43

10 3 0
                                    

Chenle's Pov

"Ilabyu ka dan, landi mo gago." Words na nag eecho sa utak ko habang nakatulala sa kawalan. Siguro boyfriend n'ya? Eh sino yung kasama namin? Ano ba yan, two timer ba s'ya?

"Chenle? Lele? Zhong Chenle? Chenlaur? Lelaur?" Sunod sunod na tawag sakin ni Mark hyung kaya napatingin ako sakanya.

"Kung ano ano nang tinatawag mo sakin, hyung." Natawa naman s'ya sa sinabi ko at hinampas ako sa braso. Required ba talaga yon?

"You're spacing out. May problema ba?" Tanong n'ya. Umiling nalang ako at inayos yung pagkakaupo ko sa kama.

"Tungkol ba kila Hallie? Kay Rina? Ano? Kay Jisung?" Tanong n'ya ulit at tumabi sakin.

"Wala, hyung. Natulala lang ako kase may nakita akong nasayaw na pakwan." Sagot ko.

"Ha? Saan?" Tanong n'yang muli kaya napafacepalm nalang ako. Hindi ba obvious na nagj-joke lang ako?

"Matulog ka na nga lang, gabing gabi na oh." Sabi n'ya sakin at tumayo. Lumipat s'ya dun sa kama n'ya.

"Goodnight, hyung." Humiga nalang ako sa kama. Nakita ko naman yung expression n'ya na parang di maintindihan.

"Masunurin ka na pala," Pagbibiro n'ya kaya natawa ako.

"Goodnight." Dugtong n'ya, nagfinger heart nalang ako as response. Sweet ko diba?

Rina's Pov

"Rina~" panggigising sakin ni Railey. Puta kung kelan ako matutulog, tsaka s'ya mambubulabog.

"Ano?" Tanong ko at iminulat yung isa kong mata.

"Wala lang." Sabi n'ya kaya agad ko s'yang hinampas sa braso.

"Matulog kana, kung ano anong ginagawa mo." Sermon ko. Naramdaman ko namang wala na s'ya sa may harapan ko kaya nakampante ako.

"Noona, gusto mo yung Chenle?" Tanong n'ya bigla kaya napamulat ako at tumingin sakanya. Bigla bigla akong tinatawag na noona.

"Ano nanamang tanong yan, Railey?" Antino naman kase ng tanong n'ya. Gusto agad? Diba pwedeng coincidence lang na nagkasabay kami kanina?

"Obvious namang may gusto s'ya sayo."

"Pinagsasasabi mo?" Tanong ko sakanya.

"May fiance na yon." Dugtong ko. Kahit walang propose propose, fiance n'ya yon si Hallie. Kaya nga arrange MARRIAGE

"Ay talaga? Ambata pa n'ya." Confused na sabi ni Railey.

"Naarrange marriage s'ya, di n'ya naman ginusto." Pagk-kwento ko. Ang chismosa ko masyado.

"Baka kase ikaw yung gusto?" Pagbibiro n'ya kaya napakunot ako ng noo.

"Matulog ka nanga lang." Pag saway ko sakanya.

Asa namang magkakagusto sakin si Chenle diba? Mukha akong hampaslupa. Hindi din naman siguro ako yung standard non. Baka nga may pa "1billion, leave my son alone" yung parents n'ya eh. Ano ba naman tong mga pinag iiisip ko.

Band Aid •Zhong Chenle•Where stories live. Discover now