17

13 3 0
                                    

The next day
Rina's Pov

"Rin, may bisita ka sa baba." Biglang pagpasok ni Railey sa kwarto ko. Bisita? Wala naman akong pinapapunta?

"Sino?" Tanong ko at napaupo. Ganda pa ng higa ko eh.

"Ewan. Babain mo nalang, madami sila eh." Sabi n'ya at isinara yung pinto. Baka naman sila Hope? Panong hindi n'ya kilala?

Agad naman akong tumayo at naglakad palabas ng kwarto. Alangan namang diko babain, mabait kaya ako.

Bat sila nandito?

"Hi Rina!!" Pagbati sakin nila Jaemin. Anong ginagawa nila dito? Pinuntahan ba nila ako kase ang kyut ko?

"Sorry ha? Nagpumilit kase si Mark hyung eh." Sabi ni Chenle sakin at napakamot sa ulo. Dami ngang kutuhin, confirmed. Pero ang kyut n'ya.

"Okay lang." Sabi ko sakanya at ngumiti.

Chenle's Pov

"Ay, sino po sila?" Tanong nung lalaking nagbukas ng pinto pagkatok namin. Kapatid ba to ni Rina?

"Si Rina po?" Tanong ko sakanya.

"Ah nasa taas po. Pasok po kayo." Sabi n'ya at binuksan ng malawak yung pintuan.

Walang ibang tao? Ang peaceful ng bahay nila na mukhang dorm. Wait, sila lang dalawa?

"Drinks po?" Tanong n'ya kaya umiling ako at sila hyung. Nakakahiya oy.

"Upo po muna kayo. Tatawagin ko lang." Sabi n'ya kaya umupo na kami nila Renjun hyung. Agad namang tumaas yung lalaki kanina, siguro nga dalawa lang sila.

Malinis din yung bahay, di gaya nung amin. Char

"Pababa na po." Sabi nung lalaki at ngumiti samin.

Nakita ko namang bumaba na si Rina. Ay shet, eto ba yung rocking that white hoodie with the ponytail?

"Hi Rina!!" Bati nila hyung sakanya.

"Sorry ha? Nagpumilit kase si Mark hyung eh." Sabi ko sakanya at napakamot sa ulo. Eh nagyaya kase si Mark hyung na isama daw namin si Rina para daw makapag explore. Ewan ko kung anong ieexplore, kasama lang naman namin yung iba.

"Okay lang." Sabi ni Rina at ngumiti. Wag ganan teh.

"Ano palang pinunta n'yo?" Tanong n'ya samin. Syempre ikaw ;) char

"Ah may sinabi kase sila Taeyong hyung na kung pwede isama ka daw namin. Di na kami nakapagchat since wala saming may load." Paliwanag ni Jeno hyung. Gusto n'ya daw kasama si Hope.

"Ay sige, tara." Sabi n'ya kaya nalight up yung mukha ni Jeno hyung. What if di pala kasama si Hope?

"Mag aayos muna ako." Akmang aalis na s'ya pero pinigilan ko.

"Wag na. Maganda ka naman, ayos na yan." Sabi ko kaya napatingin s'ya sakin. Masyado bang nakakacringe?

"Seryoso? Baka mukha akong mangkukulam eh." Sabi n'ya na ikinailing ko.

"Okay na yan mhie." Sabi ni Haechan hyung sakanya.

"Sige na nga. Tara?" Aya n'ya kaya nagsitayuan na kami. Di ba s'ya kinilig dun sa sinabi ko? Ansaket naman, kilalanin mo binabangga mo. 

"Rai, iwan muna kita dito." Paalam ni Rina dun sa lalaking kakalabas lang ng kusina. Tumango naman ito as response.

Boyfriend n'ya? Mukha silang magjowa na sa sobrang close, magkamukha na. Siguro boyfriend n'ya nga.

Band Aid •Zhong Chenle•Where stories live. Discover now