51

12 3 0
                                    

Chenle's Pov

"Hindi n'yo naman kailangang puntahan pa ako." Sabi ni Hallie. Lahat kami nandito sa dorm dahil sabi nila "Ang problema ng isa ay problema ng lahat"...is that supposed to be sweet or something?

"Sher mo naman kase ang chikabels, momshie." Pabaklang sabi ni Haechan hyung.

Talagang naggather kami dito sa sala, nakaupo kaming lahat sa lapag para daw fair.

"Willing naman kaming makinig." Singit ni Lucas hyung kaya napatango kaming lahat.

"Konting misunderstanding lang naman." Nakayukong sabi ni Hallie.

"Kung konti lang, bat naglasing ka?" Tanong ni Winwin hyung kaya napatingin sakanya si Hallie. Another love story? Well, dati pa naman love story nila, naputol lang.

"Concern ka?" Tanong ni Hallie at natawa ng mahina.

"Oo. E pano kung may nangyari sayo sa daan kagabi? Buti nalang dun ka sa dorm napunta at hindi sa ibang bahay." Diko alam kung nanenermon ba si hyung eh. Lahat kami kasalukuyang nakatingin sakanya.

"Wag n'yong gawing issue, tama naman si Winwin." Biglang sabi ni Taeyong hyung. Issuehan ko? Char

"So what's the reason? Ilang bote ang nilaklak mo?" Tanong ni Youngmin noona.

"Diko alam, ate." Sagot ni Hallie.

"Baka naman nakasampu ka, llie? E tinawag mo pang Chenle si Winwin kagabi tas bumagsak ka sakanya." Mahabang sabi ni Hendery hyung kaya nabatukan s'ya ni Kun hyung.

Ang sweet naman. Pero, hindi po ako si Winwin hyung, thx.

"Para namang wala tayong pinagsamahan. Chine-chenle mo nalang ako ngayon." Nashook naman kami sa sinabi ni Winwin hyung. Ano po yan?

"Hindi kase! I mean ano...diba nga las--"

"Bat ka nagpapaliwanag? Nagj-joke lang ako." Natatawang sabi ni Winwin hyung kaya napafacepalm nalang si Hallie.

"Nangangamoy..."

"Tangina, ambaho mo."

"Hindi ako, piste ka!"

Bangayan nanaman nila. Ayan, sa katarantaduhan nanaman napunta ang usapan.

Hindi ko nalang pinansin at pinagtuunan nalang ng pansin ang pyutu- este, si Rina. Napatingin lang ako, bakit ba? Masama bang tumingin? Anong use ng mata kung diko makikita ang kanyang ganda? Shet, galing ko talaga.

Band Aid •Zhong Chenle•Where stories live. Discover now