29

11 3 0
                                    

Chenle's Pov

"Mr.Zhong, pakibigay nga ito sa faculty room." Pagtawag sakin ni miss ma'am kaya agad akong tumayo sa pagkakaupo. Lunch time na at lahat sila ready na umalis, ako naman tong sa faculty room ang punta. Diba dapat sila na yung dapat pumunta kase faculty room ng teacher naman yon? Sa sobrang pogi ko, favorite nila ako.

"Salamat." Sabi ni miss ma'am sakin kaya naglakad na ako paalis ng room para magtungo sa faculty room.

Madami sigurong mga ginagawa yung teachers ngayon, mukhang araw araw na nagpapalagay ng kung ano ano sa faculty room eh.

"Oh, Chenle?" Rinig kong pagtawag sa pangalan ko kaya napalingon ako sa likod ko.

"May ibibigay ka din sa faculty room?" Tanong ni Rina kaya tumango ako.

Nakarating naman kami agad sa faculty room pero hindi binubuksan ni Rina yung pintuan.

"Ikaw na magbukas." Mahina n'yang sabi kaya natawa ako. First time n'ya ata pumunta sa faculty room, ang cute n'ya.  Pero gusto ko muna s'ya asarin.

"Ikaw na, ladies first." Pag aasar ko kaya napatingin s'ya sakin. Mukhang paiyak na s'ya weyt

"Wala namang dragon sa loob nan." Biro kong sabi kaya nahampas n'ya ako sa braso ng medj malakas.

"S-sorry." Sabi n'ya at hinaplos yung braso ko. Tangina, kinikilig ako, wag ganan. Hindi s'ya mahilig manakit, secured puso ko.

"Okay lang." Agad kong binuksan yung pinto ng faculty room at hinawakan yung kamay n'ya papasok sa loob.

Rina's Pov

"Wala namang dragon sa loob nan." Hindi ko alam kung pinapagaan n'ya yung loob ko o nang aasar s'ya eh.

Diko na napigilan at nahampas ko s'ya ng malakas sa braso.

"S-sorry." Paghingi ko ng tawad at hinaplos yung braso n'ya kung saan ko tinamaan. Di naman sa nerbyosa ako pero parang ganon nanga. Baka sabihin n'ya fc ako kase nanghahampas ako ng braso.

"Okay lang." Tugon n'ya sabay bukas nung pintuan ng faculty room. Bigla n'yang hinawakan yung kamay ko at hinila papasok. Ganto pala feeling ng may ka holding hands.

"Oh mga anak, put it down here." Sabi nung isang teacher na pinapat ng marahan yung table n'ya. Agad ko itong ibinaba gamit yung isa kong kamay.

Agad na nagbow si Chenle kaya sinabayan ko na din. Ang hirap talaga pag walang alam.

Naglakad na kami palabas ng faculty room. San kami pupunta?

"Uy chix."

"Tanga, may jowa na."

Biglang pagsasalita nung dalawang lalaking magtropa. Diko namalayang inakbayan na pala ako ni Chenle. Kanina lang yung kamay ko ahhh??

Pinagtitinginan na kami ng mga tao sa hallway. Ako ba tinitingnan nila o si Chenle? Baka naman mamaya may mala Wattpad character pala dito tas ibully ako kase inakbayan ako ng popular bo--

"Rina, bat tumigil ka sa paglalakad?" Tanong ni Chenle sakin kaya naputol yung iniisip ko. Hindi na pala s'ya nakaakbay.

"Ah wala." Naglakad nalang ulit ako kasama si Chenle. Wala na ata s'yang balak lubayan yung kamay ko.

Band Aid •Zhong Chenle•Where stories live. Discover now