70

10 3 0
                                    

Rina's Pov

"HAPPY BIRTHDAY!!" Nagulat naman ako sa hiyawan galing sa mismong loob nung sinehan. Yawa, bat sila lang yung tao?? Don't tell me...nirentahan nila?

Agad naman silang lumapit lahat sakin at nag abot ng kung ano ano.

Gifts? Andami...

"Andami..." Salitang lumabas sa bibig ko habang nag aabot sila ng kung ano ano sakin.

"Ganan din sinabi mo nung inabutan kita ng band aid. Pero hindi yan band aid." Singit na sabi ni Chenle na last magbigay ng gift kaya natawa ako.

"Happy birthday!" Nakangiti n'yang sabi. Agad n'ya naman akong niyakap na ikinagulat ko. Luh ambango, pereng shere. Char

"Group hugggg!!!!" Sigaw nila at nakisali na din sa yakap. Di naman nakakaiyak...medj

Agad din naman silang kumalas lahat sa yakap kaya lahat kami nakahinga ng maluwag. Halos magpatayan na kami dahil sa higpit nung yakap, napasa lang kay Chenle lahat kase nacocoveran n'ya ako. Luh superhero yan? Tangina kinikilig nanaman ako

"Salamat!" Masaya kong sabi sakanilang lahat.

"Upo na tayo! Mags-start na yung movie!!" Sabi ni kuya Taeyong.

Napatingin naman ako kay Chenle na nakatingin din sakin. Bigla s'yang tumawa kaya natawa din ako. Nakakarupok naman toh...

"Tara, tabi tayo." Aya n'ya.

Nagturo agad s'ya ng seat kaya nagtungo na kami don.

Para tuloy kaming magkakagalit. Magkakahiwalay kami ng seat. May mga magkakatabi na magjowa, yung iba naman mag isa lang, merong tatluhan, merong landian.

Nagstart naman agad yung movie kaya nagfocus na ako. Horror ata s'ya na ewan.

———

Chenle's Pov

"You guys rented this?" Tanong ni Rina sakin habang nanonood kami.

"Yes po." Sagot ko.

"Masyado kayong nag effort." Sabi n'ya na natawa ng mahina. Dahil masyado kitang mahal...i mean sobra.

Bumalik nalang kami sa panonood nung horror eme. Diko naman kase alam kung anong genre gusto n'ya kaya tinanong ko nalang sila hyung kung anong gusto nila...hehe

Naghihintay nalang ako ng perfect time para...you know...ayie, kinikilig ako.

Rina's Pov

As I continue watchi- ay bat English? Well, kinikilig ako.

Hays, ganon na ba talaga ako kaspecial? Char, masyadong assuming pakinggan.

Kinain ko nalang tong popcorn kase I'll make your heart pop like a corn ;)
Charot lang syempre, baka mamatai ka.

Agad naman akong napatingin sa gawi nung iba. Chismosa ako kaya ganon.

Merong 4 kinds ng magjojowa dito sa loob...naiinggit ako...jowain ko na talaga tong katabi ko. Char

Yung pinakasweet sa lahat, sila Klein. Sweet kase boyfriend n'ya eh...when?

"Tinitingnan mo d'yan?" Biglang tanong ni Chenle sakin.

"Ah, wala wala." Tugon ko at bumalik sa panonood.

"Inggit ka don?" Tanong n'yang muli.

"Syempre...hindi." Narinig ko naman s'yang tumawa kaya tinago ko nalang tong kasiyahan ko sa pamamagitan ng pag kain ng mahiwagang popcorn. Ang kyut n'ya tumawa...pero sabi nila, ang "kyut" daw ay para lang sa hayop.

"Ang cute mo no?" Ha? Alam ko naman yon...anoba...ehe

"That's why I like you...I really do...pero hindi naman ako naghahangad na ibalik mo."

Napatingin naman ako sakanya na naglean back sa upuan. Tangina, ano daw? He likes me? He likes me not? Char, di naman ako bingi, I heard everything he said.

How to respond?

Dahil sa aking kahihiyan, agad kong kinuha yung cp ko. Hindi siguro n'ya pinapatay data n'ya...buti nalang.

Zhong Chenle
•Active Now•

Don't worry, I like you too :Rina

Tinurn off ko agad yung phone ko at ibinalik yung atensyon sa panonood.

Hala what if mali yung napagsendan ko nung message?

"Pinahirapan mo pa ang buhay, dapat nagsalita ka nalang. Pero okay lang hehe." Nagulat naman ako sa bigla n'yang pagbulong. Pano ko haharapin to ngayon?

"Kinikilig ako, para keng shira~" bulong n'ya ulit. Diko naman maiwasang natawa dahil sa way n'ya ng pagsasalita.

"Sagutin mo naman ako oh." Bigla n'yang pagbalik sa pagiging seryoso.

"Nanliligaw ka ba?" Walang alinlangan kong tanong. Basta yun na yon, ayos na yung sagot na yon.

"Gusto mo?" Tanong n'ya. Tatanggi ba ako?

"Hiya pa kayo eh. Sige na, kayo na." Biglang pagsasalita galing sa likudan. Si Hallie pala. Owemji kayo...parang sira...ehe

"Dun ka nga kay Winwin hyung." Pagtataboy sakanya ni Chenle kaya natawa ako.

Bigla namang tumingin si Chenle sakin kaya nagulat ulit ako.

"Kiss me slowly is the sweetest thing~~"

"Tanga, maling kanta. Di naman sila magkikiss."

"Lalaslasin nung lalaki yung labi nung babae kase malandot s'ya."

"Grabe, di ba pwedeng nagkatinginan lang sila nung killer?"

Usapan mula sa mga dudes dito. Kala ko para samin yung kanta...umasa ako no. 

"Ligawan na kita, totohanin na natin yung sinabi mo." Bulong ni Chenle sa tabi ko.

"Bat kailangan mo pang ibulong?" Tanong ko.

"Para ikaw lang may alam na mahal kita. Tas soon, ako na magsasabi sa buong mundo pag nasa altar na tayo." Mahaba n'yang sabi. Nananaginip ba s'ya?

"Pinaghahandaan mo ba mga sinasabi mo?" Tanong ko habang natawa. Altar agad? Di ba pwedeng graduate muna?

"Di naman kailangan, basta ikaw." With kindat kindat n'yang sabi.

"Kahit ano, basta ikaw~~"

"Luma na yung kanta ah?"

"E ano naman? Ikaw nga luma na kaya walang jowa."

Napatingin naman ako kila kuya Johnny na ewan ko kung anong trip nila.

Bigla ko namang naramdaman na sinuksok ni Chenle yung braso n'ya dito sa braso ko. Ako talaga yung groom.

"I love you, mi amor."

"I love you too, mi amor but with e"

•End•

Band Aid •Zhong Chenle•Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt