14

11 3 0
                                    

Rina's Pov

"Teh, gusto mo mameet Neo?" Tanong ko kay Hope habang nakain kami dito sa food court.

"Pakamatai nalang ako." Sabi n'ya kaya natawa ako.

"Sino yung Neo?" Tanong ni Sunwoo samin.

"Tanga, diba merong Skies? Kaibigan nila ni Riyu noona yung Neo." Paliwanag ni Eric sakanya.

"Neo? Isang lalaki lang?" Tanong ulit ni Sunwoo.

"Sarap mo batukan, beh. Marami sila, mas marami pa sa chicks mo." Sabi ni kuya Haknyeon.

"Wala s'yang chicks, kuya." Sabi ni Hope kaya napangiti naman ng malawak si Sunwoo.

"Labyu, Hope." Sabi ni Sunwoo sakanya na nakindat kindat pa.

"Wala ngang nagkakagusto sakanya eh." Dugtong ni Hope kaya nabalot si Sunwoo ng pait. Yan, nadali ka tuloy.

"Binabawi ko na yung sinabi ko. Salamat sa lahat." Sabi ni Sunwoo at kumain nalang.

"Buti wala sila Sangyeon hyung. Baka nabatukan na tong si Sunwoo." Sabi ni kuya Haknyeon na tumatawa.

"Para namang di mo'ko mahal." Sabi ni Sunwoo at nagdrama. Pwede na ang The Boyz at Neo sa iisang bahay, bardagulan sila.

"Tanga, SangHak layag." Sabi ni Eric kaya tumango ako.

"Hilig n'yo magtanga tanga no?" Tanong ni Hope kaya napatango kami nila Eric.

"Satin satin lang naman eh. Tsaka, wala naman sila hyung." Sabi ni Sunwoo at nagthumbs up.

"Ikaw yung pinakamalaking tanga dito." Sabi ko kaya natawa sila kuya Haknyeon.

"Nakakailan kana ah!" Sabi n'ya sakin. May anger issues pa naman s'ya. Pero masarap s'ya asarin, lasang patatas.

"Mukhang nagiinit na patatas si Sunwoo." Sabi ni Hope.

"Tama na tama na. Baka makain na si Sunwoo mamaya, masarap kaya yung mainit init na patatas." Sabi ni kuya Haknyeon.

"Hyung, pinapatigil mo ba o dinadagdagan mo pa?" Tanong ni Sunwoo sakanya.

"Both beh." Tugon ni kuya Haknyeon.

"Gagi, yung pagkain yung lumalamig eh. Painitin mo nga, Eric." Sabi ko kaya agad naman s'yang tumayo.

"Oh? Gagawin mo?" Tanong ni Hope sakanya.

"Sasayaw. Ayun yung ginagawa sa tiktok para uminit yung tubig na pangkape." Sabi ni Eric at akmang sasayaw na pero pinigilan s'ya ni Sunwoo.

"Tama na, maraming tao." Pagpipigil ni Sunwoo sakanya. Epal talaga neto, maganda sana show ni Eric.

"Kain na po. Kukunin ko yang sainyo." Sabi ni kuya Haknyeon kaya naman binilisan na namin yung pag kain. Akala ko malamig yung pagkain, napaso ako. Bwiset

Band Aid •Zhong Chenle•Where stories live. Discover now