18

16 3 0
                                    

Rina's Pov

"Bobo ka ba?"

"Tangina mo, kilalanin mo binabangga mo."

Bangayan nila habang naglalakad kami. Unti-unti na akong nasasanay sa bangayan nilang parang walang katapusan.

"Rina, mahilig ka sa aso diba? May aso si Lele." Sabi sakin ni kuya Mark kaya napatingin ako kay Chenle na nakatingin samin. Ang kyut n'ya pero mas kyut ako.

"Ayan oh, si Jeno." Sabi ni kuya Doyoung kaya natawa kaming lahat.

"Nandodogshow kayo eh." Sabi ni kuya Jungwoo at dinamayan si Jeno.

"Parehas kayong aso, bagay kayo sa isa't isa." Pang aasar ni kuya Johnny.

"Bahala kayo dan." Singit ni kuya Lucas at nagpout. Sila ata ship...oh edi sana ol, kayo na may ship.

"Biot." Biglang sabi ni Klein na mukhang ayaw na sa buhay n'ya dahil kanina pa nakahawak sa braso n'ya si Haechan.

"Hyung, ako naman." Sabi ni Yangyang kay Haechan. Bat may hiraman? Ako nalang oh. Char, di po ako marunong kumuha ng jowa ng iba. Mabait kaya ako. Sa sobrang bait ko gusto ko na magtanim ng sama ng loob. Pag di gumana yung sama ng loob, nuclear bomb nalang.

"Haechan, break na tayo." Pagp-pout ni ate Youngmin pagtapos n'yang sabihin yon. Puta, dapat pala nag stay nalang ako dun sa dorm. Sawang sawa na ako maging single.

"Ganan din tayo." Bulong sakin ni Chenle kaya napatingin ako sakanya.

"Ang alin? Yung break?" Tanong ko kaya napapoker face s'ya. Eh sabi n'ya mag ganon din?

Chenle's Pov

"Yung alin? Yung break?" Pagtatanong ni Rina sakin. Bat ba kase sinabi ko yon.

"Halatang ikaw si Youngmin noona 2.0 ,hanggang kaibigan lang." Bulong sakin ni Jisung kaya napatingin ako sakanya. Sapakin ko kaya to? Minsan nakakagigil din mga bata eh.

"Balibagin kita?" Banta ko kaya napabaling s'ya kay Rhia. Kaurat, dapat ganan na ako ngayon eh. Ligawan ko na kaya tong katabi ko? Char, eto oh maney.

"Anong next destination natin?" Tanong ni Jaehyun hyung.

"Sa puso mo." Tugon sakanya ni Taeyong hyung kaya napatingin kaming lahat sakanila. Gusto ko na umuwi tas isasama ko nalang si Rina. Bawal ba? Oh edi sainyo na. Sino ba naman ako para isama s'ya papuntang dorm diba? Sainyo na din si Daegal.

"Rina, okay ka lang?" Tanong ni Iya kay Rina kaya agad naman itong tumango.

"Lalim ata ng iniisip mo?" Tanong din ni Kun hyung sakanya.

"Baka po kase sunog na yung dorm." Sabi n'ya kaya natawa yung iba. So dorm nga yung kanina? Napakasakit, kuya Jani~ charot

"Dorm? Aling dorm?" Tanong ni Ten hyung. Daming tanong, isa isa lang.

"Yung dorm po namin." Sabi n'ya kaya napa 'ahhhh' sila hyung. Dapat pala ako nalang kadorm mo? May libreng pagmamahal ebridey.

"Hindi yon masusunog kung maayos yung naiwan." Sabi ni Klevi noona kaya napa agree naman kaming lahat.

"Bat pala may dorm ka?" Tanong ni Taeil hyung. Pang ilang tanong na yan?

"Ah ayun po yung dorm namin nung nasa ibang university pa po ako." May malawak n'yang ngiti na sabi. Bat nakangiti s'ya? Boyfriend n'ya talaga? Nakakahiya naman magtanong eh.

"Tara na, kain muna tayo." Aya ni Renjun hyung.

"Kain ka mag isa." Pang aasar ni Haechan hyung sakanya. Baka naman dito pa kayo maghabulan? Tigilan n'yo yan, akin tong mall tas di kayo nahiya?

"Tama na. Gutom na ang lahat kaya tara na." Awat ni Taeyong hyung. Napatingin naman ako kay Rina na nakatingin sa malayo.

"Uy teh, tara na daw." Pagtapik ko sakanya kaya nabalik s'ya sa reality. Iniisip n'ya siguro kung gaano ako kapogi.

Band Aid •Zhong Chenle•Where stories live. Discover now