16

12 3 0
                                    

Rina's Pov

"Hoy, Rinrin!!!" Sigaw ng magaling kong nakakaputanginang mahiwagang pinsan na galing ata sa outer space.

"Ano nanaman ba, Shin Railey?!" Sigaw ko pabalik. Ganan kami mag usap, wala namang bago.

"So I was thinking kung pwede bang ireto mo'ko sa kaibigan mong maganda na ewan ko kung anong pangalan?" Sabi n'ya at umupo sa tabi ko with matching puppy eyes.

"Sino naman? Sampalin kaya kita?" Tanong ko sakanya kaya napakamot s'ya sa ulo. Daming kutuhin these days.

"Yung nasa bahay nila Hope." Sabi n'ya kaya tiningnan ko s'ya with nagtatakang face. Eh si Hope lang naman yung nasa bahay nila? Walang ibang babae dun.

"Si Hope lang yung babae don." Sabi ko na ikinalaki ng mga mata n'ya. Shookt s'ya na ewan. Mukha s'yang gago.

"So sino yung naka parang boy cut na maganda?" Tanong n'ya.

"Boy cut???" Taka kong tanong. Parehas kaming nagtatanungan ngayon. Long haired si Hope, walang ibang naka boy cut kundi mga lalaki don syempre.

"Yung kasama n'yo minsan pag naglalakad kayo!! Yung may mga kasamang lalaki na parang one of the boys." Sabi n'ya. Nagtataka pa rin ako hanggang ngayon. Tangina may multo ba s'yang nakikita?

"Teka nga lang. May picture non sa epbi eh." Sabi n'ya sabay kuha ng cellphone n'ya.

Agad n'ya namang ipinakita sakin yung cellphone n'ya pagtapos n'yang kalkalin. Putangina???

"Si Chanhee?!!" Pasigaw kong tanong at napatayo. Tangina, seryoso ba s'ya? Eto irereto ko sakanya?

"Chanhee pangalan nan?" Tanong n'ya kaya napatango ako ng agressive.

"Nahihibang ka na ba? D'yan? Irereto kita?" Tanong ko kaya tumango s'ya na parang nacoconfuse na din.

"Bakit? Wala namang masama?" Inosente n'yang tanong kaya napafacepalm ako.

"Lalaki din yan." Sabi ko sakanya kaya napanganga s'ya. Baka pasukan ng langaw.

"Umasa ako eh...umasa ako!!!" Sabi n'ya at tumayo din sabay yugyog sakin.

"Nagpapakatanga ka nanaman, Railey." Sabi ko at napailing iling.

"How could you do this to me?!!" Pagd-drama n'ya.

"Ako pa talaga?!!! Kinalaman ko?!! Ikaw nga tong pinagkamalang babae si Chanhee!!!" Sigaw ko pabalik. Sabunutan ko kaya to.

"Nakakainis na mabuhay." Sabi n'ya at binitawan ako sabay upo.

"Mahahanap mo poreber mo soon. Siguro next life." Sabi ko kaya hinampas n'ya ako sa braso.

"Uuwi na ako sa Chicago." Sabi n'ya at nagpout.

"Mabuti nga." Tugon ko kaya hinampas n'ya ulit ako pero mas malakas ver.

"Tanginamokatalaga." Mabilis n'yang sabi kaya natawa ako.

Bigla namang nagsink in sa utak ko yung mukha ni Chenle. Teka, bat ba yon? Pero ampogi n'ya ha.

Band Aid •Zhong Chenle•Where stories live. Discover now