56

10 3 0
                                    

Rina's Pov

"Hala ate, sorry po."

"Ang kapal ha! Sa tingin mo ba magagamot ng pera 'tong sugat sa braso ko?! I can't believe this!!"

"NOONA!!!!!!!!" Nagulat ako sa biglang pagsigaw ni Railey kaya napatingin ako sa pintuan ng kwarto ko.

"Ano?!" Sigaw ko pabalik. Baka yumanig yung mundo sa sigaw n'ya.

"Kanina pa ako nasigaw, nakatulala ka d'yan sa kisame!" Sabi n'ya at napacross arms. Oh sensya na

"Ano ba kaseng kailangan mo?" Tanong ko sakanya. Busy yung tao kakaisip nung mga nangyari nung paglipat ko eh.

"Wala." Bigla s'yang napairap kaya natawa ako.

"Galit ka?" Natatawa kong tanong.

"Malamang. Ikaw ba naman pasigawin ng ilang beses diba?" Sarkastiko n'yang tanong kaya natawa na ako.

"Sorry na!"

"Hindi ka sincere!"

"Kailangan bang maging sincere?!"

"Bahala ka d'yan!"

"Oy!!" Pagtawag ko sakanya pero lumabas na s'ya ng tuluyan. Apaka asar talo talaga.

Bumalik nalang ako sa pagtitig sa kisame dahil wala lang. Buti nga hindi nagrereklamo yung kisame kung bakit ko s'ya tinititigan.

Teka, nasan yung mga band aid ni Chenle? Yawa naman, baka nawala.

Tumayo na agad ako mula sa pagkakahiga at nagsimulang hanapin yung mga band aid. Sayang yon tsaka, may memories ako dun sa band aid.

Kung di ako yung nasugatan, baka ibang babae kasama n'ya ngayon. Ay bat ganan topic ng utak ko?

Hinalungkat ko nalang yung mga drawers dito sa baba ng lamp.

Dito ko lang pala nilagay sa babang drawer.

Kinuha ko agad kahit wala akong sugat. Bawal ba? Oh edi sainyo na to, pasaksak kayo gamit pagmamahal.

Galing na naman yung sugat ko sa may braso ko, wala akong paglalagyan.

Bibilangin ko ba lahat? Bilangin ang mga sandali nating masaya? Corny amput--

Band Aid •Zhong Chenle•Where stories live. Discover now