6

15 5 0
                                    

Rina's Pov

"Teh, napaano yan?" Tanong sakin ni Rhia. Oh diba, may kaclose na ako.

"Ah wala, nasugatan lang." Sabi ko sakanya.

"Tara sa cafeteria." Aya ni Klein kaya agad naman akong sumunod sakanilang dalawa ni Rhia sa paglalakad.

"Oh, Iya. Sinong kasama n'yo?" Biglang pagtatanong ng ewan ko kung sino nang makarating kami sa cafeteria.

"Ah new friend, kuya." Rinig kong sabi ni Rhia.

"Ay hello! Johnny Suh po, only child ako." Pagpapakilala n'ya sakin. Agad naman s'yang siniko ni Rhia kaya natawa ako. Obvious namang magkapatid sila

"Rina po." Pagpapakilala ko. Syempre hindi yung full name kase wala lang.

"At tsaka pala. Rina, meet the boys." Sabi nung Johnny at  gumilid. Nareveal yung sandamakmak na mga lalaki. Puta, para silang mga students sa iisang room.

"Hi!!!" Bati nila sakin. Kumaway ako pabalik kase hindi talaga ako makapagsalita. More judgements makukuha ko kase andami nila.

"Hi teh! I'm Lee Donghyuck,  Haechan nalang. Ako pinakamaganda dito." Sabi n'ya at nginitian ako. Ay, pogi s'ya kaso biot ata.

"Wag mo pansinin. Kuya ko yan." Bulong sakin ni Klein kaya natawa ako. Mukha naman...mag kamukha sila

"Hoy pottaca, ayusin mo." Sabi nung isang girl at ngumiti sakin pagtapos n'yang batukan yung Haechan daw. Ang ganda n'ya naman.

"Hi!! Kim Youngmin, Haechan's girlfriend. Wag mo nalang s'ya pansinin hehe." Pagpapakilala n'ya at ngumiti sabay hatak dun sa Haechan. Ay, magjowa sila. Sana ol :)

"Huang Renjun pala." Sabi nung isa pang pogi na nakipagshake hands sakin.

"Klevi Lee Renjun's Girlfriend." Sabi nung isa pang magandang dilag.

Ang gaganda naman nilang magkakaibigan...nahiya tuloy ako sa sarili ko.

Pero lord, alam ko pong di ako kagandahan...wag mo po ako gawing single.

"Rina?" Rinig kong pagtawag sa likudan ko kaya lumingon ako para malaman kung sino.

"Chenle?" Shookt kong sabi. Don't tell me, tropa n'ya 'tong mga to?

"Magkakilala kayo?" Tanong nung pogi sa gilid.

"Ah oo, hyung." Sagot ni Chenle sakanya.

"Ay, Qian Kun nga pala." Pagpapakilala nung pogi. Gago, andaming pogi...actually, lahat sila.

"Jeong Jaehyun right here!" Sabi nung kuyang manly yung boses na nakahoodie. Gago, pogi din...kuya, ilang taon kana? Char

Isa isa na silang nagpakilala sakin. Andami nila, buti nalang nalagay ko sa utak ko ng sabay sabay.

"Taga saan ka pala?" Tanong sakin nung Taeyong na leader nilang mga lalaki. Nct daw tawag sakanila. Oh sana ol.

"Chicago po." Sabi ko sakanya kaya nashookt naman si kuya Johnny. Kuya agad kase wala lang, respeto uy. Tsaka, marami silang mas matanda sakin.

"Oh really?! We're from Chicago too!" English n'yang sabi. Syempre tinutukoy n'ya is s'ya at si Rhia. No English allowed dapat dito eh

"Oh wait...ikaw yung girl kahapon diba?" Tanong sakin ni Jaemin. Ngayon n'ya lang narecall sa utak n'ya.

"Ah opo." Tugon ko. Siguro nakwento n'ya?

"Kamusta sugat mo?" Tanong sakin ni  kuya Mark.

"Ayos na po." Sagot ko at ngumiti.

"Ay ikaw pala yon?" Tanong ni kuya Kun sakin kaya tumango ako.

"Pasensya kana sa anak ko ha." Sabi n'ya kaya natawa ako ng mahina. Hala ang kyut, may anak anak pala dito. Parang The Boyz slash The Girlz lang. 

"Hoy, anak ko yan." Sabi ni kuya  Doyoung kaya napatingin ako kay Chenle na nakatakip ng mukha.

"Wag mo sila pansinin, may sira sila sa utak." Bulong sakin ni Rhia.

"Feel free to talk to us. Eat with us, drin--"

"Hoy Lucas, magtigil ka." Saway ni kuya Kun sakanya.

"Joke lang." Sabi n'ya at kumain nalang. Grabe s'ya kumain. Pero pogi kaya okay lang. I believe na kung wala akong chance sa Kim pag The girlz na, baka sainyo po meron? Charot syempre. Dapat dun tayo sa una nating nakilala, maging loyal ka.

Band Aid •Zhong Chenle•Where stories live. Discover now