Pwede din ba natin ibili si Ch-

"Tara." Aya n'ya kaya sumama ako. Ang nice naman nito.

Chenle's Pov

"Aray." Pang aasar ni Jeno hyung at napahawak sa puso.

"1 point for Mr.Canadian." Napalakpak na sabi ni Haechan hyung.

"Sarap n'yo po sampalin." Napairap nalang ako at napatingin sa ibang gawi.

"Ano meron? May hindi ba kami nalalaman, anak?" Tanong ni Doyoung hyung.

"May gusto s'ya kay Ri--"

"Wala wala." Sabi ko at tinakpan agad yung bibig ni Haechan hyung. Kahit kailan talaga, walang tigil bibig nito.

"Ang sad naman, magkasama sila ni Mark." Sabi ni Johnny hyung. Ayoko pumatol, mas malaki s'ya.

"Dinadown n'yo yung bata." Bigla namang pinat ni Taeyong hyung yung balikat ko. 

"Love at first sight?" Tanong ni Jungwoo hyung.

"Hindi, hyung. Love at first sugat." Sabi ni Jaemin hyung kaya natawa naman sila. Katawa yon? Palibhasa di n'yo feel yung mafall tas may kasamang iba.

"Mauuna ka pa sakin, anak." Birong sabi ni Kun hyung sakin.

"Hyung, tatanda ka na atang binata." Sabi ni Winwin hyung sakanya.

"Winwin, tama na ha? Malay mo balikan ka n'ya." Sabi n'ya kay Winwin hyung kaya napapoker face nalang si Winwin hyung.

"Lele, kailangan mo ata ng lessons on how to make a move." Singit ni Jaehyun hyung. Baka naman pag sinunod ko yang lessons, sayo s'ya mafall? Wag nalang.

"Jaehyun, wag mo ulukan yung bata." Awat ni Taeil hyung sakanya. 

"Hyung, tuturuan ko lang naman." Sabi ni Jaehyun hyung.

"Pano mo tuturuan, wala ka namang ginaganon. Magpapogi ka nalang." Sabi ni Taeil hyung at hinatak papalayo si Jaehyun hyung.

"Ayan na, nakabalik na sila." Sabi nila Iya kaya napatingin naman ako kila Mark hyung na natawa. Oh edi kayo na. Mukha bang naiinggit ako? Oo.

Band Aid •Zhong Chenle•Where stories live. Discover now