15

12 3 0
                                    

Chenle's Pov

"Nais n'yang magpakalasing~~~"
Pagkanta nila Mark hyung. Tanaw kase namin mula dito sila Rina kasama yung mga kaibigan n'ya. Sayang nga at hindi namin kasama si Jeno hyung, kasama ata ni Rina yung Hope.

"Lapitan natin?" Tanong ni Renjun hyung.

"Wag na, may pupuntahan pa tayo." Sabi ko at naglakad na. Nandito kami para bumili ng laruan ni Daegal kahit hindi n'ya naman lalaruin.

"Si Daegal pinunta natin dito, tara na nga." Sabi ni Jaemin hyung kaya naglakad na kami paalis dun sa kinatatayuan namin.

Mabilis naman kaming nakahanap ng pet store kaya pumunta na kami agad. Bibili nga ng laruan diba?

"Sa tingin n'yo, pwede ba to ipalaro kay Jeno?" Tanong ni Jaemin hyung kaya napatingin kami dun sa hawak n'ya.

"Eto, pwede kay Jungwoo hyung." Sabi ni Haechan hyung at ipinakita yung isa pang laruan.

"Hyung, para kay Daegal po." Sabi ko kaya natawa naman sila at ibinalik yung mga laruan na hawak nila.

"I think we should put Jeno's name sa collar." Sabi ni Mark hyung.

"Buti wala si Jeno." Sabi ni Renjun hyung habang tumatawa. Magkasama sila ni Jisung sa bahay.

"Ano Lele, may napili kana?" Tanong ni Jaemin hyung sakin.

"Kanina pa, hyung. Iniintay ko nalang kayo, mukha kayong aso." Sabi ko kaya napatingin sakin sila Haechan hyung.

"Tara na nga. Magbabayad na ako." Sabi ko kaya nagpunta na kami sa counter. Keep the change? Char, sayang yon no.

Band Aid •Zhong Chenle•Where stories live. Discover now